Daniel's POV
natapos na yung meeting at presence ko lang naman pala ang kailangan dun. sayang, wala si kath. at tapos na ang meeting yes! gusto kong bumawi kay ate ellie dahil sa nasabi ko kanina. kaya nilakasan ko ang loob ko at nilapitan siya.
"oh, daniel? may kailangan ka?" napakamot naman ako ng ulo. nakakahiya naman.
"ah ate ellie, gusto ko lang humingi ng sorry dahil sa nasabi ko kanina." nagpa awa naman ako sabay pout ng labi. alam kong para kong bakla neto pero cute daw eh hahaha ganyan talaga pag pogi. ;)
"oo na, nagpapa-awa ka pa diyan hahaha!" ngumiti naman ako.
"hahaha gumana naman. cute ko ba?" kumindat ako at sinapak niya naman ako sa balikat.
"ikaw talagang bata ka. oh, may sasabihin ka pa ba? kakain pa ako kasama yung alaga ko eh. nangungulit na nga, gutom na daw hahaha."
"libre ko nalang kayo ng dinner, pambawi man lang sayo ate ellie." napahawak naman si ate ellie sa baba niya na para bang nag-iisip.
"oh sige, text ko lang yung alaga ko." ngumiti siya at umupo muna ako habang naghihintay.
"payag daw at bilisan na raw natin umiinit na ang ulo eh hahaha sunod ka sakin daniel." sumunod naman ako sakanya at napatigil kami sa tapat ng dressing room. sino naman kaya yung alaga ni ate ellie?
"oh daniel, bat nasa labas ka? pasok ka dito. kay pogi poging bata nahihiya." pumasok naman agad ako sa loob nangalay yung paa ko kakatayo eh. napansin kong lahat sila todo titig sakin. alam kong pogi ako pero puta kung yelo lang ako kanina pa ako natunaw.
"Ang gwapo gwapo naman."
"San mo nakuha yang boylet mong yan ellie?" tanga, hindi niya ako boylet.
"Bagay sila nung alaga mo."
"Poging nilalang."
di ko nalang sila pinansin at umupo.
"uy daniel, pasensya ka na ha? ngayon lang ata nakakita ng nilalang na ubod ng pogi haha." kinurot naman ni ate ellie ang pisngi ko.
"wala yun, sanay na ako." sabay ngiti.
"ate ellie!!! ba't ngayon ka lang? i'm so hungry na." ang arte naman ng babaeng to. sino naman kaya yun? maya ko nalang tingnan mukhang dadaan naman ata yan dito.
" oo na, may manlilibre nga pala satin bebe."
"at sino naman yun?" hinila ako ni ate ellie at hinarap dun sa babaeng maarte magsalita. at muntik ng malaglag ang panga ko nung makita ko kung sino ang babaeng yun.
"K-kathryn." tangina mga bregs sobrang ganda niya pala pag malapitan. uminit tuloy mukha ko. puta, baka namumula ako tss sayang nagpapogi pa sana ako unexpected mga pre!
"eto nga pala yung bagong bassist, si daniel padilla." ngumiti si kath. ang ganda niya talaga nanginginig yung kamay ko shit. relax daniel, yung puso mo nagwawala na.
"hi daniel, nice to finally meet you." inabot niya yung kamay niya. tangna, mahahawakan ko kamay niya?! whoo. inabot ko din kamay ko at napansin niya yatang nanginginig yun kaya napatawa siya. ang cute niya talaga. siya na ang may pinaka-cute na tawa.
"ang lamig ata ng kamay mo daniel? hahahaha." napabitaw naman agad ako at pinasok ang kamay ko sa bulsa. ba't ganon? sobrang ganda niya. dyosa talaga. pogi ako at maganda siya kaya bagay na bagay kami. match made in heaven kumbaga ;)
"so ano? tara?" kath. ngumiti lang ako. speechless parin ako hanggang ngayon. makakadinner ko ang aking hinahangaan? busog na agad ako, maisip lang yun. haaay, kathryn. mas lalo kitang minamahal.
Best Day Ever!!!!!