Chapter 2

21 0 0
                                    

Daniel's POV

"Daniel, si kath nasa tv!" narinig kong sigaw ni neil sa sala. lumabas agad ako ng kwarto at dumeretso agad sa tv. nanlumo ako sa nakita ko.

"Puta bat andyan yang quen na yan? ayos lang sana kung iba kasama eh wag lang yang quen na yan." binigyan naman ako ni neil ng nakakalokong ngiti.

"Gusto mong ikaw ang kasama niya? haha ba't di ka na lang mag-artista? pogi ka naman at marunong kumanta." Neil. napaisip naman ako pero mag aartista lang ako para kay kath? wag na lang. ayos na ako bilang tiga suporta niya at siyempre alam kong balang araw magkikita at magkikita rin kami.

"Patayin mo nalang yang tv. nawalan ako ng gana manood." bumalik ulit ako sa kwarto at pinagmasdan ang bawat sulok ng kwarto ko. balang araw makakabisita din si kathryn dito at makikita ang masterpiece ko hahaha tangina ang hirap naman ng sitwasyon ko isa akong hamak na fanboy lamang at di malabong magkakatuluyan yung quen pati siya. ugh, nasasaktan ako sa naiisip ko bat ba ganun?

Kathryn's POV

@bernardokath

Hi guys, maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta sakin at dahil diyan i have an upcoming concert!!  pero we're still planning pa can't wait!! ♥

napangiti naman ako sa tweet ko. akalain niyo yun? i have an upcoming concert kumanta lang ako sa isang guesting ko few weeks ago. i am so excited !!

"Kath, lawak ng ngiti natin ngayon ah. what's with the smile? ano meron?" tumabi sakin si quen at inakbayan ako.

"Excited lang hahaha." napakunot-noo naman si quen. cutie.

"excited saan? don't tell me.." before he could say anything pinigilan ko na siya.

"no, wala akong lovelife okay?" ngumiti naman siya at huminga ng maluwag.

"so.. ano nga?" umupo ako ng maayos and explained everything.

Daniel's POV

Concert?? anong concert? maybe eto na yung pagkakataon ko. what if mag audition ako para maging bassist doon sa concert niya? kung mangyayari yun edi makakasama ko siya sa rehearsals at mga practice niya for her concert! ayos!! :))))

@imdanielpadilla

Get ready!!! Here i come!! :))))

tumayo agad ako at tinawag si neil.

"Pre, samahan mo ako! mag au-audition ako bilang bassist sa concert ni kath! eto na siguro ang tinatawag nilang tadhana hahaha maghanda ka bukas brad pupunta tayong Abs i heard they're looking for a bassist kulang daw sila ng ganun eh." Ako. nakatitig lang sakin si neil.

"Brad, sigurado ka ba diyan? baka mahopia ka nanaman ha." niyuyugyog ko balikat niya habang tumatalon.

"Brad!! aren't you happy for me?! eto na yun this is it!! di ko na hahayaang makawala pa ang pagkakataon na to kung talagang bestfriend mo ako susuportahan at sasamahan mo ako sige na pre once in a lifetime lang to!! pagbigyan mo na ang isang poging katulad ko!!" tinulak ako ni neil.

"oo na brad, ingay mo para kang bakla. sasamahan na kita pero pre libre mo ko pagkatapos ah? ma popostponed ang date ko dahil sayo eh." binatukan ko siya at kinuha yung bass guitar ko. wala ng makakapigil sakin. eto na nga yun hahaha inayos ko na yung tunog ng bass.

nga pala sino yung makakabanda ko? sana naman eh mga solid sila dahil kung hindi nako magmumukha silang back-up ko hahaha loko lang.

Malapit na ako Kath!! :))))

Her FanboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon