Day 3

78 3 1
                                    

[TERRENCE'S P.O.V]

Pagkagising na pagkagising ko, dumiretso agad ako sa kwarto ni Sav para mag-sorry sa inasal ko kagabi. Nainis lang ako. Pero natawa at the same time, kasi yung mga lalaking pinagseselosan ko e kpop idol pala?! Nakaka gago lang. Btw, Im Terrence Jung, 17 years old. Full Korean. Ang mga magulang ko ay nakatira sa Korea, dito lang ako sa pilipinas lumaki dahil nandito si Lolo, siya ang lagi laging kasama ko. Okay tama na kwento.

Pag bukas ko ng pinto, wala na si Sav. Nagmamadali akong bumaba. Sinalubong agad ako ni manang Rea.

"Nako iho, si Savannah ba ang hanap mo?" tanong niya.

"Opo manang, where is she?"

"Maagang umalis, dinala kanina yung malaki niyang motor dito, at yun ang ginamit niya sa pagpasok. Nako ang batang yun. Mapapahamak siya sa ginagawa niya!"nag aalalang sabi ni manang.

"Dont worry manang. Mas mababantayan ko pa siya ngayon kasi nagtransfer na ako sa school na pinapasukan niya." nakangiting sabi ko.

"Talagang mahal na mahal mo siya no iho?" tanong ni manang.

Ngumiti lang ako bilang sagot.

Oo, nagtrasfer ako sa school niya, sa school na sila mismo ang nag mamay-ari. Hindi pa niya alam dahil wala naman akong sinabihan. Magkaklase rin kami, syempre.

Nagmamadali akong umakyat papuntang kwarto ko at naligo. Pagtapos kong maligo, dumiretso na ko sa parking lot. Pinaharurot ko yung kotse ko, medyo malayo layo rin kasi to sa Royal High.

See you Later My Sav ;)

--

[SAVANNAH'S P.O.V]

"Maaasteeeeerrrr!" pambungad agad sakin ni Kenji at niyakap ako ng mahigpit. Hinatak naman siya ni Leo.

Si Kenji yung type ng happy go lucky sa grupo, never mo siyang makitang magseryoso. Depende nalang pag gang fight na. Pag nag seryoso siya, kabahan ka na.

"Master! Ang sexy mo pa rin! Woot woot!" sabi ni Lawrence. Lumapit naman ako sa kanya tsaka ko siya piningot.

"Gago!" sabi ko, sabay bitaw.

SI Lawrence, playboy, Casanova, baseball player siya. Boyfriend ng bayan ang tawag sa kanya. Dahil halos lahat ng babae naging girlfriend niya na. Madalas napapa-away dahil sa mga babae.

Tumingin ako kay Kian. Tinanguan niya lang ako. Si kian naman, siya yung silent type. Minsan nagdadaldal pag nasa mood. Pero madalas tahimik. Bookworm. Mahilig mag-aral.

"Kamusta?" tanong ni Leo.

"Im fine." naka ngiting sabi ko.

Si Leo, bestfriend ko since bata pa kami. SIya ang pinaka close ko sa lahat, napaka bestfriend material nya kasi. Siya yung tumatayong kanang kamay ko. Sa kanilang lahat, si Leo rin ang parang kuya ko. Mabait kasi siya, matalino at napaka responsable. Ewan ko nga bakit hindi pa siya nag kaka girlfriend. Pag nagtatanong naman ako, ang lagi niyang sinasagot "May mahal ako pero di ko sasabihin kung sino." o diba nakaka gago?

Pero kahit magkakaiba ang personalities naming lahat, nagkiclick parin kami.

"Hala! 7:30 na pala! Kailangan ko ng pumasok! Yari nanaman ako kay Mrs. Yook!" sigaw ni Kenji.

"Sige na, pumasok ka na." sabi ko.

"Sige! Kita kits nalang mamayang lunch! Master namiss talafga kita." sabi ni Kenji at akmang yayakapin ulit ako kasi etong si leo, hinarang yung palad niya sa nood ni Kenji tsaka niya tinulak.

A Hundred Days With Him.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon