Chapter 1

214 7 2
                                    

[Xyre's P.O.V]

"Parang hindi ko to matatapos agad ah..." bulong ko sa sarili ko habang ginagawa ang Physics thesis ko. Nakaramdam ako ng kalabit sa bandang likuran ko kaya napilitan akong tumingin.

"Xyre?"

"Oh?"

"Problemado ka ata?"

"Feeling ko kase hindi ko matatapos 'tong ginagawa ko e. Eh bukas dapat tapos na to." sabay hingang malalim.

"Ano ba yan?"

"Thesis ko. Para to sa Physics."

Tumango na lang si Brylle. Mukhang wala atang masabi. Hehe.

Nagsimula na kong magtype sa laptop ko ng kinalabit nya ulit ako. Medyo inis na din ako ng konti, pero I tried to look again sa kanya.

"Ano ba yun, Brylle?"

"G-gusto mo ba tulungan na kita dyan? Hindi kita matiis eh."
Nagda-dalawang isip pa ko. Bukas na pasa neto eh, kaya siguro no choice na kundi tanggapin na lang alok nya.

"Oh sige. May kapalit ba to?" pagbibiro ko.

"Wala ah. Gusto lang kita tulungan. Ako na magre-research. :)"

"Sabi mo yan ha."

Inabot ko sa kanya yung laptop ko. Wala kaming teacher for the next 3 subjects kaya ang dami kong time para gawin to. Luckily, tinulungan nya naman ako.

"Xyre, tanong lang. Nagka-boyfriend ka na ba?"

"Uy ang random ng tanong na yan ha." sabay hampas ko sa kanang balikat nya.

"Oy masakit! Hahahaha!"

"Hampas lang yan. Pano pa kaya pag iniwan ka?" hindi ko talaga mapigilang hindi magdrama pag si Brylle ang kasama. Sya kase yung tipong happy-go-lucky.

"Tigilan mo ko sa kaka-hugot mo, Xyre."

"Sorry na. Hindi na nga po eh."

"Oh galit ka na nyan?"

"Hindi ah! Hahaha."

Nagtawanan lang kami ni Brylle. Ang sarap nya kasama, I swear! Parang positive lahat ng nasa paligid mo.

Habang may sinusulat ako sa yellow paper ko, narinig ko yung hagikhik ni Brylle. Ano kayang problema nito?

"Hoy Brylle ba't ka natawa ha? Pinagtitripan mo ata thesis ko eh?!"

"HAHAHAHAHA! Ang cute! Ang cute mo dito Xyre!" ang sinambit nya habang itinuturo ang screen ng laptop ko.

"Sheeeeeeeet! Akina laptop ko Brylle! What the! Hindi nakakatawa!"

"Hahaha ang cute mo don sa picture mo! Selfie pa!" ang sabi nya habang naka-peace sign.

"Nang-aasar ka ba? Ba't mo ginagaya pose ko? Badiiiiing! Bading ka pala ha? Hahahaha!"

Hindi nagsalita si Brylle. Kanina tawang tawa sya, ngayon naman naka-poker face na lang. Maya-maya, sumubsob na sa upuan nya.

"Oy Brylle, joke lang yun."

"Brylle?"

"Bryyyyyylle."

"Bahala ka nga dyan."

Tinuloy ko na lang yung nasimulan nya sa pagreresearch. Infairness ha, laki na agad ng tinulong nya. Haha!

Seryosong seryoso ako sa paggagawa habang sya naman nakasubsob pa din. Ano ba talagang problema nito?

"HULI KA BALBON! HAHAHA!"

"Anak ng! Ano bang gusto mo Brylle?!"

"Ikaw."

.........

.........

.........

Teka. Nagp-process pa sa utak ko ang sinabi nya. Totoo ba 'tong pinagsasasabi ng mokong na to?

"Walanjo naman Brylle seryoso ako dito."

"Seryoso din ako."

"Wehhhhh?"

"Oo nga! Kilitiin ulit kita dyan eh." sabay ngisi.

"RAPIST! May rapist dito! Hahahaha!"

"Shut up, Xyre!"

Pinigilan ko tumawa pero di pa din talaga maalis sa utak ko yung sinabi nya. Hindi nagtagal, hindi din ako nakatiis. Tinanong ko sya.

"Totoo ba yung sinabi mo kanina?"

"Alin?"

"Ay. Limot agad. Di ka nga talaga seryoso."

"Ah yun ba? Hulaan mo kung totoo."

Aba. Pinahulaan pa sakin. Luko talaga.

"Malay ko? Nararamdaman mo yan."

"Wala joke lang yon!" sabay binelatan ako.

"Wow, paasa." bulong ko sa sarili.

"Anong sabi mo? Ako? Paasa?"

"Hoy wala akong sinasabi!"

"Wag ka na mag-sinungaling, Xyre. Kinig na kinig kita."

"Well kung ganon, mali narinig mo. Pwe! Mag-thesis na lang ako."

"Taray." sambit ni Brylle sabay tayo sa kinauupuan nya.

Akin Ka Na Lang [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon