Chapter 3

92 7 0
                                    

[Brylle's P.O.V]

Naghintay ako ng ilang sandali para masigurado kong tulog na talaga si Xyre. Ang himbing ng tulog nya, mukhang pagod na pagod na talaga yung tao.

Teka, tao pa nga ba to? Hahaha!

Joke lang. Ang sama mo, Brylle. Sorry na.

"Xyre, akin na laptop mo ha." bulong ko sa kanya habang sya'y natutulog. Atleast nagpaalam ako.

Ginawa ko lahat ng kailangang tapusin para sa thesis nya. Ako kase tapos na eh kaya wala na kong problema.

"Citations, contents..."

Medyo nalilito na din ako.

"Ano ba yan, Xyre. Spacing na nga lang mali mali pa. Hays."

Pagkatapos ng ilang pag-eedit at pag-reresearch, natapos ko din ang thesis nya. Pasalamat talaga 'tong luka na to at mahal ko siya.

Tinignan ko yung oras at nabigla ako na 5:27 na pala. Kailangan ko na umuwi, pero pano si Xyre? Walang kaalam-alam sa nangyayari.

Baka nasusunog na sya, hindi nya pa din alam. Pati nga nararamdaman ko para sa kanya eh di nya rin alam. Hahaha, joke lang!

"Xyre, gising na. 5:30 na baka mapagalitan ka sa inyo."

Gumalaw sya ng konti at inilagay ang isa nya pang kamay sa upuan nya para subsuban.

"Xyre. Gising na." tinapik-tapik ko likudan nya pero ayaw pa din. Ang hirap naman nito gisingin. -____-

"Bahala ka nga dyan Xyre. Una na ko ha."

No choice, mapapagalitan din ako sa bahay eh. Papabantayan ko na lang sya kay Maxi, bestfriend nya.

Inayos ko na bag ko at inilagay ko yung laptop nya sa tabihan nya. Maya maya ay tinext ko na rin si Maxi para papuntahin sa room namin.

"Shit, naulan." bulong ko sa sarili.

Tutal wala akong payong na dala, isinakbit ko ang bag ko sa likudan ko ng mahigpit at tumakbo sa waiting shed na katapat ng univ.

"Sana may dalang payong si Xyre. Baka magkasakit."

Medyo kakaunti ang tao kaya madali akong nakasakay ng jeep. Walang hassle.

Isinaksak ko ang earphones sa tenga ko, oo literal na sinaksak kase ayokong makarinig ng kung ano anong ingay.

"Tutoy isod ka naman ng konti," narinig ko yan galing sa katabi ko pero di ko pinansin. Maya maya umipod din ako at ipinahawak sa akin sandali amg bitbit nya.

"Salamat. Paki-abot na din ng bayad." WOW HA. GINAWA AKONG UTUSAN. Wala ka bang kamay, teh?

Dapat pala di ako sa unahan pumwesto. Instant trabaho na eh. Taga-abot ng bayad kay Manong.

Habang nakikisabay ang mood ko sa pag-ulan, tumugtog naman ang "Fix You" ng Coldplay sa playlist ko. Parehas kaming Coldplay fan ni Xyre kaya naalala ko sya bigla.

Kamusta na kaya yon? Nakaalis na kaya sya? Sana safe sya.

Tila mabagal ang pag-usad ng jeep na sinasakyan ko dahil sa traffic. Uwian na kasi eh.

Time check: 6:21 PM

Paniguradong sermon na naman abot ko nito sa bahay. 5 kase ang alam na uwi ko. Kahit na lalaki ako, fragile pa din tingin sakin ng Mama ko dahil only child ako.
6:29 PM ay nakarating na din ako sa bahay. Hindi lang nakarating, pero basang-basa talaga ako. I'm doomed.

Akin Ka Na Lang [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon