Saan naman kaya nagpunta yon? Nagtampo kaya? Haha, buti nga sayo Brylle!
"Space space, the velocity is equivalent to...delete delete delete..." kausap ko na naman sarili ko. Asan na ba kase yon?!
Ang gulo ko din minsan eh. Maiinis ako sa kakulitan nya pero hinahanap-hanap ko din naman. Ayos, Xyre.
"Oh yan lunch mo. NATIN pala."
Nilapag nya sa tapat ko ang dalawang malaking paper bags."Kagulat ka naman, Brylle! San ka ba nanggaling?"
"Wala ka nang pake don. Kain muna tayo mamaya na yan." sabay ngiti.
"Aba! Edi walang pake."
"Nagrereklamo ka pa? Ikaw na nga 'tong nilibre ng pagkain eh. Oh ayaw mo ayaw mo?"
"Joke lang yon. Salamat po ha? Salamat! Utang ko na sayo ang buhay ko. -____-"
"Napaka-sarcastic mo. Halikan kita dyan eh."
Napataas lang ang isa kong kilay. To be honest, ano ba talaga ha Brylle?
"Ba't ka nangiti dyan? Gusto mo talaga ma-halikan no?"
"Hindi ako nangiti! Ang kapal!"
Nangiti ba talaga ko? Oh Xyre, wag mo ngang isipin yung "hahalikan" thingy na yon. Nakaka-cringe eh."May kanin ka sa pisngi." sabi ni Brylle.
"Asan? Wala ah?" ang sabi ko naman habang kinakapa ko ang pisngi ko.
"Baliw. Syempre may kanin ka talaga sa loob ng pisngi mo nakain ka eh. Hahahaha!"
"Luko ka talaga. Pero salamat dito ha. Di na to sarcastic."
"Wala lang yon. Sa susunod ako naman libre mo ha." pagbibiro nya.
"Sige. Bayad ko na din yon sa pagtulong mo sa thesis ko." sabay kagat sa chicken.
"Ang cute mo kumain."
"Wag mo nga ko panoorin!"
At nagsimula na naman ang walang katapusang pagtatawanan namin.
After naming kumain, bumalik ako sa paggawa ng thesis ko habang sya nama'y busy'ng busy sa paglalaro ng Clash Royale sa cellphone nya.
"Matalo ka sana!" pang-aasar ko.
"Ako? Matatalo? Sa galing kong to."
"Yabang! Pano ba yan laruin? Parang uso yang larong yan eh."
"Tuturuan kita ng expert skills pag natapos mo na yang thesis mo." pagmamayabang nya.
"Pagod na nga ko eh. Parang sasabog na talaga utak ko."
"Take a rest then, Xyre."
"Hindi pwede, Brylle. Isang oras na lang andito na prof natin."
"Nga pala, nakasalubong ko sa daan si Martin kanina. Umuwi na daw yung iba nating classmates para tapusin yung thesis. Absent na daw kase yung rest ng profs natin. Wag ka na mag-alala."
Nagulat ako sa sinabi nya sabay napangiti. Ngiting tagumpay. Totoo kaya? O niloloko na naman ako nitong lukong to?
"Weh totoo yan ha? Baka niloloko mo ko?"
"Promise! Totoo yan kaya magrest ka na lang muna."
"O sige. Basta gisingin mo na lang ako if ever na may dumating."
"Tsk. Wala ka talagang tiwala sakin." sambit nya.
Nagpatuloy sya sa paglalaro ng Clash Royale habang ako nama'y sumubsob na sa upuan ko para matulog.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang [On Going]
Short Story"Thesis? Ang hassle! Puno na sched ko dadagdagan pa ng prof na yon ang mga gawain. Jusko pano ko to magagawa?!" "Chill ka lang, Xyre. Wala tayong magagawa, graduating na tayo eh." "Brylle, pakalmahin mo ko, please." sabay tawang nakakaloko. Unti-u...