Chapter 4

113 5 0
                                    

[Xyre's P.O.V]

Omg. Napatagal ata tulog ko. 5:57 na, pero asan na si Brylle?!

Iniwan ako. Salaw eh.

"Bag, laptop, papers, ano pang kulang?"

Habang inaayos ko yung mga gamit ko ay nakita kong may nakaipit na papel sa ilalim ng bag ko. Yellow pa ha. Favorite color ko.

"Stay safe pag-uwi, Xyre! I have to go early. Sorry. -Brylle"

Hay. Andami talagang pakana non. Makauwi na nga.

Nag-tricycle na lang ako para mas madali akong makauwi. Patay talaga ako kay Mama. Saya! =))

6:18 nakauwi na ko ng bahay. As expected, napagalitan ako. Pinaliwanag ko naman na may thesis akong ginawa.

Thesis?

OH MY GOD. SPEAKING OF THESIS, HINDI KO PA TAPOS. WTF.


Nagmadali na kong umakyat sa kwarto ko para tapusin yung thesis. Ugh, nakakainis. Bukas na pasa nito! Nakakaiyak.

Binuksan ko ang laptop ko at laking gulat ko na ginawang wallpaper ni Brylle yung selfie ko. Bwisit talaga yon kahit kailan.

And wow, may note pa ha.

"You're welcome."

You're welcome what? Di ko na lang ito pinansin at binuksan ko yung last documents ko.

"Loading document, please wait..."

"What, wtf?"

Tinapos ni Brylle thesis ko? Kaya pala may "you're welcome" na note. Hulog ka talaga ng langit pero nakakainis ka pa din.

Pini-em ko sya sa fb.

(Facebook chat)

Xyre: Hoy! 6:25 PM

Brylle: Oh? Nasa jeep pa ko. 6:26 PM

Xyre: May atraso ka sakin! 6:28 PM

Brylle: Teka lang baba lang ako ng jeep. 6:28 PM

Xyre: ...... 6:28 PM

Seen 6:32 PM

Xyre: Wow, famous? 6:32 PM

Brylle: Sorry. Napagalitan ako ni Mama. 😂 6:35 PM

Xyre: Akala mo ikaw lang ha. Yan na nga atraso mo sakin! Buset to. 😂 6:36 PM

Brylle: Bakit? Napagalitan ka din? 6:36 PM

Xyre: Oo. Ikaw kase. Di mo agad ako ginising. 6:38 PM

Brylle: Ginising kaya kita. Ang hirap mo nga gisingin eh. 6:38 PM

Xyre: Hay. Hayaan na nga. Anyway, salamat sa pagtapos don sa thesis ko. Naappreciate ko yon ng sobra. 😊 6:40 PM

Brylle: Yun lang? Walang kiss? 6:41 PM

Xyre: Lul! 6:41 PM

Brylle: Joke lang. Ikaw pa, lakas mo kaya sakin. 6:41 PM

Xyre: Joke joke ka dyan. Salamat talaga. Salamat salamat salamat 💕 6:42 PM

Brylle: Uy, may heart. 6:42 PM

Xyre: Sa lahat ng pedeng pansinin eh. Design lang yan! Kain na tayo. 😊 6:44 PM

Brylle: Syempre. Kinilig ako eh. Eat well, Xyre. 6:44 PM

Xyre: Salamat. Ikaw din. 6:44 PM

(End of Facebook chat)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akin Ka Na Lang [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon