Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nong nakausap ko si Nikko sa library. Wala pa rin naman pinagbago masungit pa rin siya. Di ko na rin siya nakausap matapos non.
"Ms. Lim!!!" Ay palaka! Nagulat ako sa pagkakahampas ni Mr. Castaneda sa desk ko lahat ng mga kaklase ko ay sakin ang atensyon. Hot seat!!!
"Are you listening?!!" Para nila akong kakainin ng buhay sa mga tingin nila."Y-yes s-sir" the best lie ever ang totoo di naman talaga ako nakikinig, wala kaya akong maintindihan sa dinidiscuss niya. Mukha namang nakumbinsi ko siya bumalik ulit siya sa unahan at sumandal sa teacher's table. Wala na rin yung maraming pares na mga mata na nakatingin sakin kanina kaya nakahinga naman ako ng maluwang. Napailing nalang si Joyce at aya while Staycee she's stoping herself to burst out laughing.
"Para kang natatae na ewan" pang-aasar pa niya. I just rolled my eyes
"Do you understand class?"
"Yes sir!!!" Kahit di ko naman talaga naiintindihan.
"Get a ½ sheet of paper crosswise and answer the equation written in the board" TAKTE!!! Wala akong maisasagot sa papel ko!!!
I try my best na maabot ng paa ko si Aya sisipain ko sana paa niya para manghingi ng answer. Ano ba yan?!! Wala pa akong naisasagot ni isa sa mga equation. Wala nang ibang nakasulat sa papel ko maliban sa pangalan ko. Di ko maabot si Aya siya pa naman ang Mathematician saming apat. Bakit ba ang liit ng binti ko! Siniko ko naman si Staycee na katabi ko.
"Is there any problem Ms. Lim?Bakit mo sinsiko si Ms. Vargas?" Ay shit!!! Nahuli pa ko.
"W-Wala po sir, nadangi ko lang" mukha namang effective ang palusot ko dahil di na ko tiningnan ni sir.
Ang tanga tanga mo talaga Avy! Kung nakinig ka na lang sa discussion niyo edi sanan kahit kaunti lang may naintindihan ka pa at may naisagot ka pa. argggh!!!
THIRD PERSON POV
Habang sinasabunutan ni Avy ang sarili niya napnsin naman ito ng binata na nakaupo lang sa likod niya napailing na lang siya sa ginagawa ng dalaga sa sarili niya. Kung titingnan mukhang nababaliw ito sa kanyang ginagawa. Huminto si Avy sa kaniyang ginagawa at nag-isip ulit ng paraan kong paano niya masasagutan ang pinapagawa sa kanila ng kaniyang guro.
Sinadya ni Avy na ilaglag ang ballpen niya at kunwari ay yuyuko para pulutin ito sabay nakaw ng tingin sa papel ng kanyang katabi para mangopya ng answer. Ngunit kung minamalas ka nga naman at nahuli ka pa....
"What are you doing there Ms. Lim?" Nakuha na naman nito ulit ang atensyon ng klase. Lahat ay sa kanya nakatingin maliban sa isang binatang abala sa pagsagot ng pagsusulit.
"Nahulog po yung pen ko sir pinulot ko lang di po ko komportable sa upuan ko eh" napakamot na ulo na lang si Avy.
'Ano ba yan bakit lagi niya na lang ako nahuhuli' sabi nito sa kanyang isip
"Occupy the vacant chair beside Mr. Alvarez Ms. Lim at the back" t-teka! Wala akong kokopyahan don sa likod buti sana kung papakopyahin niya ko ng sagot niya.....eh...mukhang di naman ata.
"Ms. Lim can you please sit at the back.." bakas ang pagka strikto nito at awtoridad sa kanyang boses kaya walang nagawa si Avy
Kundi ang sumunod na lang...******
AVY'S POV
Nabibwisit talaga ako sa Mr. Castaneda na yan! Ako na lang parati ang nakikita kanina sa klase. Samantalang yung iba ko na kaklase lantaran na nga kung mangopya di naman niya nahuhuli!

BINABASA MO ANG
Together AGAIN
Teen FictionPeople who are meant to be together will always find their way back... Distance between two hears doesn't matter.... ( WAG NIYO MUNA PONG BABASAHIN DI KO PA PO NAPUPUBLISH ANG DRAFTS NG STORY NA TO) STORY STARTED: MARCH 27,2016 AUTHOR: @lykaholaso1