CHAPTER 6

9 1 0
                                    

Naglalakad ako papuntang Gym Maaga kaya akong gumising ngayon. It's Monday may flag ceremony pa kami. Pagpasok ko ng gym marami-rami na rin ang estudyante dito. Sa di nakakaalam, ang SC (Senior Carter) University is a school for High school and college students kaya magkasama kami ni kuya pumasok.

THIRD PERSON POV

Matapos ang mahabang seremonyas, at ano pang ka che-chean ay natapos rin ang flag ceremony kaya dumiretso na ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom. Si Avy naman ay kasama sina Aya at Staycee pumunta ng HS Building papuntang classroom. May pinuntahan lang kasi si Joyce sa Student Council room.

Pagpasok nila ng classroom di maiiwasang pagtinginan sila ng iba nilang kaklase di naman kasi mawawalan ng mga bully sa loob ng isang classroom.

Habang naglalakad si Avy papunta sa kaniyang upuan, sinadyang tinisod ng isa niyang kaklase kaya naman nadapa ito at muntikan ng humalik ang nguso nito sa puting tiles na sahig ng classroom. Tinulungan naman ni Aya itayo si Avy sa pagkakadapa nito.

"WHAT DO YOU THINK YOUR DOING BITCH?!" sabay hila ni Staycee sa buhok ng babaeng na nangtisod kay Avy.

"AND WHAT DO YOU THINK IM DOING FEELER?EWAN KO BA BAKIT IKAW ANG PINALIT SAKIN NI KHENT DI NAMAN DI HAMAK NA MAS MAGANDA AKO SAYO!!!" Sabay smirk ng babae habang hawak ang kamay ni Staycee na nakahawak ng madiin sa kaniyang buhok.

"Ewan ko kung sino sating dalawa ang feeler Collen !eh masyado ka ngang ambisyosa!!! AMININ MO NA LANG KASING EX KA LANG!!!" lalo pang hinigpitan ni Staycee ang pagkakahawak sa buhok ni Collen yung babaeng tumisod kay Avy gigil na gigil si Staycee kay Collen

"Staycee tama na yan ... wag kang OA di ako nasaktan..." sita ni Avy kay Staycee. Alam niya ang kahahantungan nito pwedeng magkagulo ayaw niya kasing madamay pa ang mga kaibigan nito

"Oo nga naman Staycee.... Can you take off your grossy hands away from Collen's hair?"maarteng sabi at Pangaasar naman ni Tracy at tinabil ang kamay ni Staycee sabay higit kay Collen palapit sa kanya. Nakuha nila ang atensyon ng kanilang mga kaklase at mukhang tuwang-tuwa pa sila at nanabik sa kung ano pang mangyayari.

Readers siya nga pala ,Tracy Sandoval. Mas kilala siya bilang Queen bee at bratinella, nag iisa lang kasi siyang anak at lahat ng hinihingi niya ay binibigay ng magulang niya. What Tracy wants, Tracy gets.

"Hahayaan mo na lang ba Avy na apihin ka ng mga pusit na to?!" Pagtatanggol ni Staycee kay Avy. Siya kasi ang matapang sa kanilang apag at madalas na nagtatanggol sa mga kaibigan niya.
Di ugali ni Avy ang makipag-away kaya kung awayin siya ay lumalayo na lang siya at hinahayaan niya na lang ang mga it0.

"AKO BA ANG SINASABIHAN MONG PUSIT!!!!?" Nangigil na sambit ni Tracy na parang umuusok na ang ilong sa galit.

"Bakit sinabi ko bang ikaw?!!!" Sabay irap ni Staycee. Hinawakan naman ni Aya ang balikat ng kaibigan niya na nagsasabing tama na. Tiningnan lang ni Staycee si Aya at umiling. warfreak kasing klaseng babae si Staycee.

"YOU BITCH!!" Sasampalin sana ni Tracy si Staycee kaso humarang si Avy para itanggol ang kaibigan kaya siya ang nakatikim ng malutong na sampal ni Tracy...

*PAK!!!* napahawak naman si Avy sa kaliwang pisngi niya na nasampal ni Tracy.

"Ouch!!!" Sabay na sabay na sambit at umakto pang nasasaktan habang hinahaplos ang pisngi ng iba nilang kaklase na nasasabik sa kanilang pinapanood. hinila ni Tracy ang buhok ni Avy palayo na gusto niyang ihampas ang mukha ng dalaga sa blackboard. bakas naman sa mukha ng dalaga na nasasaktan na ito pero kinakaya niya ayaw nitong makitang nag-aalala ang kanyang mga kaibigan. Gusto man nilang tulungan ang kaibigan ngunit wala namang magagawa sila Staycee at Aya dahil hinahawakan ang magkabilang kamay at pinipigilan sila ng mga alipores ni Tracy.

Together  AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon