Chapter 2
Tanya's POV
Umaga.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa. Tinignan ko ang orasan. Alas otso na pala ng umaga. Bumangon ako at inayos ang pinagpunasan sa kanya kagabi at bumaba na. Nagluto na ko ng umagahan niya dahil balita ko may shooting siya ngayon. Oo nga pala, he's the famous Mr. Suave "Vhong Navarro" samantalang ako? I'm just Tanya Winona Bautista. Isang manunulat. Paano kami nagkakilala at napunta sa kasalan? Sige, ik-kwento ko sainyo.
Flashback <<<<
April 2005
8:00 am
Andito ako ngayon sa ABS-CBN para sa unang araw ko sa trabaho. Sinong mag-aakalang ang isang civil engineer na graduate ay magiging isang manunulat? Writing is always my passion. Hindi ko nga alam kung bakit ang napili kong course eh civil engineering, eh 'di naman ako magaling mag drawing. Kasalukuyan akong papunta sa elevator para puntahan ang writers' room o kung anong tawag ba dun. Pagkapasok ko sa elevator pinindot ko ang "4" at pinindot ko ang close. Pero bago sumara ang pinto may humabol kaya bumukas ulit ang elevator (malamang). Nakita ko siya. Ang first crush ko, ang first puppy love ko at kung ano man ang tawag doon. Pawisan siya at halatang naghahabol ng hininga. Pinindot naman niya ang "8" at pinindot ang close na sign. Tinignan ko siya ng mabuti. It's been 4 years simula noong huli ko siyang nakita. Hindi parin siya nagbabago. Mabango parin siya, gwapo, medyo nagkalaman narin siya hindi tulad noon na isang tulakan nalang eh kakalas na ang mga buto niya. Napatingin naman ako sa mukha niya. Nagkalaman na talaga siya.
"Hi Vhong!"
Bati ko sakanya. Kasalukuyan kasi siyang nag p-phone kaya napatingin naman siya sa akin. Biglang gumusot ang kanyang mukha at tinignan ako.
"Bakit ka andito?"
Sabi naman niya
"Trabaho?"
Sabi ko sakanya at pinakita ko ang i.d ko.
"Sinusundan mo ba ako?"
Tanong niya ulit. ABA loko to ah? Paano niya nalaman? Joke
"Kapal mo naman pre" sabi ko
"May posibilidad naman na sinusundan mo ko dahil patay na patay ka sakin"
sabi niya at ngumisi. Kung hindi ko lang to mahal kanina ko pa to nasapak!
"Kapal mo naman pre! 'Di ba pwedeng natanggap lang ako sa pagiging writer sa pinag ta-trabahuan mo? 'Di pwedeng ganun?"
Sabi ko naman at inismiran siya.
"Writer? Civil ang tinapos mo tas magiging writer ka?" Sabi naman niya
"Pake mo ba eh trip ko eh" sabi ko nalang.
"Psh" sabi nalang niya.
Hindi ko alam kun bakit laging mainit ang ulo nito sa akin. Siguro dahil nung bata pa kami lagi kaming nag-aaway dahil sa lagi ko siyang binubully. Simula kasi nung bata kami magka- kilala na kami at kilala kami sa barangay namin na 'siga''. Oh diba? Bata palang siga na kami. Pero kilala din kami sa barangay bilang ''magka- away'' dahil kapag nagkikita kami walang humpay ang asaran namin sa isa't isa. At madalas siya ang unang napipikon. Sa galing ko ba naman mang-alaska hindi siya mapipikon? Hahahaha. Magka-klase kami simula nursery hanggang highschool. Ang tingin ko sakanya dati ay kaaway ko.