Chapter 5
Vhong's POV
Nagising ako na mabigat ang pakiramdam ko. Shit. Hindi ata ako makakapasok ngayon. Kinuha ko ang phone ko sa may side table at tinext si direk.
To: Direk Cathy Garcia- Molina
Hi direk! Sorry po dahil medyo late na tong text ko. Kakagising ko lang po kasi. Hindi po ako makakapunta sa shooting masama po kasi ang pakiramdam ko. Sorry po
Makalipas ang ilang minuto nag reply si direk
Direk Cathy
Sige Vhong pagaling ka.
Tinext ko rin si Anne para kamustahin
To: Babe
Hi babe sorry hindi ako kita nakamusta kahapon maghapong shooting eh. Hindi ako makakapasok kasi masama ang pakiramdam ko. Love you at ingat sa pag d-drive! 😘
Naghintay ako ng ilang minuto pero parang hindi siya sasagot sa text ko kaya nilagay ko nalang sa side table ko ang phone ko at napagpasyahan na magpahinga muna.
End of Vhong's POV
Tanya's POV
"Ohhhh~ sweet child of mi-innneeee~"
Pagkanta ko habang may kasamang head bang habang naglalaba ako.
Tuesday is laba day for me.
May washing machine naman kaso I SWEAR HINDI KO NA SIYA GAGAMITIN.
Flashback<<<<
2 hours ago.
"Paano ba ba kita pagaganahin?"
Tanong ko sa washing machine. Aaminin kong taga-bundok ako pagdating sa pag-gamit ng washing machine. Wala man lang bang instructions dito?! Nagbukas bukas ako ng mga drawer nagbabakasakaling may makita na instructions.
"Ayun! Sa wakas!"
Sabi ko sa sarili ko habang kinuha ang instructions ng machine. Binuklat buklat ko 'to at kahit papaano alam ko na kung paano ko paganahin to. Kumuha ako ng kutsara na ipang sc-scoop ko sa detergent.
Isa
Dalawa
TatloTinignan ko ang washing machine. Bat parang ang onti? Nag-scoop ulit ako pero parang ang onti parin. Napangiti ako sa naisip ko. Galing mo Winona! Pumunta ako sa may kitchen at nagbukas ng cabinet at kinuha ko ito.
Cup Noodles.
Binuksan ko nung cup noodles at nilagay sa bowl nung noodles at nung pang flavor sa noodles tapos bumalik ako sa laundry room at pinang- scoop ang lalagyanan ng cup noodles.
So galing Winona!
Ini-start ko na nung washing machine at iniwan ko muna nung mga damit at nagsimula ng magluto ng breakfast. Pero makalipas ng ilang mga minuto....
"psh!psh!psh!"
Ano yun? Pinasawalang bahala ko muna ng lumakas ng lumakas ang mga kalabog.. Pinatay ko muna ang apoy na nag mu-mula sa kalan at sinundan ang mga kalabog.