Chapter 7
Pagkatapos ng halos 3 buwan.
Tanya's POV
December 20.
Tatlong buwan. Tatlong buwan ang nakalipas simula ng mangyare yun. Nakatayo ako sa may veranda namin habang umiinom ng kape. Sa tatlong buwan na nakalipas kahit papaano ganun parin siya sa akin. May pake na siya. Atleast may pake na diba? Pero hindi parin siya nagbabago kapag si Anne ang pinag-uusapan. Makikita mo sa mga mukha niya kung gaano niya ito kamahal.
Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa kalangitan. Malamig ang simoy ng hangin. Hudyat na Mag pa-pasko na nga. Malamig ang simoy ng hangin... Parang siya. Yinakap ko ang sarili ko para maibsan kahit papaano ang lamig na nararamdaman ko. Tinignan ko ang phone ko.
8:34 pm
Wala pa pala siya. Umupo muna ako at tinignan ang laptop ko. Ilang buwan narin pala akong napatigil sa pagsusulat. Binuksan ko ang word at nagsimulang magsulat.
"Mahirap balikan ang nakaraan. Mahirap sariwain ang mga alaala ng nagdaan. Mahirap dahil kapag naalala mo ito mararamdaman mo parin ang sakit ng kapahon. Ang sakit na pinaramdam niya sayo. Na hanggang ngayon, baon-baon mo parin to. Na hanggang ngayon, hindi mo parin makalimutan kahit siya ang may dahilan kung bakit ka nasaktan noon"
*BEEP BEEP*
Napatingin ako sa labas. Kotse ni Vhong. Agad kong niligpit ang laptop ko at bumaba para pagbuksan siya ng gate. Ng nakapasok na ang sasakyan niya, isasara ko na dapat ang gate ng may tumigil na mga bata sa harap namin dala dala ang mga lata nila at sabay sabay na pinatugtog ito.
"Jingle bells, jingle bells, jingle all the way~"
Napangiti naman ako sakanila. Naalala ko noong mga bata kami madalas rin kaming mangaroling para may pera kami
Flashback <<<<
"Uy ayos na ba nung tambol natin?"
Tanong ko kay Jepoy. Isa sa mga kalaro namin at makakasama ko sa panga-ngaroling. Bali lima kaming manga-ngaroling. Ako, si Jepoy, si Ri, si Ana at si Jose.
"Oo okay na okay na to!"
Sabi naman ni Jepoy habang pinapatugtog nung tambol namin na gawa sa lata ng gatas. Gumawa rin kami ng instrumentong gawa sa mga cap ng mga softdrinks! Creative namin no?
"Dali umpisahan na natin para mapadami tayo ng mapupuntahan nating mga bahay"
Sabi ko sakanila at ngumiti ng napakalapad.
"Isasali mo pa kami dyan sa paliksahan mo kay Ferdinand!"
Reklamo ni Ri habang kumakamot ng ulo.
"Wag nga kayong magreklamo dyan! Tara na tara na!"
Sabi ko sakanila tska tinulak sila para makapagumpisa na kami sa pangangaroling. Habang lumalalim ang gabi, padami ng padami ang mga napupuntahan naming bahay at syempre madaming pera! Huminto naman kami sa isang malaking bahay. Pagkahintong-hinto namin may bigla ding tumigil!
"Aba tignan niyo nga naman"
Sabi ni Vhong at ngumisi sa amin.