Chapter 4
After 1 week.
Tanya's POV
10:00 am
Nakapagdilig na ko ng mga halaman sa garden namin
Nakapaglampaso na ako sa sahig
Nalinis ko na ang buong sala
Nakapagluto na ako para sa umagahan niya
Naglinis narin ako ng garahe namin
PERO 'DI PARIN SIYA GISING!
Puntahan ko na kaya siya sa kwarto niya para gisingin?
No! Wag Tanya, wag!
Gusto mong magalit sayo yun? Remember his rules.
RULE #4
Wag pumasok sa kwarto niyaAnd
RULE #5
WALANG PAKEELAMANAN.Gusto mong magalit nanaman sa'yo yun?
Umupo na lang ako sa may hagdanan namin at nagsimulang magpunas. Wala eh wala akong magawa. Makalipas ang ilang minuto lumabas siya at halatang nagmamadali.
"Shit late na ako!" Sabi niya habang patakbong pababa ng hagdanan. Kaso sa kasamaang palad nadulas siya at nahulog. Kung kelan naman malapit na siya sa sahig nadulas pa.
Tanga naman nito. Pasalamat to mahal ko to.
Hindi ko alam kung tatawa ba ako o tutulungan ko siya. Tutulungan ko na sana siya kaso tumayo agad siya at kinuha nung ilang mga damit na hawak hawak niya. Tinulungan ko siyang magpulot ng mga damit niya.
"Shit gusot na ugh!" Sabi niya habang tinignan ang mga damit. Mukhang may shooting.
"Gusto mong planstahin ko?" Sabi ko naman
"'Di ko kailangan ng tulong mo" sabi niya at pinapagpag ang mga damit niya. Nagbabakasaling umayos ito. Ngunit hindi siya nagtagumpay at lalo pang nagusot ang mga damit niya. Hay nako. Kinuha ko ang mga damit niya. Aangal pa sana siya ngunit inunahan ko na siya.
"Sige na ako na mag pla-plansta nito. Kumain ka muna habang ginagawa ko to" sabi ko. Wala siyang nagawa kung hindi kumain. Woah! First time na sinunod niya ko! Pumunta ako sa may laundry room para kunin nung plansta at nagsimula ng planstahin. Makalipas ng halos sampung minuto tapos na ko at agad na pumunta sa dining room para ibigay sakanya. Pagpunta ko nagulat ako kasi naubos niya nung hinanda kong umagahan sakanya! Sa isang linggong pagsasama namin at sa isang linggong pagluluto at paghahanda sakanya ng umagahan at gabihan, NGAYON LANG SIYA KUMAIN NG NILUTO KO.
May himala nga talaga.
"Oh eto na nung mga damit mo oh" sabi ko at ibinigay sakanya ang nga naka-hanger na damit niya.
"Thanks" tipid na salita niya at tumayo para kunin ang mga damit niya at umalis niya.
Tama ba ang narinig ko?
Nagpasalamat siya sa akin?
Tama ba?
Hindi ako ba ko nag i-ilusyon?
TAMA DIBA? TAMA?!
Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa calendar