Kabanata 1

300 13 1
                                    

Kabanata 1

Nagsimula na akong tumakbo. Niyakap ng sando ang aking katawan. Ang buhok kong laging nakalugay ay nakatali tuwing nagjo-jogging.

Alas sais pa lang umaga at wala pa masyadong tao. May iilan akong nakikita na tumatakbo rin tulad ko. Inayos ko ang earphones na nakapasok sa aking tainga.

Mas binilisan ko pa ang takbo ko. Ganito ang ginagawa ko tuwing wala akong lakad. Kung may lakad man ay sa hapon kung may oras pa. Naging hobby ko na rin ang pagtakbo dahil marami akong napupuntahan at nagiging inspirasyon sa pagpipinta.

Tinitignan ko nang maiigi ang mga bagay sa paligid ko, kung gaano ito katahimik. Ang sarap siguro sa ganitong lugar, tahimik. Pero ang nakakalungkot lang ay tuwing umaga lang ito tahimik. Madalas pag gabi ay maraming nagda-date rito o 'di kaya ay dito naghahapunan.

Pinikit ko ang aking mata at dinamdam ang malamig na dampi ng hangin sa aking balat. Napakagat labi ako.

Napadilat ako nang may narinig ako na ibang yapak, at tama nga ako. May kasama na ako ngayon sa pagtakbo. Sumulyap ako. Nanatili ang aking mata sa kanya. Mula sa kanyang panga, palagay ko ay kaya ako nitong masugatan, sa mapupula niyang labi, ang mata niyang kulay grey na nakakahumaling.

Napansin niya siguro ang pagsulyap ko sa kanya at tumingin siya sa akin. Agad kong inalis ang titig ko. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko.

Medyo binagalan ko ang takbo ko para makasigurado ako na hindi ko na siya makasabay. May kakaiba sa kanya, sa aura niya. Blangkong ekspresyon ang tanging sinisigaw ng mukha niya.

Pinagmasdan ko ang kanyang likod habang papalayo siya sa akin. Nang hindi ko na siya matanaw ay binilisan ko na ulit ang takbo ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko papunta sa mukha ko. Hinayaan ko lang ito.

Nang napagdesisyunan kong tapos na ko tumakbo ay dumaan sa karinderya na lagi kong kinakainan. Kahit na palagi akong kumakain sa mga mamahaling restaurant ay ‘di ko pa rin nakakalimutan ang mga filipino foods. Minsan nga ay mas gusto ko pa ito kaysa sa mga mamahaling pagkain.

Medyo marami-rami na ang tao sa karinderya ni Aling Flor. Ano pa bang aasahan ko, masarap ang luto ni Aling Flor. Nang namataan niya ako ay nginitian niya ako. Nginitian ko rin siya pabalik. Lumapit na ko sa mga pagkain upang makapamili.

“Good morning iha!” masiglang bati ni Aling Flor habang nagsasandok.

“Good morning din po!” isa-isa kong binuksan ang mga lalagyan, napapikit ako sa amoy ng mga pagkain.

Nakita kong may nilagang baka ngayon. Pinag-iisipan ko kung iyon ba ang kakainin ko ngayon o hindi. Masyado iyong makakahadlang sa pagpapayat ko. Hindi naman ako ganoong kataba, hindi rin ganoon kapayat. Tama lang. Insecure lang talaga ako sa sarili ko. Gusto ko laging presintable.

Napalunok ako. “Aling Flor, isang order nga po nitong nilagang baka at kanin. Balot po.” tumawa ng mahina si Aling Flor.

“Akala ko ba ay diet ka?” aniya.

Nagsandok na siya ng laman at iilang gulay. Kitang-kita ko na mainit na mainit pa ang sabaw. Natatakam na ako.

Nang maibalot na ni Aling Flor iyong baka at kanin ay dumeretso na ako sa condo ko. Minsan lang ako kumain sa karinderya niya. Masyado kasing maraming tao at kailangan ko lang magpunas ng pawis.

Naglapag ako ng plato at bowl sa lamesa. Tinanggal ko na sa balot ang ulam at kanin. Biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha ‘to sa bulsa, “Pa?”

“Nak, pumunta ka rito sa bahay ay may pakikilala ako sa iyo.”

Naningkit ang mata ko. Eto na ba ang sinasabi ni Papa na ipagkakasundo niya ako sa iba? Ilang linggo lang ang nakaraan matapos ang debut ko. Hindi ko naman akalain na ganito kabilis. We really need it, huh?

WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon