Kabanata 3

105 8 0
                                    

Kabanata 3

Agad kong dinaluhan si Wyatt na nagdudugo na ang labi. Matalim ang titig niya kay Kurt. Hinawakan ko ang pisngi ni Wyatt at sinuri ito. Pinunasan ko ang dugo sa kanyang labi. "Okay ka lang?"

"Bakit ko siya lalayuan? Anong karapatan mong sabihan ako niyan!" nag igting ang bagang ni Wyatt.

Puno ng galit ang kanyang mata. Iyong tipo na lahat ng galit niya sa katawan ay ilalabas niya ngayon. Nakakatakot.

Tumahimik ang paligid. Lahat ng atensyon ay nasa amin na. Ang mga media na kanina ay nakatutok sa mga magulang namin ay nasa amin na.

Agad kaming dinaluhan ng mga magulang namin. Inaawat nila si Kurt na matalim din ang titig. Lumapit sa akin si Papa at Claudine. Nanatili sa pwesto sina Tita Cindy at Stacey.

"Lumabas na muna kayo at isama mo 'yang kaibigan mo." bulong ni Papa. Nakakapagtakang kalmado ang boses niya. Tumango ako at dinala na sa labas si Wyatt.

"May first aid kit ka ba?" hindi niya ako sinagot. Nanatili ang kanyang titig sakin.

"Meron o wala?" tila nahimasmasan siya sa tanong ko.

"Wala." umiling siya.

"Pumunta na lang tayo don sa drugstore malapit dito. Tamang tama may coffee shop doon, dun muna tayo tumambay." tango lang ang tanging sagot niya.

Nasa pinakadulo ang kotse niya. Isang glossy red na chevrolet camaro.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Naka pirmi ang titig ni Wyatt sa dinadaanan.

Ang dami kong tanong tulad ng, magkakilala sila? At anong sinasabi ni Kurt? Nakakalito.

Nakaigting ang panga niya, gusto ko siyang kausapin pero natatakot ako. Hindi ko pa siya ganoong kilala, tapos bigla bigla na lang siyang maiinvolve sa mga pangyayari sa buhay ko? Should I be worried? Don sa pagbili niya rito sa dress ko, who would do that?

Ipinarada niya ang kotse niya at lumabas na kami. Nauna na siyang pumasok ng drugstore.

Nilibot ko ang drugstore, dinampot ko na ang mga kailangan at dumeretso na sa counter.

Naglabas ng isang libo si Wyatt, nag angat ako ng tingin, bahagya siyang ngumiti. "Ako ang magbabayad." sabi ko.

Gusto ko sa pagkakataong ito, ako naman, para makabawi ako sa kanya.

"No. Ako na ang magbabayad." aniya.

"Wyatt, para naman makabawi ako sayo. Let me just pay this."

"Ako ang magbabayad Vivien. I won't let a girl pay for my needs, okay? Don't hurt my ego. Please? So... take this." iniabot niya ang pera sakin, hinawakan niya ang palad ko, binuksan niya ito upang mailagay iyong pera.

May kuryenteng dumaloy sa palad ko. Umiling ako.

"Okay, sige, suko na ko."

Naglalakad na kami papunta sa kabilang building, dala dala ni Wyatt ang mga pinamili, sabi ko na ako na ang magdadala dahil magaan lang iyon but he insisted. Napakatigas talaga ng ulo.

"May gusto kang orderin?" tanong niya.

Umupo na kami sa tabi ng bintana, kitang kita ko ang mga taong dumadaan.

Umiling ako. "Akin na nga, lilinisin na natin iyang sugat mo."

Iniabot niya na sakin ang pinamili. Kumuha ako ng bulak at iyong gamot.

Pinahid ko na sa pisngi niya iyong gamot doon sa bulak, napangiwi siya. "Tiisin mo na lang. Masakit talaga sa una yan."

Nanlalaking mga mata ang nakatitig sakin. "Ano?" masungit kong tanong. "Bakit ganyan ka makatitig?" gumuhit sa kanyang labi ang isang mapaglarong ngiti.

WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon