Kabanata 4
Agad kong tinawagan si Margo, sinabi ko na pumunta siya sa condo ko at isama niya sina Clarisse, Quinn, at Nikki. Gusto kong mag unwind. Gusto ko magsaya kasama sila.
Kasi kung ako mag isa, I might break myself. Pamilya na lang at iilang kaibigan na lang ang natitira sakin, ayoko pang mawala iyon. Papalipasin ko muna ang galit nila Papa sakin bago ako bumalik sa bahay.
Itinigil na ni Manong ang sasakyan sa tapat ng building namin. Nagbayad ako at bumaba na. Pumasok na ako sa elevator, napaisip ako. Tama kayang umalis ako nang hindi ko sila binibigyan ng dahilan kung bakit hindi ko sila maaaring sabayan?
Umiling ako. Tingin ko, you owe them nothing, Vivien. Kusang binili ni Wyatt para sa iyo ang dress, but somehow, tingin ko ay may utang na loob pa rin ako sa kanya. I can afford to buy this, pero ayaw ko lang talaga. It’s too much.
Nakita kong nakatayong naghihintay sa harap ng unit ko ang mga kaibigan ko. Nginitian ko sila. Binuksan ko na ang unit ko at pinauna ko na sila. Agad silang nagsiupuan sa sofa ko. Hindi ganoon kalakihan ang unit ko, iyong tama lang. May dalawang kwarto, iyong isa ay ang guestroom at iyong isa naman ay para sa akin.
“May gusto ba kayong kainin?” tanong ko habang nainom ako ng tubig.
Umiling si Quinn. “Magpalit ka na at maya maya pa ay aalis na tayo. Kami na ang bahala.” tumango ako. Alam na nila ang gagawi, madalas ay nasa unit ko sila dahil ito ang malapit ito sa pinapasukan namin at sa bar.
Kasing edad ko silang lahat. Iyong si Margo nga lang ang nahiwalay, dalawang taon sa ibang bansa dahil kinailangan ng Mama niya magpagaling kaya sinamahan niya at sa awa naman ng Diyos ay gumaling si Tita.
Itong tatlo naman, sila ang kasama ko lagi sa eskwelahan. Kung wala sila sigurado ay sobrang lungkot ko ngayon. Walang mga kaibigan na kakausapin ka tuwing may problema ka. Masakit pag kinikim mo ang lahat ng bagay na ito. Baka sa sobrang pagkimkim mo ay sumabog ka na.
Nakabihis na ako ng pang alis at lumabas na ng kwarto. Nakita ko silang pinagkakaguluhan na iyong ref ko. “Ano? May balak pa ba kayong umalis?” natatawa kong tanong. Halos ubusin na nila iyong pagkain ko sa ref.
Kitang kita ko na hawak ni Quinn iyong tsokolate. Iyan talaga ang pinakagusto niya. Maraming tsokolate rito sa unit ko. Bumibili ako pero hindi ko naman kinakain. Siguro kaya bumibili ako para kay Quinn talaga.
Tinulak na ni Margo paalis sa harap ng ref ang tatlo at sinara niya na ito. “Mahiya naman kayo kay Vivien! Inuubos niyo iyong pagkain niya.” aniya.
Natatawa kaming lumabas ng unit ko. Tuloy tuloy lang sila sa pagtatawanan hanggang sa kotse ni Margo. Hindi kami kasya sa kotse ko dahil pang dalawahan lang iyon.
Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang bigong itsura ni Wyatt kanina. He was trying to help yet I pushed him away. Concered lang iyong tao kung bakit ganyan ang hitsura mo, Vivien.
Humugot ako ng malalalim na hininga. Let it go, Vivien. Magsasaya kayo ngayon, hindi kayo makikilamay kaya ngumiti ka.
Ipinarada ni Margo ang kotse niya. Nauna ng bumaba sila Quinn, Clarisse, at Nikki. Hinintay ko munang matapos si Margo at saka bumaba na kami. As usual, maraming tao. Pinagtitinginan kaming lima dahil sa mga suot namin.
Litaw na litaw kami dahil sa light colors naming suot dahil karamihan dito ay dark ang suot. Naghihilahan na sila papunta sa loob at hinayaan ko na silang hilahin ako.
Bumungad sa akin ang amoy ng alcohol. Napangiwi ako. Kahit nakainom na ako ay hindi pa rin sanay ang ilong ko sa amoy nito. Umupo na kami sa sofa, ang katabi ko ay si Margo at ang katapat namin ay sina Clarisse, Nikki, at Quinn.

BINABASA MO ANG
Wild
Teen FictionBuong buhay ni Carmela Vivien Alvaro ay naging sunod-sunuran lang siya ng kanyang ama. Hindi siya gumagawa ng mga sarili niyang desisyon. Iisipin niya muna ang kasiyahan ng iba bago siya. Ganoon siya, hindi siya makasarili. Ngunit dumating sa punto...