Kabanata 2
Bumalik ako sa reyalidad nang tapikin ako ni Papa. "Anak? Okay ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo?" pano kung sabihin kong oo? Pwede ko pa kaya ipaurong 'yung pagkikita namin dito?
Kasalukuyan ay nakasakay kami sa elevator papunta sa opisina ni Mr. Montefioré. May pipirmahan kaming kontrata para masigurado na deal na talaga sila. Kailangan ako doon para pumirma rin. Malamang ay naroon din si Kurt. Nanuyo ang lalamunan ko.
Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Nahihiya ako sa nangyare nung isang linggo. I tried to kiss him. Naaalala ko 'yon. I wasn't drunk enough para hindi alam ang mga pinaggagagawa ko. Oo, lasing ako. Iika-ika ako, baluktot na ang mga desisyon ko pero alam ko kung ano ang mga ginagawa ko. And being drunk feels so good. Pansamantala ay nawawala lahat ng problema ko.
Tumango ako. Tinignan ko si Papa. Nag-aalala siya. Hinipo niya ang noo ko at leeg. "Bilisan na lang natin 'to para makauwi rin agad tayo. Nakakahiya kasi sa mga Montefioré kung patatagalin pa natin 'to. Baka sabihin pa nila na hindi tayo ganoong kasigurado sa desisyon natin, sa deal na 'to." sa mga sinabi niya ay parang tinutusok ang puso ko ng maraming karayom.
Kahit papaano ay nag-aalala rin siya sayo. Kaya nga bibilisan na lang namin 'to.
Pumikit ako at bumuntong hininga. I always find the beauty in his ugly words. Napakasakit na but I need to hold on. I want to make him proud. I want him to love me the way he loves my sisters.
Hindi na ako nagsalita. Bumukas ang elevator at nasa opisina na kami ni Mr. Montefioré. Nakita kong nakaupo siya sa swivel chair. Nakatingin siya sa amin na nakangiti.
Naroon sa sofa niya ay ang anak niya. Nang magtama ang tingin namin ay umiwas agad ako. Ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin.
Namula ang pisngi ko dahil doon sa kiss at dun sa ginawa ko. Sinubukan kong manatiling kalmado kahit nagwawala na ang puso ko.
"Rafael, maupo kayo ng anak mo." itinuro ni Mr. Montefioré iyong upuan. Tumango si Papa at umupo na.
Dahan-dahan akong umupo. I can still the intensity of Kurt's stares. Hindi ako mapakali lalo na nakatingin siya sa akin. Sinampay ko sa tainga ko ang takas na buhok ko. Binasa ko ang labi ko.
Hindi ko kayang kalimutan na lang ang nangyare, noong gabing iyon, ako ang gumawa ng unang galaw. I attempted to kiss him. Nasaktan ako nang tanggihan niya ako pero natuwa rin ako dahil hindi niya pinagsamantalahan ang kalasingan ko. And I thank him for that.
May inilapag si Mr. Montefioré na folder sa table at itinulak ito papunta kay Papa. Binuklat ito ni Papa at binasa saglit ang kontrata. Maya maya ay pinirmahan niya na agad ito
Ipinasa 'to ni Papa sa akin. Binuklat ko at bumungad sa akin ang mga nakakalulang salita. Hindi ako pamilyar sa mga salitang ito. Marunong ako magbasa, pero ang ibang salita rito ay tungkol sa business. Pilit kong intindihin ay walang pumapasok sa utak ko.
Napalunok ako. Tinignan ko ang pangalan ni Papa na may pirma na. Maging kay Mr. Montefioré. Iyong sa amin na lang ni Kurt ang wala.
Tinignan ko siya. Matalim ang titig niya. Pumikit ako ng mariin at bumuntkng hininga. Ramdam ko ang panunuyo ng bibig ko. Hindi ko alam. Hindi ako sigurado. "Vivien, pirmahan mo na." demanding na sabi ni Papa.
Kinuha ko ang bolpen at pinirmahan na ito. Tumayo na si Papa at nakipagkamay na kay Mr. Montefioré. "Nice doing business with you." ani Mr. Montefioré.
"Ingat kayo." dagdag niya.
Nginitian ko si Mr. Montefioré. Napasulyap ako kay Kurt na hindi pa rin tumatayo sa kinauupuan niya. Taimtim lang siyang nakaupo roon. Gusto ko siyang pasalamatan ngunit hindi ko na kaya.

BINABASA MO ANG
Wild
Teen FictionBuong buhay ni Carmela Vivien Alvaro ay naging sunod-sunuran lang siya ng kanyang ama. Hindi siya gumagawa ng mga sarili niyang desisyon. Iisipin niya muna ang kasiyahan ng iba bago siya. Ganoon siya, hindi siya makasarili. Ngunit dumating sa punto...