*Misa's POV:
Hindi pa tapos ang one hour vacant namin. Kaya naman, eto kami, nasa study hall pero hindi nag-aaral. Haha. Tambay lang, tsaka malapit sa next room namin eh kaya dito na lang kami nagstay.
"Guys, may gagawin ba kayo sa Saturday?" tanong ko sa lima.
"Ako wala. Bakit?" Shey
"Tara maggala sa mall. Boring sa bahay eh" sagot ko.
"Ayy, may gagawin pala ko. Hehe." Shey sabay tawa ng awkward.
"E, ayaw mo lang kasi tinatamad ka."
"Alam mo naman pala eh. Haha. Basta di ako sasama, kayo na lang." Shey
"Edi wag. Sina Jhiya na lang." tumingin ako kay Jhiya.
"Di ako pwede, guest ang Kathniel sa Showtime kaya no thanks na lang." hindi nakatinging sabi sakin ni Jhi.
"Carry? Drei? Macy?" desperada na talaga ako. Ayoko sa bahay eh. Papagalitan lang ako dun.
"Sorry!/Wag sabi akong tawaging Macy!/Sige sama ako." sabay-sabay na sabi nung tatlo.
"Wait, isa-isa lang pwede?" me
"Sabi ko sorry, hindi kasi ako papayagan ni Mama." Drei, tss napaka'mama's boy. Pero mabait naman si Tita Bless.
"Tss, kj ka talaga. E, ikaw Macy?" tumingin naman ako kay Mavicy.
"Ilang beses ko bang sasabihin na wag nyo kong tatawaging Macy?" haha. Napakasungit talaga.
"Bakit ba? Ang ganda kaya ng nickname namin sayo? Tsaka wag ka ngang masungit dyan. Tatanda kang dalaga e. So anyways, ano sasama ka?" dire-diretso kong sagot.
"Ayoko! Maglilinis pa ko ng kwarto ko." sabi nya.
"Bakit? Pwede namang sa Sunday ka maglinis, tsaka ang linis na kaya ng kwarto mo." me
"Hindi nga pwede. Sisimba kami sa linggo kaya sa sabado ako maglilinis" Macy
"Okay." no choice. Itong si Bebe Carry tatanungin ko. Huhuhu "Carry, ikaw b---"
"Oo, tayo na lang pumunta. Kasi wala naman akong gagawin tsaka sina Mama may pupuntahan tapos maiiwan sina Ate kaso boring din kaya naman ako ay walang gagawin tapos pwede di---"
"Okay, enough! Tayong dalawa ang pupunta. Tama na kwento, okay? Ang haba na agad sinabi mo." inawat ko na agad sya. Susko, genan yan. Tatanungin mo ng simpleng tanong tapos kung ano-ano sasabihin.
"Hahaha. Sorry, basta tayong dalawa ha. Punta din tayo sa boutique na puro books kasi a---" Carry, di na nya natapos kasi.
"TIGIL!" sabay-sabay naming sabing lima.
"Ihh. Nagsasabi lang eh" sinasabi ni Carry yan habang nakapout. Yuckk. Di bagay sakanya.
"Wag ka nga magpout dyan! Nakakarumi ka. Tss" Shey. Haha. Lagi na lang tong dalawang to.
"Edi wag kang tumingin." Carry
"Tss. Ediwow." Shey. Hahaha
"Manahimik na nga kayo dyan. Time na, naglalabasan na yung mga yun sa room." Jhiya. Tinutukoy nya yung ibang section na lumalabas sa papasukan naming room. Hihi.
Nag-intay na kami sa tapat ng pinto ng room ng bigla kong makita yung mga dati kong classmates. Nagbatian lang naman kami then umalis na din sila kaya kami pumasok na rin sa loob.
Habang nagkaklase si Ma'am Bonifacio, english teacher namin, may nalala ako. Kaya naman kinalabit ko si Abby yung seatmate ko.
"Abby?"
BINABASA MO ANG
Simple Heart Breaking Dream.
De TodoWhat if's. So many what if's ang pumapasok sa utak ko. Kasi naman, parang ang saya saya. What if ganto. What if ganyan. O diba. Baliw lang ako. Pero bakit nga ba ang daming what if's? Ako kasi yung tipo ng taong gusto subukan lahat. Aba, remember Y...