CHAPTER 9: SOMEONE TO CALL DAD

41 0 0
                                    

CHAPTER 9

Ilang araw na silang hindi nag-iimikan ni Josh. Gusto na niyang kausapin ang kasintahan pero ayaw niyang siya ang mauuna na imikin ito.

It’s a weekend at wala siyang balak umalis ng bahay ngayon. Kanina pa merong kumakatok sa kwarto niya para kumain na, pero hindi man lang siya nakakaramdam ng gutom. Nakahiga lang siya sa higaan niya at iniisip ang babae na nakita niya na yumakap kay Josh.

She can’t even remember her name. baka pag inalam niya, may tendency na maging stalker siya ng babae. Susundan niya ang babae hanggang malaman niya kung ano ito sa buhay ng kasintahan.

“Who are you?” mahina niyang bulong sa sarili.

“Teejay, please open the door. Sabi ni yaya mag-hapon ka na daw hindi kumakain.” Gusto niyang matuwa na tinatawag na siya ni Josh after so many days na hindi sila nag-iimikan. “Teejay, please, lets forget about the things we have talked about the last time. Sorry na oh, basta kumain ka lang.” nasa boses naman nito na sincere ito, at least yun ang pagkakarinig niya.

She walked towards the door at huminga pa siya ng malamin bago niya binuksan ang pinto. There he is holding a tray of food for her.

“Sorry.” He said and smiled.

“Sino nag-luto nyan?”

“Wag kang mag-alala, nagpatulong ako sa kasambahay na iluto ito.”

Napangitt na siya ng tuluyan.

She opened the door wider to let him inside, and closed it after letting him in. ibinaba nito ang pagkain sa may side table ng higaan niya. The next thing that happened is the very least thing that she expected.

Pagkaharap na pagkaharap ni Josh sa kanya, he cupped her face and kiss her on the lips. His lips are soft as ever. Hindi man lang niya namalayan na tumutugon na siya sa bawat galaw ng labi ni Josh. He licked her lips and played with her tongue, kumapit siya sa may braso ng lalaki. Maya maya pa ay hininto nito ang paghalik sa kanya, he grabbed her hands and put it in his shoulders. “Hold me like this”.he said At pamaya maya pa ay hinahalikan nanaman siya nito.

He stopped kissing her and start biting her lower lip, niyakap siya nito at ibinulong sa kanya. “I missed you.”

She smiled. “I thought you will never say that.” Ilang sandali rin silang nasa ganoong pwesto bago niya sinabi na “I think I should eat now, nakaramdam na ako ng gutom eh.”

Napatawa ito ng bahagya at binitawan na siya, saka kinuha ang pagkain niya at pinakain siya.

Masaya siya at kahit papaano ay nakangiti na ulit sa kanya si Teejay. She never talked to him for the past days that made him worried. Parang hindi siya nakikita nito kahit magkasalubong sila sa bahay. But now he is happy making her smile again.

Nakahiga siya sa likod ng building ng student body. He plans to sleep. He closed his eyes and just feel the breeze that is touching his cheeks.

“You are very tempting, Josh.”

Napadilat siya bigla sa boses na iyon.

“Aika” napatayo siya bigla, nakatabi na ito sa kanya. “Anong ginagawa mo ditto?”

“I wanted to see you.” Nakangiting saad ni Aika. “Don’t worry I won’t bite” pumikit ito habang nakahiga sa tabi niya. “Now, stay beside me, Joshua.”

Nakangiti ito habang nakapikit ang mata. Maaliwalas tingnan ang mukha ng babae. He misses those smile, the face he used to admire way back when they were kids. He still misses\ those lips that curves whenever she smile at him. He misses them even though it is already infront of him.

VOGUE SERIES 2- JOSH: HOW THE GAME IS PLAYEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon