UNTITLED
By: Anna Fe C. Lumen a.k.a CandiesForFree
----------
Isa lang akong tindero sa palengke nun samantalang ikaw naman, anak mayaman.
Pano ba namang hindi ka naging anak mayaman eh isa ang mga magulang mo sa pinakamayamang negosyante sa palengke.
Sikat na sikat ang apelyido niyo dahil bukod sa whole saler kayo ng isda eh may mga pwesto rin kayo ng mga sari sari store at isa nga sa mga pwesto niyo eh katabi ng pwestong pinagtatrabahuan ko at dun sa pwesto niyo na yun ka palaging nakatambay.
Nasa loob ka lang parati.
Nagkikipagkwentuhan sa mga tindera niyo.
Palagi kitang pinagmamasdan na tumatawa sa tuwing nag-aasaran kayo.
Pinagmamasdan din kita sa tuwing tumutulong ka kapag marami ang costumer niyo.
Minsan pa nga sa pagmamasid ko sayo, nadadaanan mo ako ng tingin at hindi ko inaasahan na ngingitian mo ako.
Ewan ko ba!
Hindi naman ikaw yung tipo kong babae kasi medyo may katabaan ka pero ewan talaga!
Feeling ko kasi parang gusto na kita.
Naalala ko pa nung magawi ka sa pwesto namin, ang saya saya ko nun kasi bumili ka ng pangkuskos ng kaldero.
Tinanong kita kung anong gagawin mo dun sa pangkuskos ng kaldero.
Ang sabi mo maghuhugas ka ng kaldero.
Dun ako mas lalong nagkagusto sayo.
Anak mayaman?
Nagkukuskos ng kaldero?
Nasundan ulit yung pagkikita nating yun, bumili ka ulit sa tindahan namin.
Yung isang kasama ko sana yung i-entertain sayo kaso inunahan ko kasi may balak akong tanungin ang pangalan mo at sa di ko inaasahan eh agad mo namang ibinigay.
Anna, Anna ang pangalan mo.
Kay gandang pangalan.
Nasundan ulit yung pagbili mo sa tindahan namin.
BINABASA MO ANG
ONE SHOTS (It Is All About Love) [ON HOLD]
Short StoryHUMOR l TRAGIC l SAD etc. ENJOY READING GUYS!