Ai shi teru (One Shot)
By: Anna Fe C. Lumen a.k.a CandiesForFree
------------------
"Tol talagang hindi ko na kaya!" Sabi ko habang ang mga mata ko eh nakatingin dun sa babaeng nakatayo sa may counter. Matagal ko na talaga kasing gusto yung babae na nasa counter. Siguro mga dalawang buwan na! Kaya parati akong natambay dito sa coffee shop na pinagtatrabahuan niya para masilayan lang siya.
"Edi lapitan mo tapos banatan mo muna para may konting thrill!" Advice ng isa sa mga barkada ko.
"Banatan? Susuntukin ba Tol?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatingin parin sa babae dun sa counter. Natauhan naman ako ng bigla akong batukan ng dalawa sa barkada ko.
"Gago! Banat Tol! Yung mga pick up lines!" Pagtatama nila. Napatango lang ako at tumayo na.
"Goodluck Tol! Haha!" Pahabol pa ng mga barkada ko.
Lumapit ako dun sa may counter.
"Uhm..."
"May i help you Sir?" Tanong ng napakagandang dilag na nasa harap ko.
"Uhm... Ai shi teru Miss." Malambing na sabi ko with sparkling eyes pa. Nagtaka naman siya sa ginawa ko.
"Ha? Ano po yun Sir?" Tanong niya.
"Sabi ko Ai shi teru." Sagot ko. Para naman siyang naliwanagan at maya maya pa, yumukod siya at may kinuha.
"Oh! Ito Sir!" Sabi niya habang abot abot yung straw.
"HA?!" Gulong tanong ko habang yung mga balat ko naman sa noo eh halos magdikit na.
"Sabi mo 'straw'. Oh! Ayan na yung straw!"
Dahil sa gulong gulo na talaga ako eh kinuha ko nalang yung straw na binigay niya at naguguluhan na umalis nalang dun sa counter kung san siya nakatayo. Kung san nakatayo ang babaeng matagal ko ng lihim na iniibig. Pero i think hindi naman na yun lihim eh pero parang lihim parin kasi hindi niya alam na may gusto ako sa kanya. Pagkamalan ba naman yung 'Ai shi teru' (I love you) na 'straw'. Tsk! She's hopeless. -__________-
Kinabukasan, dun ulit ako tumambay sa coffee shop kung san siya nagtatrabaho. Umorder lang ako ng kape at umupo dun sa parte kung san kitang kita ko siya na nakatayo sa may counter. Habang tinititigan ko siya eh di ko napansin na napatayo na pala ako at papunta na ang mga paa ko sa kanya.
"Sir? Ano pong kailangan niyo?" Tanong agad niya pagkalapit ko.
"Ai shi teru." Biglang sabi ko without thinking na hindi naman pala niya iyon naiintindihan.
"Straw na naman po Sir? Diba po coffee yung inorder niyo? Bakit niyo po istostraw?" Naguguluhan niya ulit na tanong. Napaface palm nalang ako dahil sa tanong niya at tinalikuran na siya. Narinig ko pa siya na nagsabi na...
"Ano bang problema ng lalakeng yun? Tss!"
Anong problema ko?! Kung alam lang niya kung anong ibig sabihin nun! Tss!
Kinabukasan, pumunta ako ng national bookstore para bumili ng libro kung san makikita ang word na 'Ai shi teru' at ang meaning nun pagkatapos, nagderitso agad ako sa coffee shop.
"Good morning Sir! What is your orde--"
"HEP HEP!" Putol ko sa dapat ay sasabihin niya. Naguguluhan naman siyang tumahimik habang titig na titig sakin.
"Look Miss! Bumili pa talaga ako ng libro para lang maintindihan mo ang meaning ng 'Ai shi teru'!" Mas lalo naman siyang naguluhan sa sinabi ko kaya binuklat ko nalang yung libro na binili ko at hinanap ang word na 'Ai shi teru' dun. Nung makita ko naman yun eh ibinigay ko agad yun sa kanya.
"A-ano po ito S-si--"
"Just read it!" Medyo inis na utos ko. Nag-uumapaw na talaga kasi yung nararamdaman ko sa kanya kaso ang slow lang ng babaeng to eh!
Binasa naman niya ito pagkatapos eh ibinalik sakin.
"Anong nabasa mo?" Tanong ko.
"Ai shi teru. I love you in english." Sagot niya.
"Ano? Gets mo na yung mga sinasabi ko sayo lately?" Tanong ko ulet.
"San po dun Sir?"
"Yung sabi ko na 'Ai shi teru' pero imbis na kiligin ka eh binigyan mo lang ako ng straw! Remember?" Sagot ko. Natawa naman siya ng malakas sa sinabi ko.
"What's funny?"
"Alam ko naman yun eh pero ba't ibang lenggwahe pa ang ginagamit mo? Pwede namang tagalog diba para naman mas madali kong maintindihan." Nakangiti niyang sabi.
Oo nga no? Ba't di ko agad naisip yun? Tss!
"Okay! Sorry! So, Mi--"
"Angel. Im Angel." Pagpapakilala niya.
"Yeah! Angel, I love you. Can i court you?" Nakangiting tanong ko habang nakamot sa batok. Tumango lang siya dahilan para mapasigaw ako. Sa wakas! Nailabas ko rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Kung tagalog lang sana ginamit kong pagtatapat sa kanya edi sana nung isang araw ko pa naipalabas tong nararamdaman ko. Ang dami ko pa kasing ka-ek ekan sa katawan eh! Kaya sa mga boys diyan, wag ng maraming arte sa pagtatapat ha? :D
-----------------
BINABASA MO ANG
ONE SHOTS (It Is All About Love) [ON HOLD]
Cerita PendekHUMOR l TRAGIC l SAD etc. ENJOY READING GUYS!