Textmate
By: Anna Fe C. Lumen a.k.a CandiesForFree
----------
"Best anyare sayo?" Tanong mo sakin nung makita mo ako sa lobby na umiiyak.
"W-wala to Best." Sagot ko. Kilala na kasi kita. Hindi matatahimik ang kaluluwa mo hangga't di ka nakakaganti sa nagpaiyak sakin.
"Tsk! Si Joven b--"
"N-no B-best, just please, ilayo mo na ako dito." Pakiusap ko. Inalalayan mo akong tumayo at iniuwi sa bahay niyo. Dun ako nagpalipas oras hanggang sa ayos na ang mga mata kong namamaga kani kanina lang.
"Salamat Best."
"Wala yun. Best, ito oh!" Nagulat ako nung may iniabot kang kapirasong papel pero kahit nagulat ako, tinanggap ko parin iyon.
"Itext mo siya kapag handa ka ng makalimot. Uhm, bale textmate yan. Hihi! Gwapo yan Best, mas gwapo pa sa Joven mo." Biro mo pa at saka ka kumindat. Tumawa lang ako ng pagak. Masakit parin kasi yung nakita ko kanina.
"Sige Best, uwi ka na." Utos mo sakin kaya umuwi na ako. Pagdating ko sa bahay, agad kong binuklat ang papel na ibinigay mo. Ah! Textmate pala talaga. Siguro isa sa mga pinsan mo.
Pagkatapos kong basahin iyon, iniipit ko yun sa diary ko.
Mga ilang linggo rin bago ko narealize na handa na akong makalimot kaya hinanap ko ang ibinigay mong number nun at itinext, nagreply naman siya. Naging magkaibigan kami na close sa isa't isa at open sa lahat.
Isang araw.
"Best, best regards daw pala sabi nung textmate mo." Sabi mo sakin nung magkasalubong tayo sa gate. Napangiti ako dun dahil siguro sa isang bagay na nadarama ko, parang mahal ko na yung ibinigay mong textmate.
Hanggang sa umabot kami ng isang buwan na magkatext at dahil nga monthsary ng pagiging textmate namin eh napagpasyahan naming mag-eyeball. Naghintay ako sa mini park sa subdivision namin at maya maya pa, nagulat nalang ako nung dumating ka Best.
"Oh? Bakit ka nandito?" Takang tanong ko.
"Ah, Hehe! Nakipag-eyeball kasi yung textmate ko." Natulala ako sa sinagot mo.
"I-ikaw..."
"Oo Best. Ako yun. Best, handa akong maging panakip butas, makalimutan mo lang siya. Best kahit walang kasiguraduhan na mamahalin mo ako pero okay lang kasi mahal na mahal naman kita. Best, handa akong masaktan basta ba't ikaliligaya mo lang. Best, mahal k--"
"Mahal na mahal rin kita Best at hindi mo na kailangang maging panakip butas pa."
BINABASA MO ANG
ONE SHOTS (It Is All About Love) [ON HOLD]
KurzgeschichtenHUMOR l TRAGIC l SAD etc. ENJOY READING GUYS!