Salamat.
By: Anna Fe C. Lumen a.k.a CandiesForFree
---------------------------
Sabi mo mahal mo ako.
Sabi mo kaya mong maghintay ng apat na taon makapiling lang ako.
Sabi mo tayo na, tayo na yung para sa isa't isa kasi diba, sabi mo ramdam mo na ako na talaga?
Ang sabi mo pa nga noon dun tayo titira sa lugar kung san nakatira ang mga kapatid ko kasi diba, sabi mo gusto mong makita nila na hindi mo ako sasaktan? Na hindi mo ako pababayaan?
Tapos sabi mo gagawin mo lahat mapasaya lang ako. Ang sabi mo gagawin mo akong isa sa mga pinakamasayang babae sa mundo.
Pero nagkamali pala ako.
Yung mga sinabi mo pala, pawang kasinungalingan lang lahat.
Natatandaan mo pa ba? Noong 1st monthsary natin? Special sakin yun kasi umabot tayo ng isang buwan. Nagtype ako nun ng pagkahaba habang mensahe na ang laman ay kung gaano kita kamahal. Naghintay pa nga ako nun na pumatak ang hatinggabi para masend ko sayo yun. Pagpatak nga ng hatinggabi, isinend ko at natulog na. Kinabukasan, hinintay ko ang reply mo, pero wala akong natanggap. Pero sabi ko sa sarili ko, okay lang. Baka wala kang load.
Noong 2nd monthsary naman natin, ganun din. Isang mahabang mensahe ulit ang isinend ko pero wala ka man lang kibo. Tinawagan kita pagka-uwi na pagka-uwi ko galing sa school nun pero imbis na batiin mo ako ng happy 2nd monthsary, pinagalitan mo pa ako kasi isturbo ako sa inuman niyo ng tropa mo. Inintindi kita kasi alam kong naka-inom ka na kaya ibinaba ko nalang ang tawag.
Tapos naalala mo pa noong 3rd monthsary natin? Sabi mo ipopost mo sa FB ang picture ko tapos lalagyan mo ng konting message para kahit papano, sa maliit na bagay na yun, mapasaya mo ako. Alam mo ba na nakuryente pa ako nun habang isinasaksak ang PC ko kasi nga excited na excited ako na makita at mabasa yung ipopost mo. Pero ano? Wala akong nakita pero naghintay parin ako kasi baka na-unahan lang kita sa paglalog-in sa FB pero pumatak nalang ang alas dose ng hatinggabi, wala parin akong nakita. Wala paring nagpost ng picture ko na may kalakip na konting mensahe. Wala.
Noong 4th monthsary naman natin, ang sabi mo, dadalhan mo ako ng bulaklak. Tinanong mo pa nga ako nun kung anong favorite flower ko, sabi ko kahit ano nalang basta ba't galing sayo. Hapon yun ng pumunta ka sa bahay. Tatanungin sana kita kung san na yung bulaklak na sabi mo kasi wala ka namang dala pero naunahan ako ng conclusion ko. Na baka nakalimutan mo kaya wala kang dala. Okay lang sakin yun kahit na masakit. Maliit na bagay lang naman yun. Diba?
Nung 5th monthsary naman natin, inaway mo pa ako kasi nagpapadownload ka nun ng kanta sa USB mo pero di ko nadownload lahat ng kanta na gusto mo kasi busy ako sa pag-aaral nun. Hindi mo ako kinibo nun hanggang sa umuwi ka. Hinablot mo pa nga sa kamay ko yung USB mo without saying thank you or kahit thanks man lang. Yun ba yung regalo mo sakin? Yung pang-aaway mo? Masakit. Alam kong pumunta ka lang naman nun dahil dun sa USB mo.
Nung 6th monthsary natin, masaya ako kasi umagang umaga, text mo agad ang sumalubong sakin. Yung good morning mo. Nagreply ako pati naggreet rin ako ng happy 6th monthsary sayo pero di ka na nagreply hanggang sa maggabi at matapos ang araw na yun. Ah! Baka busy ka lang at nakaligtaan mo na akong itext. Okay lang. Naiintindihan ko pero tama na, ang sakit sakit na. Narealize ko narin na yung mga sinabi mo, hindi mo pala kayang panindigan.
Ang sabi mo mahal mo ako pero hindi ko ramdam yun sa halos pitong buwan na nagsama tayo.
Ang sabi mo kayang mong maghintay ng apat na taon makapiling lang ako pero hindi pa nga tayo nag-iisang taon, unti unti mo na akong iniiwan.
Ang sabi mo rin tayo na, tayo na yung para sa isa't isa kasi diba, sabi mo ramdam mo na ako na talaga? Pero siguro mali ka sa naramdaman mo noon. Pwede ring isa na naman yun sa mga kasinungalingan mo.
Ang sabi mo pa nga noon dun tayo titira sa lugar kung san nakatira ang mga kapatid ko kasi diba, sabi mo gusto mong makita nila na hindi mo ako sasaktan? Na hindi mo ako pababayaan? Hindi sasaktan? Hindi pababayaan? Haha! Nagbibiro ka ba? Ngayon pa lang nga na magkasintahan pa tayo, puro sakit at pagpapabaya na ang nakuha ko pano pa kaya pag nagsama na tayo?
Tapos yung sabi mo na gagawin mo lahat mapasaya lang ako. Ang sabi mo gagawin mo akong isa sa mga pinakamasayang babae sa mundo? Mapasaya? Oo, sumaya naman ako sayo kahit papano at alam mo ba kung kailan ako sumaya? Nung sinabi mo lahat ng mga kasinungalingan mo.
Pero salamat na rin.
Salamat sa lahat ng sakit. Sa lahat ng paghihirap na dulot mo.
Salamat. Kung hindi dahil sa mga ginawa mo, hindi ako magigising.
Salamat.
-------------------------
BINABASA MO ANG
ONE SHOTS (It Is All About Love) [ON HOLD]
ContoHUMOR l TRAGIC l SAD etc. ENJOY READING GUYS!