Ashleine's P.O.V.
Walang magawa si Kyzer other than bumuntot sakin. It's his fault. Pinili niyang ako magiging guide eh. Knowing na ayokong iniistorbo ako.
And look at him, sleeping on the chair. May book pang nakapatong sa mukha niya. Magkaka-stiff neck siya niyan.
I was busy reading when my earrings beeped. I'm sure Kyzer heard it too. Nagising siya bigla eh.
'Agent Lei, Agent Kai. Are you there? Something's going on in your school. Based on the footage of the CCTV Cameras we have here, three people went up. 2 guys in black, and a girl at your age. I guess she's a student. Go and check the rooftop, quickly.'
After the beep, dali-dali kaming umakyat papunta sa rooftop gamit yung fire exit. Of course, nagpalit kami ng appearance. Detective mode activated. Sinuot rin namin yung mask, para mas hindi kami makilala.
The door was locked. I used my hair pin to unlock it. *click*
There, naabutan namin yung tatlo na sinabi kanina.
"First day of classes, gumagawa na agad kayo ng gulo?" bungad ni Kyzer pagbukas niya ng pinto. Habang ako, naghahanap ng kung anong bagay na delikado.
"Wala naman sigurong gulong magaganap kung hindi kayo mangingialam diba? Teka, sino ba kayo? Paano kayo nakapasok dito?" sabi nung isang lalaki.
"Sigurado ka bang ako yung tinatanong mo niyan? Eh, kayo? Paano naman kayo nakaakyat sa rooftop? So that means, pinapasok din kayo. Knowing that you guys look more dangerous than us."
Mukhang naiinis na yung lalaking kausap niya. Yung isang lalaki naman, nakahawak lang dun sa babaeng dala nila. I noticed something na hinahawakan niya. As I stared at it, dun ko lang narealize na remote yun para sa bomba. Sht, this is not good.
"Gago 'to ah!"
Sumugod yung lalaki kay Kyzer. Now's the time para hanapin yung bomba. Tumakbo ako towards the other guy para may makuha akong information.
"Hi, kuya. Asan yung bomba?" pacute kong tinanong.
"At sa tingin mo sasabihin ko sayo?"
"Suplado naman. Sabihin mo na, please." dahan dahan akong lumapit. Nilagay niya sa bulsa ang remote at biglang tinutok yung baril sa babaeng hawak niya. Napatigil ako.
"Wag kang lalapit. Papatayin ko 'to."
"Chill. Hindi na nga."
Nung paatras na ako, bigla akong nagtumbling tapos tinamaan siya. Nahulog sa bulsa ng jacket niya yung remote. Bigla kong hinila yung babae sabay kuha sa remote sa sahig. Agad-agad namang bumangon si kuya pero hindi niya ako naabutan.
"Awww, too late na kuya. Suko ka nalang." sabi ko sabay kindat sa kanya at sinipa. Napagulong na naman siya sa sahig.
Sinenyasan ko si Kyzer at binigyan ng ikaw-na-bahala-diyan look at dali-daling umalis sa rooftop. Pagkapasok ko, agad kong dineactivate ang bomba using the skills I've learned. After 5 minutes, done. Safe na ang lugar. Sumilip ako sa pinto, nakita kong bagsak na yung dalawang lalake kanina at nakatali. Nagpagpag naman si Ky na parang may dumi. Pumasok siya sa loob at sinamahan kami.
"Miss, okay ka lang ba?" tanong ni Kyzer sa babae.
"A-Ah, oo. O-Okay lang ako. Salamat nga pala sa pagligtas sa akin." ngumiti siya at bigla nalang tumakbo.
"Miss, miss, teka lang! Ano pangalan mo?!" sigaw ko, wala na. Nakababa na siya.
She looks familiar. Parang nakita ko siy--
"Isa siya sa mga scouted students. Balita ko sobrang talino daw nun." tugon ni Kyzer. Ah, kaya pala.
"Tara na, mag-uumpisa na yung klase natin." sabi ko. Sinama ko siya sa classroom. Anyway, magkaklase lang din naman kami.
Here they go again, tili ng tili. Aanhin niyo yang kagwapuhan nila? Hindi naman yan nakakapagpakain sa inyo. Sinasayang niyo lang oras niyo.
-
"Ash, tara na sa CASA. Malapit na mag-7pm." sabi ni Kyzer habang inaayos ko 'yung gamit ko.
"Teka, cr muna ako." tumango siya tapos sabi niya maghihintay nalang daw siya sa lobby.
Ihing-ihi na ako kaya nagmamadali akong pumunta sa banyo. May nakabangga ako pero di ko nalang pinansin at pumasok na sa cubicle kasi baka mapaihi pa ako dito. Haaay, I feel relieved pagkatapos kong umihi. Lol.
Paglabas ko, may babae sa may sink. Siya yung babaeng niligtas namin kanina ah. She looked at me and smiled. Wait--no way. Baka nakikilala niya ako? Eh pero naka-detective mode naman ako kanina ah? Nako lagot.
"Uh, miss. Nahulog mo yata 'to kanina 'nung nagkabangga tayo sa labas." sabi niya sabay abot ng ID ko. Napahinga naman ako nang malalim at dali-daling kinuha 'yung ID. Akala ko pa naman nakikilala niya ako.
"T-Thank you." nginitian ko nalang siya. Medyo kinakabahan parin ako.
"You're welcome. Ako nga pala si Leila Fajardo. Nice to meet you, Ashleine." tapos ngumiti siya ulit.
Okay, kalma lang. Syempre nakita niya ID mo so malamang tiningnan niya anong pangalan mo.
"Ah, sige. Nice to meet you din. Una na ako ah? May pupuntahan pa kasi ako." sabi ko nalang at lumabas agad. Di naman siya sumunod.
"Oh, ba't ang tagal mo? 'Di ka naman laging nagtatagal sa cr eh." bungad sakin ni Ky.
"Ano kasi. 'Yung babaeng niligtas natin kanina sa rooftop, kinausap niya ako saglit."
"Ano? Paano ka niya nakilala?" nagulat naman siya.
"Yun na nga, muntikan na ko 'dun. Akala ko nga nakikilala niya ako. Pero sinauli niya lang ID ko kasi nahulog 'nung nagkabanggaan kami." pag-eexplain ko.
"Buti naman. Dali na, baka mahuli pa tayo sa training eh."
-
Leila's P.O.V
Lumabas na ng cr si Ashleine habang sinusundan ko ng tingin. May lumapit sa kanya na isang lalake. Isa 'yun sa scouted students dito. So magkakakilala sila? Baka tama yung hinala ko.
Iniisip ko talaga eh, na sila 'yun. Sila 'yung nagligtas sa akin kanina. Nababa konti 'yung mask na sinusuot nila kaya medyo namukhaan ko. Pero syempre, iba ang appearance nila kanina. Malakas ang kutob ko na sila nga 'yun.
Kung sila nga, alam kong mga secret agents sila. Under sa CASA. Bakit ko alam? Kasi nakikita ko minsan ang secret agents sa office nila mama. Minsan naman sa bahay. Nagwowork din daw kasi sila as bodyguards.
So, ganun nga? May mga secret agents din silang pinapadala dito. Pero teka, Co yung family name ni Ashleine. Does that mean she's the owner's daughter?
-