Chapter 1

475 13 10
                                    

ASHLEINE CO

Hays, lagi nalang wala ang mga magulang ko. Bukas na nga yung birthday ko, wala parin sila sa bahay. Palagi nalang silang busy sa trabaho na hindi ko nga alam kung ano ang trabaho nila. Tanging ang pinsan ko lang na si Kyzer ang lagi kong kasama. Busy din kasi yung parents niya. Actually, halos lahat ng mga matatanda sa amin ay busy. I mean, not all. Ewan ko ba sa pamilya namin. Kaya nga halos kaming magpipinsan lang na bata ang laging magkasama. Tatlo na nga lang kaming natira dito eh.

Nasa iisang compound lang nakatira ang family namin. Kumbaga, it's a family compound. So, eto nga. Kasama ko ngayon si Kyzer. Nasa swing lang kami ng compound. Nakatunganga lang, wala kasing pasok bukas kasi Sabado.

"Anong plano mo bukas, Ash?" tanong niya sakin.

"Ewan ko, kakain lang siguro tayo sa mall. Uuwi raw si mama eh." sagot ko naman. Tumango lang siya.

Sanay na kami sa ganito. Since then, di ganun kaengrande ang mga birthdays namin. Di kami nagpaparty, wala rin namang dadalo. Hindi rin naman kasi marami ang kaibigan namin. Kaya kami-kami lang ang nagcecelebrate.

Kinabukasan, nagising ako sa sobrang lakas na katok sa pinto ng magaling kong pinsan.

"Happy Birthday!!!" sigaw nila. Kasama niya nga pala si Baby Cav, ang kapatid niyang 5 years old.

"Ang aga-aga, nambubulabog kayo." I said while rubbing my eyes. Nagsalita naman yung bata.

"Ate Ash, we're here po to wake you up." aba, ang cute niya.

"Oo nga. So better hurry and go down. We have a surprise for you." sabi ni Kyzer.

"Talaga lang ha? Oh, sige na. Chupi na." sabi ko at sinarado ang pinto.

Surprise? Hm, ano kaya 'yon?

Pagkababa ko, nakarinig ako ng ingay galing sa kusina. Familiar voices. Then, I felt something tickles my feet. Pagtingin ko sa baba.

Oh my gosh. A cute puppy. As in, super cute. He's a Siberian Husky. Halatang halata naman eh. And he's got royal blue eyes. It's just so adorable. I looked at his collar. May naka-engrave na pangalan.

Royal.

So, his name is Royal? Bagay na bagay sa kanya. Kanino kaya 'to?

"Oh, our pretty girl is awake. Happy 14th Birthday, anak." rinig kong sabi ng isang napakapamilyar na boses galing sa kusina. Si mama.

"Ma! Buti andito na kayo, akala ko di kayo uuwi eh." I greeted her and kissed her cheek.

"Pwede ba 'yun? We can't miss your birthday, dear." sagot naman nung papa ko na kakagaling lang sa kusina.

"So, you liked our present for you?"

"Present? You mean, si Royal?" I asked referring to the puppy.

"Yes, and I guess nakilala mo na siya." sagot ni papa.

"Really?! Thank you ma, thank you pa!" I jumped with joy.

"You're always welcome, my dear. Tara, kain na tayo. Let's go the mall later with your cousins." pumunta na kami sa dining table and nakita ko sila Kaizer at Baby Cav na nakangiti sakin.

The Nerd is the Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon