Ashleine's P.O.V.
"Hello? Earth to Ashleine Co." my cousin just snapped me out to reality.
"Kanina ka pa tulala diyan. Ano bang iniisip mo?" he asked.
"Ah, wala. Random things."
"Una na ako sa school. Are you sure hindi ka na magpapahatid?" tanong niya habang kinukuha yung car key niya.
"No need. Opposite direction kaya yung schools natin. Baka ma-late ka pa." pagtatanggi ko naman. He just chuckled.
"Sige na nga. Ingat ka nalang. Aalis na ako, bye." then he went outside.
It's been 3 years mula nung naging secret agent kami. Yeah, it was fun at the same time risky. Kasi kailangan naming itago ang identity namin. Ngayon, first day of school. Ano na naman kaya ang mangyayari?
Pero dahil oras na at baka ma-late pa ako, mamaya na muna chika. Kailangan ko nang pumunta sa school. Nagpahatid na ako kay manong driver kasi wala talaga ako sa mood magcommute ngayon.
*After 20 mins.*
Pagkatapak ko palang sa campus grounds, rinig na rinig ko na yung ingay ng mga estudyante. Siguro inaabangan na nila kung sino yung mga scouted students.
Ganito kasi sa school namin. Every year, kukuha sila ng mga students galing sa ibang school. It's either nag-eexcel ka sa school niyo, or varsity ka, or sadyang ang lakas mo lang talaga makahatak ng ng atensyon kaya ikaw yung napili.
So moving on, lumakad ako papunta sa anmouncement board para tingnan ang students' list. Hinanap ko rin kung anong section at room number ako. Hindi sa pagmamayabang pero alam kong nasa top section ako nabibilang. Hehe.
So yun nga, binasa ko yung lista. May mga pangalang bago, siguro kasali yung nga scouted students. May mga pangalang familiar din. Oo, sobrang familiar. As in, kilalang-kilala ko kung sino ang taong yun. Pangalan niya lang naman ay Ky---
"Well, well. Look who's here. Ang babaitang nerd. Kumusta ka naman?"
Sabi ko na nga ba eh. Hindi mawawala 'tong 'Colorful Buddies'. Ganda ng pangalan nila no? Actually, pinaganda ko lang yan. Para naman hindi pangit pakinggan. Pangit na nga ang mukha at ugali nila, papangitin ko pa ang pangalan? May awa parin naman ako kahit nagmumukha nang coloring book ang itsura nila.
"Oh, buti alam mong nandito ako. Okay lang naman ako. Humihinga parin. Eh ikaw, hindi ka ba nalagutan ng hininga diyan sa tali ng leeg mo? Nagmumukha kang aso eh. Nag-choker ka pa. Matuluyan ka sana."
Pero dahil ayaw ko ng gulo, siyempre hindi ko sinabi yun. Hindi ko nalang siya sinagot.
"Excuse me." sabi ko nalang. Kaurat eh.
"Hey, I'm not--"
"Yselle girl, don't mind her nalang. Let's go, magpapaganda nalang tayo. Balita ko may mga fafa sa scouted students eh."
