Camilla's PoV
Pagkatapos nung ganap kanina nagpasya nalang akong umuwi.. umuwi akong mag-isa si insan kase pinauwi ni tita emergency daw so ayon nag lakad nalang ako pauwi, sayang din kase yung 10 pesos savings narin yun! Haha..
Habang naglalakad may nadaanan akong tindahan so tumambay muna ako dun at bumili nang soft drinks and biscuits.. nagutom ako sa kakapicture nila and Autographs. Haha.. and syempre close na kame nung tatlo yung kulot si trisha yun, yung naka braces naman si joyce yun then yung naka red lipstick si vicky naman yun... yun nag kwentuhan lang kame at hangang hanga sila sa mga works and sabi nila na fina-follow nila ako sa IG, Twitter and fb. I follow back ko raw sila haha... ang cute kaya nila haha.... i already love those girls na.
Anyway yun nga nakatambay lang ako dito and five houses nalang yung dorm na namen all girls pala dun bawal ang mga boys! Napatingin naman ako dun sa babaeng may kausap sa phone..
P.S
Heto pong part na to is totoong nangyare sa buhay ko. Sinaktan, Pinaasa
At pinaghintay."Oo bes! Ok lang ako! Alam ko na hindi na nya ako nahintay! ako lang tong naghihintay sakanya" bigla namang natawa si ate sarili nya.
"Mixed feelings bes, hindi ko alam kong matutuwa ba ako na dahil nalaman ko na masaya na sya kapiling nang iba o malungkot ako dahil hindi ako ang yung kapiling nya"
"Alam mo ba bes? na kahit alam kong meron na sya naghihintay parin ako na sabihin nya na Mahal nya rin ako kase ang sakit na! Parang di kuna kaya bes" then humagulgol na si ate na nagtitinda at nag end narin yung call. At ako naman na hindi ko napansin na umiiyak na rin pala ako.
Nagpasya nakong umuwi dahil heto nanaman ako! this feeling! Hindi lang pala ako yung taong tanga.. pinipiling maging tanga a pag-ibig.
Nakauwi na ako sa dorm at napuntahan ko narin yung land lady at nasabi ko na rin sakanya na bukas pa yung balik ni insan.. at heto ako affected parin hanggang ngayon sa sinabi ni ateng tindera kanina.
Parang nakikita ko ang sarili ko kay ate...ok secret lang to no? 'Wag nyong
Sasabihin kahit kanino no? Kahit kay insan pa! Naku..naku!! Pag nalaman ni insan to! Malalagot nanaman ako! Huhuhu.. yun nga na-inlove ako dun sa kaibigan ko Actually kababata ko sya so ayon na in love ako then.. nung una hindi ko alam na mahal ko na pala sya! Akala ko ano lang tong nararamdamanko pero hindi eh.. lalo syang lumaki to the point na lalo ko syang minahal! Then one day nalaman ko nalang na may girlfriend na sya at kapangalan pa nung kapatid nya, na kaibigan ko.Nung una kong narinig yun hindi ako makapaniwala... hindi ko alam kung anong saaabihin ko dun sa kausap ko... talagang natulala lang ako to the point na walang lumalabas na salita a bibig ko.... kung hindi pa ako niyugyog nung kausap ko hindi pa ako babalik sa realidad.... after that tumakbo ako at dumiretso sa banyo para dun umiyak... kase ang saket lang! Kahit alam kong hindi kame naging kame nasasaktan parin ako.... feeling ko kase gusto din nya ako kaya naghintay ako.. hinihintay ko syang mag tapat yun lang naman yung hinihintay ko eh.. sya lang naman yung hinihintay ko wala nang iba!
Heto kase yung hirap eh.. pinaasa nya ako! Yun yung masaket!! Nag assume ako na gusto rin nya ako! Nagpakita sya nang mga sign na gusto nya ako...Tapos maririnig ko nalang na may girlfriend na sya?! Diba? Ang saket lang?
Umiyak talaga ako that time! To the point na hindi na ako nakakatulog nang maayos dahil sa kakaisip kung anong mali at kung saan ako nagkamali..
Siguro iniisip nyo na napaka tanga ko pero ganito ata talaga? Kapag nagmamahal? Nagpapaka tanga kahit na nasasaktan na. tuloy parin sa katangahan!! At inaamin ko na napaka tanga ko! Para umasa sakanya..
That time kase feeling ko talaga mahal rin nya ako eh. Alam nyo ba yung pakiramdam na ganun?Yung feeling, yung pakiramdam nang isang babaeng nagmamahal? Alam nyo ba yun? Sabi kase nila mararamdaman mo naman kong mahal kanya. At naramdaman ko yun! Hindi ako pwedeng magkamali! Mahal din nya ako! Hindi ko nararamdaman to dahil assuming ako kundi dahil yun yung totoo.
Marami akong naiisip na dahilan kong bakit nya ginawa yun..
Una baka iniisip nya na hindi ko sya tanggap kung sino sya at kung ano sya, kahit hindi sya nakatuntong nang college ok lang naman saken yun eh! Basta ang mahalaga lang naman is mahal namin ang isat-isa.Pangalawa baka nagdadalawang isip sya na baka hindi sya tanggapin ni mama dahil nga high school lang ang natapos nya at water delivery lang ang trabaho nya.
Pangatlo baka natatakot sya na baka hindi ko sya tanggap sa kung ano man sya.
At syempre hindi ko parin sinasara ung pintuan sa mga worst na sitwasyon.
Tulad nalang nang pang apat baka hindi nya talaga ako gusto at ako lang tong naga-assume na mahal din nya ako.At ang panglima hindi nya talaga ako kayang mahalin kase mas mahal nya ang girlfriend nya ngayon.
Kaya kapag minsan naiisip ko nanaman sya nililibang ko nalang yung sarili ko at heto rin pala yung dahilan kung bakit pinili kong mag dorm at pinili ko tong university nato kase mas malayo to sa bayan namin. So in other words ayoko syang makita kase nasasaktan ako mas lalo na kapag kasama nya yung girlfriend nya.
So guys kayo nang bahalang humusga kung tanga lang ba ako o sadyang nagmahal lang nang lubos?
Do vote|share|and comment
Comment your thoughts and suggestions at kung may comment rin kayo sa love katangahan story ko.. ok lang yan! I-koment nyo na! Go! Malay nyo effective at makalimutan ko na sya diba? So koment lang nang koment kase matutulog nako... anong oras na ba? It's 9:39 pm na! And im a happy first time voter so i hope maging malinis ang pag co-count nang mga votes and have a good night guys!!! Insert kisses and hugs.
BINABASA MO ANG
The Most Painful Goodbye
Roman d'amourNasubukan mo na bang magmahal nang todo? Yung tipong nagpapakatanga kana? Kung Oo parehas tayo! Tanga kase ako..akala ko mahal nya ako.. paasa kase eh! At yun para hindi na ako masaktan iniwasan ko nalang sya at piniling lumayo.. malayo sakanya at d...