Second Chance*Amara's POV*
KINABUKASAN.....
"What?Totoo?Hahahaha I can't believe you. Hahahaha Well ingat ka nalang ah. BYEEE"Narinig kong sigaw ni Chin sa labas. Nang tiningnan ko ay may nakita kong hindi ko kilalang lalaki na papasok na sa elevator. Binalingan ko si Chin at malaki ang ngiti nya. Tumingin ulit ako sa lalaki na ngayon ay wala na. Hmmm? What's going on? I don't know.
"Hahaha. Ay kalabaw"gulat akong tiningnan ni Chin na para bang hindi nya ineexpect na nakadungaw ako sa pinto ng Condo ko. Fishy huh.
"Wha-what are you doing there Ate? I thought you're out"She used to call me Ate kasi feeling nya sila parin ng kapatid ko. Hahahaha Funny right? Well I guess nakahanap na sya ng palit sa kapatid ko. Good for her. Naka move on na din sya sa wakas.
"I should be the one asking you that,though"Pumula ang pisngi nya at hindi makatingin sakin ng maayos. Hindi ko nakita ang itsura nong kasama nya but I think she's inlove with him. Finally she's in love. Hahaha
"Ah. Kase ano. Ahhh."Well I never thought maiinlove pa sya kase naman no. Hopelessly devoted sya sa kapatid ko. Malay ko ba. Hahaha. Then pinakita nya sa akin yung paper bag na dala nya.
"Ah. I just wanted to give you this. You know. Ayokong nagugutom ka. So lets eat? Come on Ate."I just gave her a weird look. I'm confused. Pumasok na kami sa loob dahil tinulak tulak nya ako. Silly girl. Kinain yung dala nyang French Fries.
"Ah Ate. Gusto ko sanang mag overnight dito tomorrow, Can I? Please."With matching puppy eyes. Oh look at her. How can I refuse her?Hahaha She's really cute with her Full bangs and color Brown contact lens.
"Eh ginamitan mo na ko nyang pamatay mong puppy eyes eh. Makakahindi ba ko?Hahaha"Hinampas nya ko sa braso. Pero mahina lang. May pagkasadista kasi to e. Para ko narin syang kapatid/Bestfriend/clown/Mommy. Yes slash Mommy. Kasi masyado sya. OA sya pag dating sa akin. Once na makita nya kong umiyak or what. Naghuhurumentado na sya. Ganon kami kaclose. Kahit wala na sila ng kapatid ko e namaintain namin yung closeness namin.
"Ate alam ko umiyak ka."Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian ko sya pero sinimangutan naman nya ako.
"I know you cried. I know you too well. Ate sabi ko naman sayo hindi sya yung tipo ng lalakeng magseseryoso. Sinabihan na kita noon na huwag mo nang hayaang ganituhin ka nya pero ano? Di mo ko pinakinggan. Ate naman magagalit sa akin si Patrick pag nalaman nya to." Dahil sa mga sinabi nya bumuhos na naman ang mga pabidang luha ko. Buong gabi na akong umiyak hindi pa rin nauubos? Masakit marinig muli ang katagang Hinayaan. Ayoko ng umiyak tama na. Pero wala rin patuloy pa rin ako sa pag iyak kahit anong pigil ko bumubuhos parin na parang ulan. Ang sakit na grabe.
"Shhh. Ate hush down. I know it hurts pero maghihilom din yan. I'll help you. I'll be here don't worry. Ibaling mo sa iba ang atensyon mo Ate. Madaming nagkakandarapa sayo sa ganda mo ba namang yan e. Kaya sige na. Tahan na sayang ang luha" Gusto ko sanang tumahan Chin pero masyadong nawiwili ang mga luha ko. Ayaw paawat.
Nang matapos na akong umiyak ay parang nakuryente si Chin ng narinig nyang nagriring ang phone nya. More on kilig e. Dalidali nya itong sinagot at malambing na nag 'Hello'. Asus. Di ko lang alam kung pagibig na nga ba. Lumayo sya at nagtungong kusina. Sumunod ako pero di ako nagpahalata.
"Bukas? Ah ano kasi. Ah."ayoko sa nang mag eavesdrop pero curious ako. Nahinto si Chin sa pagsasalita mukhang nagiisip.
"Hindi naman sa ganon. Kasi ano.. . . Ano ba! Kahit kailan ka talaga. Kung ayaw mong pumayag edi wag. Nakakairita ka na ah. Sinabi ko nang pagiisipan ko!"napasigaw na si Chin kaya medyo nagulat ako.