"Maraaaa. Ayoko na. Mara ayoko na" iyak lang sya ng iyak habang ako?Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natataranta ako.
"Pristine listen to me okay? Ngayon sabihin mo sa akin kung nasaan ka. Please. Sabihin mo sa akin." Hindi ko alam kung anong nangyayare baka mamaya nasa tulay na pala sya tas anytime pwede na syang tumalon. Omygosh.
"Maraaaa" hindi nya sinagot ang tanong ko. Gosh nagpapanic na ako lumabas ako ng kwarto naka white V-neck shirt ako at Maong shorts. Pano to? May lalaki dito. Baka mamaya magnanakaw pala to pero wala naman sa itsura nya.
"Please just tell me where you are Pristine. Tell me. I'm worried." Kinakabahan talaga ako ng matindi.
"Club La Prieto" akala ko kasabay sya nila Klea? Ba't nandoon pa rin sya?
"Okey wait for me there. Please Pristine wag kang aalis jan ah." Mabilis kong binaba yung tawag at nilock ang pinto. Ibibilin ko na lang to sa guards.
Napansin kong may 7 unread messages ako. Binuksan ko isa isa iisang unknown number lang ang nag text.
Bumukas ang elevator at pumasok ako. Tsaka ko tiningnan kung sino ang nagtext.
From 0936*******
1:48 am
- Hey1:47 am
- Honey, I'm waiting.1:18 am
- I hope you'll come.1:16 am
- Are you busy tomorrow? Can we have a dinner date? Uh? Mabuhay Resto,5:30pm.12:25 am
- Can't sleep. Can't stop thinking of you. Oh Honey. You're all over my mind. I love you.12:06
-Kadarating lang ni Kit nasa parking na ang kotse mo. Love you Honey.12:02 am
- Hi Honey. Tyrolean Pirtman here. I'm really sorry for everything that I've done. Promise! I'll be a better man. Thank you for today. I love you ALWAYS.Ugh.Sinave ko na yung number nya at Agad akong nagtype.
To Tyro
3:27 am
- Hey Tyro. I'm free tomorrow and yes I can come. See you.
Sent!
Tumunog ang elevator at mabilis akong naglakad at dumeretso muna sa guard house. Hinanap ko si Ka Tolits.
"Tay,may lalaki sa unit ko. Paki bantayan naman oh aalis kasi ako at walang maiiwan don. Lasing yung lalaki tulog na tulog. Nagmamadali ako tay e. Bye thanks." Dumiretso ako sa kotse ko at mabilis na pinaandar papuntang Club La Prieto.
Tumunog ulit ang Phone ko at nakita kong si Tyro na tumatawag.
"One day,one day
One day it al--"" Hello?"sagot ko pagkasuot ko ng Earphone. Deretso lang ang tingin ko sa kalsada.
"Gising ka pa? Anong ginagawa mo? Anong oras na dapat tulog ka na" napapikit ako dahil sa katotohanang dapat ay natutulog na ako.
"Ah sana. Kaya lang nagaalala ako kay Pristine e. Tumawag kasi sya. Umiiyak kinabahan agad ako kaya eto papunta ulit akong La Prieto" kinakabahan talaga ako sana naman ay ayos lang sya. Ano ba kasing nangyare? Kanina lang ayos na ayos sya e. Psh.
"La Prieto? I thought she's with Klea?" Akala ko din. Hay.
"Akala ko din. Pero tumawag sya sa akin at ang sabi nya ayaw na daw nya kaya nga abot abot ang pag aalala ko e"
