*Amara's POV*
Maayos kong pinaliwanag kay Tyro ang lahat. Sana naman ay naiintindihan nya. Pero hindi parin ako kumbinsido na gagawin nya iyon. Na magbabago sya. Hindi namana ako nag eexpect.Hindi. Because playboy will always be a playboy.Lumabas na kami sa pasilyo para makapunta na ako kay Pristine. Nakasunod lang sa akin si Tyro. Seryoso ba to?
"Juana"tawag sa akin ni Luan ng nakalapit na ako sa highchair. Tumingin ako kay Tyro na masama ang titig sa nakangiting si Luan ng tumingin si Tyro sa akin ay pinanlakihan ko sya ng mata. Umiwas naman sya ng tingin. Hindi na ako muling tinawag ni Luan naging busy sya sa mga umoorder ng drinks.
Ayokong magsalita,ayokong malapit si Tyro sa akin dahil feeling ko anytime na magsalita sya mapapatawad ko agad sya, na sa oras na humingi ulit sya ng tawad ay tatakbo ako at yayakapin sya. With arms wide open. Ayoko non. Mabilis akong magpatawad noon lalo na sa kanya kaya nya ako nagawang lokohin. Now I learned my lesson. Hahayaan ko lang sya. Pero di ko muna sya papatawarin dadamhin ko muna ang lahat ng efforts na gagawin nya para lang magbalik ako.
" Mara,Sasabay ako kay Klea ha. Babusshhh"Paalam sa akin ni Pristine. Tumingin lang ako sa mga nagsasayawan. Iniisip ko kung totoo ba to o ano.
Tumingin ako kay Tyro na nasa gilid ko na ngayon. Hinawakan nya ang kamay ko ng mapansin nyang nakatitig ako sa kanya.
"Trust me. Please Honey. I love you"umiwas ako ng tingin pero hinawakan nya ang baba ko at hinarap sa kanya
" I'm serious. I'm inlove with you. Believe me. I really do"malambing nyang sabi. Tila ako'y nahuhulog sa kanyang mga salita. Ang sarap pakinggan.
"Tyro" tanging nasabi ko lang ng naramdamang niyakap nya ako. His warmth. His body. His touch. I really missed him. So d*mn much.
"Kung di ka man naniniwala Well, I'll let you feel it."Hinampas ko sya ng mahina dahil nahihiya ako.
" Ayeeeeee"sigaw ni Zeffen isa sa mga barkada ko dito. At ayon. Naghiyawan na sila. Nakakahiya.
"Uh Tyro. Nahihiya ako. Bitaw na" binitawan nya naman ako.
Parang masama pa ang loob nya. Psh.**
"Hatid kita?" tanong nya ng nakalabas na kami.
Umiling ako at tinuro yong kotse ko."I have my car. Anyway,thanks"umiling sya at hinawakan ang kamay ko.
"From now on. Papatunayan ko sayo na nagbago na ako na binago mo ako. Na handa akong magbago para lang sayo.Ihahatid na kita papakuha ko na lang kay Kit yang kotse mo. Don't worry makakauwi yan ng maayos." Bago pa man ako makaangal ay pinagbuksan nya na ako ng pinto sa frontseat at pinaupo doon. Wala na kong nagawa ng nasara na nya ang pinto at mabilis syang umikot papuntang driver seat. Pinaandar nya agad ang kotse na tama lang ang bilis. Nanatili lang akong tahimik. Its still awkward.
Pano ko ba to sasabihin?hmmm.
Alam nyo ba yung feeling na kahit alam mong may kasalanan sya sayo na napakalaki ay masyadong madali sayo ang magpatawad kapag nageffort na syang magkaayos kayo? Ang hirap kasi naglalaban yung puso at utak ko.Ang sabi ng utak ko"Itigil mo na. Tama na. Wag ka nang umasa dahil sasaktan ka lang ulit nyan. Once is enough. Twice is too much."
Ang sabi naman ng puso ko "Magtiwala ka sa kanya,naraamdaman ko seryoso sya. Ang sabi nya magbabago sya. Nangako sya. At mahal ka nya kaya sya magbabago. Trust him"
Hindi ko alam kung alin nga ba ang tama. Sana lang tama na puso ang pakinggan ko. Dahil parehas kami ng puso ko. Hindi nagsasawang umasa dahil dama kong may aasahan naman kami. Tama. Second chance is not that bad. Hayaan ko na lang syang ipadama sa akin kung paano.
