Happy! :)

323 7 0
                                    

"Where do you want to go?", tanong sakin ni Ezekiel. I can't believe it. We're going out for a date the second time around.

"Uhm, ikaw na bahala. Wala kasi akong alam na labuyan dito eh."

"Oh, I'm sorry. Okay, let's watch a movie. You like?"

"Yup!"

Nakarating kami ni Ezekiel sa isang mall. Ako pa yung pinapili niya ng movie. Sosyal. Isang drama, isang romantic movie, the other one is horror and the last movie is a cartoon movie.

Agad nagliwanag ang mga mata ko. Ang cute kasi nung bida dun sa movie eh. Bago pa man ako makapili, nahulaan na ni Ezekiel yung pinili ko.

"I knew it.", sabi niya habang nasa loob na kami ng sinehan.

"Teka, ayaw mo ba nitong movie na toh? We could watch another if you want! Ako na lang din ang magbabayad."

"Nah, it's okay. Minsan lang naman akong babalik sa pagkabata eh."

Kahit madilim sa loob ng sinehan, nakita ko pa din ang kislap sa mga mata niya. Wow, me ganung effects pang nalalaman ana? Pero grabe, ang ganda ng singkit niyang mga mata. Bagay talaga kaming dalawa. :))

Habang nanunuod kami ng movie, tawa lang kami ng tawa kasi nakakatawa naman talaga. Sa di sinasadyang dahilan, nahawakan niya yung kamay ko at syempre, bumilis na naman ang pagpump ng dugo ng puso ko.

Agad kaming nagkatinginan...

"Your hands.... It's cold...", sabi niya habang hawak pa din ang kamay ko at nakatitig saken. Maygas, hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Babawiin ko sana yung kamay ko pero ayaw niya namang bitawan.

"Well.. Malamig kasi dito sa loob eh."

Dahilan ko sa kanya. Ramdam ko ang mainit niyang kamay ng pinagsalikop niya yung kamay naming dalawa. Tapos non, pinagpatuloy na namin ang panunuod. We continued watching with our hands as one.

<3

After the movie, niyaya ko siyang mag-arcade. Punta don, punta dito. We played different games at lagi ko siyang natatalo. Sanay na kasi ako sa mga arcade at games na ganito since ganito ang business ng pamilya namen.

Nakakapagod din yung ganito kaya umupo kami sa may mga nagvivideoke. Tapos may bigla akong naisip. 

Tinignan ko si Ezekiel, mata sa mata. Ibinuhos ko ang lahat ng pagpapacute na magagawa ko.

"Kiel.", sabi ko with matching beautiful eyes pa.

"Yeah?"

Tinuro ko sa kanya yung kumakanta.

"What?"

Patuloy lang ako sa pagbi-beautiful eyes sa kanya habang nakaturo ako sa may lugar kung saan my kumakanta.

"You're getting weird now Sharah.", he said while laughing.

"Kanta ka please!"

"Oh, please, come on. Don't say that. Kain na lang tayo.", tsaka niya ko hinila paalis sa lugar na yon.

Hayy, sayang! Kala ko maririnig ko ng kumanta ang fafa Kiel ko eh!

Nilibre niya ko sa Starbucks tapos dinala niya ko sa isang part ng mall na walang ganong tao. We sat there, looking at the people passing by. Tapos pagtingin ko kay Ezekiel, nakatitig na naman siya saken.

"Ezekiel."

"Don't call me that way please.Call me Kiel. Just Kiel."

"Ok, Kiel."

He smiled at me. What a smile! Ilang beses ko na yung nakita at ilang beses na din ako dung nainlove.

"Come on, let's eat Cute!"

"C-cute?"

"Sino? Ako?"

"No. Did you just.."

"Yes you're cute Sharah. Wala pa bang nagsasabi sayo niyan?"

"Wala pa. Ikaw pa lang."

"Hindi ka ba sinasabihan ng boyfriend mo ng ganon? I thought you're in love with someone?"

"Yeah but I never had a boyfriend."

"Oh, NBSB ka pala. Dahil sa engagement na toh right?"

No, it's because you don't love me at all.

"Sort of. Tara dun!"

Bago pa siya makapagtanung ulit, hinila ko na siya sa may kainan. Baka kung anu pang masabi ko eh.

After naming kumain, naglakad lakad ulit kami around the mall....

"Hey Sharah, let's take a picture of us!"

Then, hinila niya na ko sa isang stall. Nagpapicture kaming dalawa.. Kung anu anung pose ang ginawa ko. Bali six shots lahat ng picture namin. May isang picture na todo ngiti ako, yung isa naman nakaduling pa mga mata ko, pero si Ezekiel, iisa lang ang pose.

"Andaya mo naman Kiel! Halos ang pangit ko na dito tapos ikaw walang kaeffort effort! Anu ba yan!", reklamo ko sa kanya.

He just laughed. Hindi na siya sumagot o nagsalita man lang hanggang sa makauwi na kami.

Now, we were standing outside my house. 

"Thanks for coming with me Sharah."

"Anything for you.. I mean, sige. Wala yun. Sa uulitin din. Bye!"

Papasok na sana ko sa loob ng bahay pero pinigilan ni Ezekiel yung kamay ko.

"Wait, Sharah. Uhm, I wanna thank you for making me happy. Hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya.", he said then he let me go.

Isang tango lang at matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya. 

Pagpasok ko, sumandal agad ako sa gate. Mabilis pa din kasi ang tibok ng puso ko, nanlalambot din ang mga tuhod ko.

Hay, hindi mo din alam kung gaano mo ko pinasaya Kiel.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ei yow readers! :))

Thanks for reading.... sana subaybayan niyo pa ang mga susunod na pangyayari.. :)) 

GOd bless everyone and SMILE! ^_^

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon