Chapter 1 - A Mission

9 0 0
                                    

" Tawagin nyo si Angel para gawin ang misyon na ito" Ang sabi ng pinuno ng Langit sa kanyang mga tauhan agad agad na pumunta si Angel sa pinuno..

"Ano po iyon?" Ang sabi ni angel sa pinuno.. "Ikaw ay pabababain dito sa langit para protektahan ang isang lalaki na nagngangalang Brenz Tyrone sa demonyong babae na kukuha sakanya si brenz ay isang simpleng lalaki at pagdating ng araw ay magiging isang sundalo din dito" Ang sabi ng pinuno kay Angel. Agad niya tinanggap ang misyon at maya maya ay bumaba na sa langit ..

Angel's POV ~
~And Yes Im angel na literal na angel mula sa langit so alam nyo na ang misyon ko? Protektahan tong si Brenz laban sa demonyong nagngangalang Abby .. nakababa nako sa lupa at lumapag sa isang bubong ng isang paaralan .

"So eto pala ang mundo ng mga tao .. Ok na din di na masama "

Ang sabi ko habang naglalakad lakad sa rooftop ng school .. Agad akong pumasok sa pintuan upang bumaba at lumibot. Maya maya ay may nakasalubong ako na lalaking matanda at umiikot ikot sa labas ng room .. Hndi ko siya pinansin pero nakita niya ko at sinabing.. ~

"Bakit ka nandito?! Asan ang Classroom mo?" Nagcucutting ka no?! Halika at sumama ka sakin sa Office.." Agad kinuha ng lalaki ang kamay ni Angel para dalhin sa Office .

"Sir wait! Wait! Ano po yung Cutting?! Hindi ko alam yun! Sir bitiwan nyo ko! Halos maiyak-iyak si Angel kase hindi nya alam ang nangyayari sa kanya .

Kinausap ng lalaki si Angel at pinatawan ng 1st offense sa school nya walang kaalam alam si angel na bigla nalang siyang narehistro dun sa school simula ng pinababa siya sa langit . bilang kaparusahan naglinis siya ng classroom ..

"Haay ano ba nangyayari dito hindi ko alam" Napabuntong hininga nalang siya habang nagwawalis ng Classroom .. Maya maya ay may pumasok na estudyante sa classroom ..

"Ate pwede ka na daw umuwi sabi ni sir" ang sabi ng babaeng takot na takot

"Teka... Hindi ka nagsasabi ng totoo ano?"

Agad na nabasa ni angel ang damdamin ng babae dahil may mga kapangyarihan din siya .. Maya maya ay may pumasok ng dalawang babaeng mukhang galit na galit hinila nila ang babaeng tumawag kay angel palabas at sinara ng pinto ..

"Hoy ikaw babaeng nagmamagaling hindi kita kilala pero ayoko sa babaeng tahimik" Umirap ng mata

"Huh ano bang pinagsasabi nyo?" Takot na takot na sabi ni angel "T-teka d-dalawa sila diba? N-nasaan yung i-isa? " Ang nasa isip ni angel

"Ano? San ka pupunta ngayon?" ang sabi ng babaeng gigil na gigil kay angel

"A-ano ba? W-wala akong ginagawang masama!" Napa-upo siya sa gilid at hindi niya alam ang gagawin kase baguhan pa lamang siya na anghel

Maya maya ay naglabas ng isang maliit na kutsilyo ang babae at handa na para itusok kay Angel ngunit may narinig siya na yapak at sigaw .

"Wag! " Ang sigaw ng lalaki sabay hampas sa sahig na may nakaukit na simbolo habang duguan ang palad. Maya maya ay bigla nalang nagliwanag ang classroom sabay nahimatay ang babaeng nagtangkang sumaksak kay Angel. Agad na tumayo si Angel

"Sino ka? At anong nangyari?" Nilapitan niya ang lalaki at nakita niya ang duguang palad nito . "Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" dagdag ni angel

"Oo niligtas ko lang naman ang buhay mo" Ang sabi ng lalaki at nahimatay dahil sa marami ang nawalang dugo sa kanya..

Sa kabilang banda.....

"~Hmm... So siya nga ang hinahanap ko.. Ang babaeng Anghel at Ang lalaking iyon ..." Sabay tawa ng babae..

Siya ang pangalawang babae na hinahanap ni Angel na hindi niya makita kanina pa at bigla nalang napunta sa ibang lugar..

I Fell Inlove With My ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon