Chapter 6: Atoast to the Win, A drink to a Lose

265 2 0
                                    

Chapter 6: Atoast to the Win, A drink to a Lose

Ara’s POV

Nakakabadtrip naman natalo kami sa friendly game sa pinakamasakit na paraan. Pero kung tutuusin okay lang naman ang game considering na mga newbies lang kami.

Nahihiya na tuloy ako kila coach at ate Abby natalo kami sa court mismo ng ateneo.

Uy! Cheer up mga babies. Pagbasag ni ate Abby sa katahimikan sa loob ng bus

Okay lang yan, friendly game lang naman di ba? At tsaka ang gagaling niyo kanina nahirapan din kaya sila. Dugtong pa ni ate MIch

Oo nga Ara. Ang galing mo kanina J. Di ko akalaing ang taas mo pa lang tumalon? Sabi rin ni Torres

Si Torres na naman >.<

Sorry talaga ate hindi namin naipanalo yung game. Sabi ko sa kanila, hindi ko na pinansin si Torres panira ng mood eh

Oo nga ate tsaka promise mas magpapractice na talaga kami para hindi na maulit yung nangyari kanina. Dugtong pa ni bestfriend Mika na sa tingin ko ay naguguilty rin dahil sa pagkatalo namin kanina.

Ah sus! Hindi na kailangan ang mga sorry niyong iyan. Kitang-kita kaya na nahirapan rin sila sa inyo kanina. Pagcocomfort ni ate Mel sa amin.

Oo nga at grabe ka Ara ang lakas mo humampas ng bola, nakakatakot ibalik J. Puri sa akin ni ate Wensh.

Medyo gumaan ang loob ko sa mga sinabi nila sa amin.

Pagdating sa school ay hindi na kami pumasok ni Mika sa hapon, total ay excuse naman kami nagpasya na lang kaming magpahinga dahil nakaka stress talaga ang pagkatalo namin.

Miks Anong hinahanap mo? Kanina ka pa halungkat ng halungkat ng mga gamit mo ah? Tanong ko kay Mika ng mapansin kong kanina pa ito naghahalungkat ng gamit niya.

Nawawala kasi yung isang t-shirt ko, yung color green. Sagot niya

Di ba nagpalaundry tayo kahapon? Baka nasama mo? Me

Hindi ko alam pero parang dala ko yun kanina eh. Sagot niya sa akin

Hmmm wag mo sabihin nakalimutan mo nanaman? Sabi ko sa kanya

Siguro :D. Mika

Sabi ko na nga ba eh. Makakalimutin talaga tong si Mika.

Kinagabihan . . .

Matutulog na sana kami ni Mika ng may tumawag,

Ara sagutin mo na baka si Thomas yan, ang ingay ng cellphone mo. Tawag sa akin ni Mika na nakangiti at nakahiga na sa kama.

Matutulog na nga kami inaasar pa ako.

Ikaw na malapit ka na jan sa lamesa eh. Balik ko sa kanya at tumayo naman siya para sagutin.

Hindi nakaregister ang no.. Sabi ni Mika sa akin

Good evening. Globe Kababayan Center. How may I help you?. Seryosong sabi ni Mika sa tumatawag.

Anong trip mo Miks? Hahaha XD para kang sira jan. Sabi ko sa kanya ng niloudspeak na niya ang cellphone.

Caller: kababayan center ka jan! meron ba nun ang globe?

Mika: Meron po bagong promo

Hahaha para talagang sira tong si Mika. Pinipigil pa ang tawa habang tumatawag.

That 0.0001% of PossibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon