Chapter 7: Busy Days

253 2 0
                                    

Chapter 7: Busy Days

Michele’s POV

God! Hindi ko inaasahan na may mangyayaring ganun kay Mika kanina. Parang naguilty tuloy ako dahil parang mas lalong inisip nito na malas siya sa araw na ito. Mabuti na lang at mabait si Kiefer naku kung nagkataong ibang tao pa iyon baka mas lalong nalungkot sila.

Papauwi na kami sa dorm. 6 lang naman kami kaya ang kotse ko na lang ang ginawa naming service.

Miks ok ka lang ba? Tanong ko sa kanya habang nagdadrive.

Hahaha. Oo naman hindi naman siguro lason ang suka nung Nico kaya malakas pa ako. Sagot nito sa akin.

Mabuti naman at nakakangiti pa rin ito kahit na medyo minalas nga ang araw niya.

Ate Mich close ba talaga kayo nila Fille? Tanong ni Ara sa akin

Hmmm. Oo magkaibigan naman talaga kami eh, hindi nga lang sa court hehe. Si Abby na ang sumagot para sa akin

Mababait ang mga yun wala lang sa mukha. Dugtong pa ni ate Wensh

Pero siyempre mabagsik sa court kung di niyo nahahalata. Me

Hahaha, Oo nga eh talo kami kanina. Sabi ni Ara na nakangiti pero parang may laman ang sinasabi niya

Huwag niyo nang isipin yun, chill lang. Marami pa tayong game na sila ang makakalaban. Makakabawi pa tayo. Sabi sa kanila ni Abby para gumaan ng konti ang loob nila

Hahaha. Oo nga nakita niyo ba kanina ang mukha ni Ara ng una siyang uminom? Para siyang nawalan ng mukha! Pang-aasar ni Mel para magchange topic na sila

Naman ate Mel. Ikaw kaya nagpainom sa akin nun. Sabi ni Ara. Tsaka sabi niyo masarap, eh mapait pa  sa ampalaya yun eh.

Hahaha Naku Ara tingin ko pinagtripan ka nila eh. Sabi sa kanya ni Cyd na ngingiti-ngiti

Naku Cyd ikaw na talaga. Hahaha XD. Sabi ko sa kanya

Hahaha. Oo nga ang slow mo men! Dugtong pa ni Mika sa sinabi ko.

Dapat pala si Cyd na lang ang pina-inom mo ate eh, mas mukhang lasing pa to kay sa sa akin. Sabi ni Ara

Hahaha. XD sabog si Cyd eh. Sabi ni Wensh na nakangisi

Mukhang sabog na nga si Cyd, Hahaha nakakatawa talaga ang mga batang ito. Mukhang mga isip bata pa rin ang mga ito dagdagan pa at mga loka-loka rin itong mga kasama ko.

Pagkatapos naming ihatid sina Mika at Ara sa kanilang dorm ay umuwi na rin kami, room mate naman kasi kami nila Cyd, Abby, Mel at Wensh.

Mich kala ko kanina magkakagulo talaga dun. Sabi ni Melissa sa akin

Ako nga rin eh, nag-alala rin ako puro babae kaya tayo. Sabi ko sa kanya

Hmmm, mabuti na lang kamu at hindi naman nila binastos si Mika kung nagkataon naku manglalampaso ako ng mukha kahit na babae pa ako. Singit ni Abby sa usapan habang nag-aayos na ng higaan

Kami din kaya. Dugtong ni Wensh sabay higa sa higaan ni Melissa

Hinanap ko si Cyd hindi ko na kasi hindi ko na narinig itong nagsasalita at nang lingunin ko ay. . . Tulog na tulog na ito J.

At mabuti na lang at hindi si Mika marunong mang eskandalo. Sabi ko pa sa kanila

Tomo. Pagsasang-ayon ni Melissa

That 0.0001% of PossibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon