Chapter 9: The Preparation
Nico’s POV
Pare anu tuloy pa ba natin to? Tanong ko kay Ryan na nakahiga pa rin sa kama
Biyernes na at araw ng page execute namin ng plano. Plano ng paglalahad ng feelings para sa isang Green Archer. Hahahaha tadhana nga naman kung sino pa tong rival ng school namin siya pa tong nakapana sa puso ni Ryan.
Siyempre naman alangan namang hindi, kawawa naman yung mga kaibigan ko nageefort kaya yung mga yun. Sagot ni Kiefer na kakalabas lang ng Cr.
Oo nga naman, naduduwag kana ba tol? Tanong ni Greg kay Ryan na hindi pa rin bumabangon
Hindi ah, pero kasi ____. Sagot ni Ryan na ngayon ay umupo na
Anong kasi? Hmmm congrats tol baka ito, ito palang ang tunay mong love life. Hahahaha. Pang aasar ni Kiefer sa kanya
Oo nga. Maligo ka na kung totohanin na natin to. Di ba sabi ni Jeron mamayang 10 ang labas nila sa school? Dali na 8:00 na kaya. Dugtong ko kay Kief na pinipigil ang tawa sa itsurang hindi maipinta ni Ryan
Ganito kaming magbabarkada, nagkukulitan at nag-aasaran pero kahit ganun nagtutulungan pa rin lalo na pagdating sa lovelife. Hahahaha pangit naman kung sa gwapo naming to eh hindi man lang kami makapag diskarte ng maayos.
Nagtaka nga kaming lahat ng malaman naming type ni Ryan si ate Mel liban na lang kay Kiefer na mas naunang nainform. Hahaha hindi nga kami makapaniwala na sa isang La Sallista siya magkakagusto sa dinami dami ba naman ng type niyan.
Bilisan mo pare para kang babae jan kung kumilos eh. Sigaw ni Greg kay Kiefer na mas nauna pang maligo kay Ryan. Baka mamaya niyan ikaw ang magustuhan ng La Sallista imbes na si Ryan. Hahahaha XD
Hahahaha. Oh baka may pinupormahan ka na din dun? Dugtong ko
Huli na pala kayo sa balita eh. Yang si Ravena may buntot na yan! Sabad ni Joshua sa amin na bihis na bihis na
Wee? Sino? Baka mamaya die hard fan lang pala. Me
Hahaha XD. Lumabo na ata antenna mo parts, yung si Trinca, Trinca diploma ng dance company ng school, di ba dati type mo rin yun? Huli ka na tol naunahan ka na. Sabi ni Joshua na nakangisi
Totoo ba yan? Baka naman assuming ka lang at chismoso. Ryan
Sakto namang lumabas si kiefer at nagsalita. Maniwala kayo jan kakakilala ko palang dun sa tao eh kung anu-anu nang pinag-iisip niyo. Maligo kana kasi Ryan aalis na tayo oh.
Naligo na nga si Ryan. Hmm so si Trinca pala ang mukhang makakaloveteam ng best friend ko sayang naman naunahan pa ako. Kaya pala walang ka amor-amor si Trinca sa akin sa kaibigan ko pala may gusto.