Pakita

5 0 0
                                        

Nakarating na sa pila ng tricycle si Pakita. Puno na ang unang tricycle kaya hinintay niyang magmove ang kasunod. Walang pila ang mga tao, marami din naman kasi ang tricycle doon. Nagmove na papunta kay Pakita ang pangalawang tricycle. Handa na siyang sumakay sa loob pero may dalawang estudyanterng lalaki ang bigla-biglang sumakay. Parang hindi siya napansin at diretso pa sa pagkukwentuhan ang dalawa hanggang sa maka-upo sa loob. 

"Bakla to" pabulong na sambit ni pakita

Sunod na ginawa niya ay dali-dali siyang naglakad papunta sa backride ng tricycle. May isang matandang babaeng nakasakay doon na maraming dala-dala. Masikip na hindi pa man nakakasakay ang driver, inisip ni pakitang lumipat na lang sa pangatlong tricycle pero gusto na niyang makauwi kaya ipinagsiksikan na lang ni Pakita ang sarili, para siya ay magkasiya.

Parating na ang driver ng tricycle kaso biglang nagreact ang matanda.

"Ay nako yung wallet ko ano bayan", sabay baba ng matanda sa back ride ng tricycle. Umatras naman ang Tricycle Driver.

Halata sa mukha ni Pakita ang pagkainis. Sinundan niya ng tingin ang matanda hanggang sa makaalis ito.

"Ay Puno na", sinabi ng isang lalaki.

Pamilyar kay pakita ang boses na iyon kaya nilingon niya ito.

Sumambulat sa kaniyang mga mata ang kaniyang ultimate crush na si Junny, isang matipuno at guwapong guwapong estudyante mula sa kanilang University. Matangos ang ilong, kayumanggi, Parang mala- Piolo na Mario Maurer na may perfect na height.

Nagslow motion ang lahat kay Pakita. Parang ngang umulan pa ng rosas sa imagination niya at humuni ang mga ibon kasabay ng patuloy na pagtunog ng mga wedding bells, habang si Junny, mula sa pagkakayuko ay lilingon sa pangatlong tricycle at akmang lilipat doon.

"Kuya", sambit ng dalawang lalaki sa loob ng tricycle.

Lilingon si Junny.

"Meron pang space", sabay magtutulakan ang dalawa.

"Hindi sige dun na lang siguro ako sa susunod", sagot naman ni Junny

Slowmotion parin ang pag-galaw ng mga bagay para kay Pakita. Pupunta na si Junny sa kabilang tricycle.

"AHEEEEEEEEMMMMMMMMMMMM!", umubo ng pagkalakas-lakas si Pakita. Huminto ang lahat at nagtinginan sa kaniya kasama na dun si Junny.

Hindi maipinta ang mukha ni Pakita,

"Antagal naman ng driver", banggit ni Pakita sabay palo sa space sa backride.

Bumalik ang lahat sa normal na takbo nito. Parang walang narinig si Junny didiretso siya sa susunod na tricycle pero tatawagin siya ng driver.

"Boy dito ka na ng maka-alis na", sunod naman si Junny.  

Ang Pag-ibig ni PakitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon