Ang Tricycle

3 0 0
                                    

Naipit sa gitna ng Driver at ni Junny si Pakita sa backride. Hindi mapakali ang dalaga kaya para itong kiti kiting naglilikot. Gayun pa man, gusto niya ang pwesto niyang iyon dahil solong solo ng kaliwang parte ng katawan niya si Junny, pero hindi makikita sa mukha ni Pakita na may gusto siya sa binata.

Papa-andarin na sana ng driver ang tricycle pero naiirita siya sa kalikutan ni Pakita.

"Miss dun ka na lang umupo sa dulo", sabi ng driver kay Pakita

Mula sa pagkakangiti, sumimangot ang dalaga. Hinawakan ng mahigpit ang dala-dala nitong body bag at pinaghahampas ang driver sa galit.

Yun sana ang gusto niyang gawin sa driver, pero alam niya sa sarili niyang hindi niya iyon kayang gawin kaya sumunod na lang siya.

Masayang – masaya si Pakita ng mga oras na iyon, pero ayaw niya itong ipahalata kay Junny. Pakiramdam niya ay kaya niyang tumagal sa back ride na iyon ng kahit ilang oras pa.

Huminto ang tricycle. Bumaba ang isa sa dalawang lalaki na nasa loob ng tricycle.

"lipat na yung isa sa loob para di tayo masikip", sabi ng driver kanila Pakita at Junny.

Tumingin si Junny kay Pakita. Nabigla ang dalaga, akala niya ata ay may nais sabihin sa kaniya si Junny kaya nagpakipot ito at nang - snob. Sumilip ang natirang lalaki sakanila.

"Lipat na daw yung isa dito", sambit ng lalaki sa loob sabay ngisi.

Hindi maipinta ang mukha ni Junny. Bumaba ito sa backride at lumipat sa loob ng tricycle.

Nag-iba ang mukha ni Pakita. Parang gusto niyang pigilin ang binata pero hindi niya inalis ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak sa tricycle.

Umaandar ang tricycle sakay sa backride ang malungkot na si Pakita.  

Ang Pag-ibig ni PakitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon