Ang Pag-ibig ni Pakita

1 0 0
                                    

"Neng palengke na", sabi ng driver kay Pakita.

Bumaba ng tricycle si Pakita.

Umandar ang tricycle papalayo kay Pakita sakay ang kaniyang pag-ibig kay Junny.

Napahawak si Pakita sa kaniyang dibdib. Pinakiramdaman niya ang pagtibok ng kaniyang puso.

"buhay pa te!", wika ni Pakita sa sarili.

-------------------------------------------------------------------------

Si Pakita, hindi naiiba sa ibang ordinaryong babae, alam niya kung ano ang gusto niya at sa kahit anong paraan ginagawa niya ang lahat makuha lang ito. Yun siguro ang sikreto niya kaya lagi siyang maganda sa paningin ko, masaya siya lagi, parang walang problema at nagagawa niya yung mga gusto niyang gawin sa buhay na hindi pinakikinggan yung sinasabi sa kaniya ng iba.

Hindi katulad ko, hanggang ngayon hindi ko masabi sa kaniya yung nararamdaman ko.

Gustong gusto ko siya, nahihiya lang ako. Nakakainis nga eh, kasi nung araw na nakatabi ko siya sa tricycle hindi ko pa nasabi sa kaniya. Nahihiya kasi talaga ako, muntikan pa nga ako hindi tumabi sa kaniya buti tinawag ako ni Manong Driver.

Hindi ako stalker, pero parang ganun na din, kasi hindi ko naman talaga kailangan sumakay ng tricycle kasi hindi rin naman doon ang daan ko pauwi, pero mas pipiliin ko parin mapalayo para lang makita si Pakita bago umuwi."

"Cut, Cut, Cut! Pare ano ba yun?", tanung ng kaibigan ni Junny na si Carlos habang hawak ang isang video cam. Kasalukuyan kasi silang gumagawa ng isang video message ni Junny para ipagtapat ang kaniyang pag-ibig kay Pakita.

"Bakit?", sagot ni Junny sa kaibigan

"Dapat kasi sabihin mo sakaniya: Ikaw ang aking pag-ibig pakita! Ganun! Diretso walang paligoy-ligoy"

"Baduy mo pre!"

watch the short film musical at https://www.youtube.com/watch?v=OfvOS1u9_GE&list=PLBFTWiqGJvwhBPnpLRJmrF0wVECnBZix4&index=1

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Pag-ibig ni PakitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon