THREE

6 0 0
                                    

It's been a week since I met Angel. Naturo ko na sa kanya lahat ng kailangan niya malaman like paglalaba, pagluluto, pagwawalis, paghuhugas, paglilinis at pag-aayos ng mga bagay bagay mabilis naman siya matuto

Natatawa ako, naalala ko nung tinuruan ko siya magprito haha! Sigaw siya ng sigaw sa tuwing natalsik yung mantika pagnagpiprito siya. Isang beses pag gising ko nagtry siya magprito ng hotdog at itlog

Flash Back

"*yown* ano yung amoy na yun?" Lumabas ako ng kwarto para tignan kung sino nagluluto

Kinakabahan ako baka masunog tong condo ko "Angel?!"

Humarap siya saken habang hawak hawak ang spatula

"Bakit?"

"Anong ginagawa mo?"

"Nagluluto!" Sagot niya sakin habang nakangiti

"E bakit ka nakajacket ka?" Kunot noong tanong ko. Anong nasa isip nitong babaeng to? Ang init init e! Di ba siya naiinitan?

"Para di ako matalsikan" sabay talikod sakin at nagtuloy sa pagluluto. Lumapit ako sa kanya at tinignan yung niluluto niya. Ayos naman di naman sunog tama lang ang lakas ng apoy

"Ano to?" Nakita ko yung mga nakapatong sa lamesa yung payong, kumot , kawali, takip ng kaldero, at towel.

"Lahat yan itinary kong pagsagabal sa pagtalsik ng mantika, kaso nahirapan ako" seryoso?

"Ito may gloves oh!" Kinuha ko yung cooking gloves at inabot sa kanya

"Pano ba yan?"

"Ganto ipapasok mo sa kamay mo" nilagay ko sa mga kamay niya yung dalawang pares ng gloves

"Di na ako matatalsikan nito?" Inosenteng tanong niya

"Oo"

"Ah ok, sige maluluto na ako" bumalik na siya sa niluluto niyang hotdog "Ay nako! Nasunog na yung hotdog!" Dali dali niyang kinuha yung mga hotdog at nilagay na sa plato hayst! Kakain nanaman ako ng sunog. Sayang naman kung di namin kakainin to,kung itatapon lang ang mahal ng hotdog ngayon e.

Kinuha niya yung dalawang itlog para lutuin pero inagaw ko na sa kanya yun "akin na! Ako na magluluto niyan, umupo ka na dun ihanda mo nalang yung dining table" tumango nalang siya at niready ang dining table

End of Flashback

Grabe talaga yun! Yung unang tinuruan ko siya magluto nasunog yung niluto namin tapos nung siya na ulit nagluto sunog nanaman. Di ko na nga paglulutuin yung babaeng yun. Ano na kaya ginagawa nun ngayon? Baka nagluto nanaman yun tapos sunog hayst. Ako na magluluto ng dinner namin mamaya or oorder nalang ako. Sana talaga di masunog bahay namin sa kung ano mang ginagawa niya ngayon sana di din magbaha pagnaglaba siya at di nanaman siya madulas. Naalala ko nung tinuruan ko siya maglaba iniwan ko muna siya saglit kasi may tumawag sakin. Pagbalik ko, bumaha na ng bula sabi ko anong nangyare? Nagpanic siya at parang tinary ibalik lahat ng bula sa washing machine di siya mapakali hanggang sa yun! Nadulas siya epic fail! Hayst.

"Class Dismiss" bumalik ako sa katinuan ng magdismiss na ng klase. Ilang oras ba akong nakatulala? Di na ako nakapakinig sa lesson. Si angel kasi e nag-aalala ako na baka kung ano nanaman mangyare sa kanya. Fvck! Ano ba tong iniisip ko? did I say nagaalala ako sa kanya? No no no no! Nag-aalala ako sa bahay ko kasi baka kung ano na nangyare dun! Baka mawalan ako ng bahay dahil sa kanya

Tumayo na ako para pumunta sa canteen at maglunch "adrian!" Who the fvck is that?

Tinignan ko yung direction nung lalakeng tumawag sakin "what?" Walang emosyon na sagot ko

Angel In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon