Chapter 5

155 2 0
                                    

Chapter 5

Jordan's POV

I was about to leave the town, nang mahuli ng mga mata ko ang isang kainan sa tabing daan.

Sara's Bulalohan..

wala pa yun nung last time na nandito ako. my stomach growl. Shit! di pa nga pala ako kumakain. I decided to stop there to eat my late Lunch.. and to asked question..

pagpasok ko sa loob marami ng tao. nag hanap ako ng lamesa kung Saan pwede maupo. nung nakaupo ako agad na may lumapit sakin na babae. the face wasn't familiar. mga nasa mid 20's na siguro to. bukod sa mahabang buhok, mapapansin mo rin ang umuumbok na tyan nito. she's pregnant. I thought.

"ma'am eto po ang menu namin.."

the lady give me the menu card kung Saan nakalista lahat ng mga pwedeng kainin. those foods are really tempting.. napansin ko na di pa umaalis yung babae, bagkus umupo ito sa harap ko.

"bago dito no??" she asked me.

gusto ko Sana sabihin na hindi. pero masisira ang Plano ko.

"Oo." I answered

she smiled at me.

"ako nga pala si Sara. ako mayari ng kainan na to. ikaw ano pangalan mo?"

"Jordan.."

"Jordan? e diba pang lalaki lang ang pangalan na yan."

"I know! anong masarap dito? wala akong mapili."

"mabili samin ang pansit palabok dito. Baka gusto mo I-try.."

"sure."

tumayo na si Sara para kunin ang order ko. habang wala sya nakapag isip ako ng magandang idea para sa Plano ko.. Plano kong bumili ng bahay dito.

I saw her approaching me dala ang in order ko.

"thanks!" mukha nga masarap ang pagkain dito. I taste the Pansit.

"masarap ba?" she asked me. di parin pala sya umaalis sa tabi ko.

"yeah. this is really delicious."

"sabi naman sayo e. by the way, ano nga pala ang pinunta mo dito??"

what the fuck! di ko alam na chismosa pala sya.

"ahm. actually I'm looking for a house that is for sale." I said smiling the added. "Baka may alam ka.."

again she smile at me. mukhang may goodnews.

"ay naku meron! si Mr. Miranda kasi nagpapahanap ng buyer ng bahay nila. mag mamigrate na ata sa america ang buong pamilya nya."

mukha naman akong nabigyan ng pagasa. yes! this is it.

"nandito ka naba eleven years ago Sara?"

"naku wala pa. pero yung beyanan ko taga dito."

"may nabalitaan ka ba na bumalik si Jose Dalton dito??"

tumingin ito sa likod. parang may ayaw itong makarinig ng pag uusap nila.

"ayon sa beyanan ko di na daw bumalik si Don JD dito at tuluyan nang sumama dun sa kabit nya."

natigilan ako..

no it can't be! pero I keep my self calm sa revelation ni Sara. ang kinakain Kong pansit ay para ng goma sa bibig ko. nawalan narin ako ng Gana kumain.

"ganoon ba?"

"bakit mo naitanong?"

"ahm wala lang.."

inabot ko ang calling card ko kay Sara.

"gusto ko bilhin ang bahay na sinasabi mo."

"sige. pag nagkita kami ni Mr. Miranda tatawagan kita agad."

"salamat Sara. sige mauuna na ako."

umalis ako sa lugar na iyon? papaanong di na bumalik si JD dito? nang pumunta si nanay sa maynila ay mag isa lang ito.

Shit! triple shit.. kailangan ko matuklasan to. I phoned my father to tell him na bibilhin ko ang bahay ng mga Miranda dito.

"daddy, bibili ako ng bahay dito. I just find out na di na pala nagbalik si JD sa lugar nato after what happened eleven years ago."

isa ang ama ko sa mga pinaka head ng investigation company sa bansa. or i must say na. he's the owner. he is also interested about this case after we've read my mothers letter. kaya kahit tutol si daddy sa pag hawak ko ng kasong to ay wala na syang nagawa.

"thank you dad!"

I end the call. sorry Sean pero di mo ako mapipigilan lutasin ang kasong to. at sisiguraduhin Kong tama ang hinala ko.

kahit na wala akong pahinga sa byahe papunta dito ay nagpasya ako na umuwi na muna. I drive as fast as I could, and after 8 hours ay narating ko ang maynila.

sa makati ang condominium na tinutuluyan ko. Simula nang naging doctor ako humiwalay na ako sa tatay ko. binibisita ko sya minsan sa Mansion nya or sa trabaho, specially dun din ako nagtatrabaho. but this time dumiretso ako sa office ni daddy.

He look so handsome in his 55 years of existence. soot ang kagalang galang nitong uniporme.

"dad!"

"hija! how are you?"

binati ako ng daddy ko na puno ng pagmamahal.

"dad.. I'm already decided na ako na ang hahawak ng kaso ni De La Torre."

"hija..."

nabasa ko na naman sa mukha ng ama ko ang pagtutol sa gusto ko..

"dad... you know I need to. para Malinis ang pangalan ko.."

my dad leave out a sigh..

"are you sure na yun lang ang gusto mo?"

"alam mo naman dad na gusto ko patunayan sa pamilyang yan na di umalis si Nanay na kasama si JD."

tututol pa sana ang ama ko.

"sige anak. di na kita pipigilan. but please be safe and take care of yourself. di lang ito isang ordinaryong kaso lang. remember? eleven years. di magugustuhan ng mga tao specially ng taong gumawa nito na buksan mo ulit ang kasong to."

"I know dad! I promise.."

"matanda na ako Jordan.. I can't afford to lose you again.."

nabasa ko ang kalungkutan ng daddy ko. at the same time ang tiwala na binigay nya sakin. I know dad really proud of my achievements. lumapit ako sa kanya and say.

"I love you daddy!" then kiss him on the cheeks.

"I love you more Sweet child of mine."

~~~~~~~

AN: father and daughter..

Guns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon