Chapter 20

136 2 0
                                    

Chapter 20

thirty person's POV

San Ignacio Eleven Years Ago.

Screw the Alejandros!

nagulantang pa si Sean nang marinig ang isang malakas na tili mula sa itaas. napatayo siyang bigla at tinakbo ang hagdanan patungo sa pinanggalingan ng sigawan. nakasalubong pa niya ang sumisigaw at ang kapatid na si Summer.

"anong nangyari?" halos sabay pa nilang tanong ni Summer.

"si mam Sylvia po!" she cried hysterically. "si mam Sylvia! diyos ko po!"

gumapang ang takot sa kalamnan ni Sean at tinakbo ang silid na kinaroroonan ni Sylvia kasubod si Summer. natagpuan nila si Sylvia na nakadapa sa Kama nito. sa Kamay nito ay naroroon pa ang bote ng sleeping pills. ang ilang tableta ay natapon pa sa bed sheet.

"give her CPR Sam!" hiyaw ni Sean sa kapatid at saka palang ito kumilos. "ipalabas mo kay Anton ang sasakyan manang Selma, dadalhin ko si mama sa hospital!"

~~~~

Magkasunod na dumating si Patricia at Attorney Bustos sa hospital.

"what happened?" it was Patricia. si attorney bustos ay pinisil si Sean sa balikat.

lumingon lang sya ng bahagya. he felt sick to the bottom of his stomach with worry for his mother. ilang upos na ng sigarilyo ang naubos nya na nasa ashtray sa may waiting bench.

"she overdosed on sleeping pills."

napaungol si Patricia. then asked.

"where's Summer?"

"nasa loob ng ER assisting the doctor. they were pumping her stomach." his voice was shaky. Hindi nya mapapatawad si JD kapag may nangyari sa Ina.,

nakita nilang lumabas ang doctor sa ER.

"kamusta po ang mama doktor?"

"ligtas na si Mrs. De La Torre. nasa recovery room na siya at binabantayan ni Summer. she hadn't taken that much pill to endanger her life. mabuti at naagapan ninyo."

parang nabunutan naman ng tinik ang dibdib nya sa binalita ng doktor.

"you may see your mother if you want, pero bukas na sya magigising."

umalis na ang duktor na bahagya lang tumango sa kanila.

"kung gusto ninyo makita ang mama ay kayo ang bahala tita pat, uncle manuel. may pupuntahan lang ko."

di na nagabala ang mga ito na magtanong. niyuko ni Sean ang relo sa braso bago pumasok sa sasakyan. Alas niece ng gabi.

its payback time..

~~~~~

"Jordan may kapiraso pang ulam. kumain ka na." sigaw ni ruth mula sa labas ng silid nila.

"Ayoko kumain. di ako nagugutom. mas gusto ko nalang matulog.. dito sa silid ni nanay.."

Hindi na ito nagsalita. namumugto ang Mata nya sa walang pagtigil na pag iyak. mayamaya pa ay may narinig na syang mga ugong ng mga paparating na sasakyan.

nauna syang lumabas kasunod si Ruth. si Marvin ay nakatingin lang sa mga paparating.

Mga sasakyan..

Dahil sa dilim ay natatanaw ang napakaliwanag na head light na kasunod ng nasa unahan.

kinakabahang naghihintay si Jordan sa papalapit na mga sasakyan. di nya maaninag kung sino ang mag paparating, mas naaninag ang manipis na pag patak ng ulan. nang iparada ng naunang driver ang sasakyan ay natiyak ni Jordan and hinala nya. Sa gilid ng wrangler jeep ni Sean ay may huminto pang isang sasakyan. Isang Toyota sedan. napaungol si Jordan na kipkip parin ang una ni Sabine. sa dibdib nya ay nandun pa ang matinding takot at kaba.

Guns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon