Motibo

146 0 0
                                    

Hindi ko maintindihan
Ako ba'y gusto o isang kaibigan
Sa kilos mo ako'y naguguluhan
Tayo ba ay may ugnayan

Pero sandali, meron akong mahal
Di ko alam kung siya o ikaw ang aking pipiliin
Pero isa muna ang gustong mangyari
Ito muna ay linawin

Sa tuwing ika'y nandiyan puso ay nalilito
Sino ba sa inyo ang dapat kong ginugusto
Ikaw na nandiyan na nagsisilbing inspirasyon
O siya na wala pero mahal na mahal ko

Tama na, ayoko na, ako'y gulong gulo
Ng dahil sa iyong motibo ako'y nagkakaganto
Gusto ko ng magbago at matapos ito
Pero nang ikaw ay kumindat, nahulog ulit ako.

Poems - Tula (Tagalog & English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon