WTL 2

3 0 0
                                    

(Sorry sa paghihintay po ng UD

enjoy reading!😊😊)

  Chapter 2

Sa isang mainit na lugar
Mausok at mabahong amoy,
mga kahindik-hindik na mga halakhalak na nagmumula sa kakaibang nilalang at mga boses na puno ng sakit sa bawat sigaw.
Mga paulit ulit na sumusugat sa mga balat nila at sugat na hindi humihilom.
Mga matang lumuluha ng itim na dugo mga buto at parte ng katawan na nakakalat sa bulwagan na napapaligiran na usok at apoy.

Sa dako kanluran ng mainit na lugar nakapwesto ang libo libong mga taong hinahampas ng kadenang may apoy,mayroong malaking kawali na kumukulo kulay berdeng ang tubig at sa tuwing nilalagay ang mga taong makasalanan nalalapnos ang balat,sa bandang naroroon mga babaeng pinapasukan na matulis at mahabang bakal ang kanilang kasarian ng mga di mawaring nilalang,sa mga lalaking biktiman pinuputol ang bawat parte ng katawan pag katapos itatapon sa maladagat na apoy at pagdating ng tatlong araw sila'y mabubuo muli at sa pagsapit nun muli nanaman paglalaruan at pahihirapan sila ng di mawaring nilalang.

Nakakabinging ingay ang namumutawi sa mga tao ngunit tila'y isang musika naman sa mga nilalang
Na
May malalaki ang katawan,
Pula ang balat , doble sa kapal ng kalabaw ang kanilang mga balat , may mahahaba at itim na kuko , di manuha ang kanilang mga mukha sapagkat ibang-iba sa halimaw na dinedescribe ng mga tao sa mundong ibabaw.
Sa tuktok ng kanilang  noo makikita ang kanilang matataba ,kasing tibay ng ginto at kasing tulis ng karayom ang dulo ng mahahaba at itim na bagay ang nakadikit sa dakong itaas ng noo ng pambihirang nilalang na ito.

Sa dako silangan naroon ang napakadaming selda na puno ng mga makasalanang tao ang nagsisiksikan at sa bawat seldang ito nagsusumigaw na tulong upang sila makaalis sa mga nilalang na nagpapahirap sa kanila sa loob.
Kung anong meron sa loob? Sila lang nakakaalam kung ano ang kaganapan doon sapagkat kung ito'y iyong pagmamasdam mula sa labas ng selda napakadilim lang ang iyong makikita ngunit rinig ang hirap at sakit sa mga tinig mula doon.

Sa dakong timog naroon ang isang Malaki at pulang pinto kung ito'y titigan napakagandang pagmasdan ang mga obrang nakaukit rito.
Ngunit sa loob na iyon nandoon ang iba't ibang malalakas na nilalang na nagpupulong sa susunod na hakbang ng kanilang gagawin para silang mga businessman na nagmemeeting kung paano pa nila mas palalaguin ang kanilang inoonders nilang produkto.
Hindi sila makahulugang karayom ang mga nilalang na ito ,nasa boses at kilos nila  makikita kung gaano sila kalakas ang meron sila.

Sa Dakong hilaga naroon naman ang siyang namumuno,nagpapasimuno at tumatayong nagmamayari sa lugar na iyon.
Isa syang hari at pinakamakapangyarihan sa lahat na nakapaligid na nilalang na iyon.
May itsura siyang hindi mo aakalaing kabilang siya rito.
Itsurang mapanlinlang sa bawat mata ng nakakakita sa kanya,kung gaano kahindik hindik sa mga pipitsuging nilalang na lumilingkod sa kanya kabaliktaran naman sa kanya may perpektong hugis siya ng mukha,napakapulang at mabagsik na mata ,may perpektong ilong, labi at may malaking pangangatawan.
Kung may pagkapareho man sa mga tauhan nya iyan yung may kulay pulang balat at mas malalaki at matataba at matulis ang nakadikit sa kanyang noo ,nagsusumigaw ang sungay na ito ng sobrang makapangyarihan sa lugar ng nasasakupan nya.
Siya ay prenteng nakaupo sa napakagandang upuan na kulay gitno ngunit may nakapulupot na ahas na itim na may pulang sa kanang mata at itim sa kaliwang mata,sa gitna nakapwesto ang hari at may napapalibutan ng apoy ang lugar na iyon.

"Katleya"malalim na boses ngunit may bahid ang tonong ito ng kalungkutan at pangungulila sa pagbanggit nya ng pangalang ito.

"Katleya gagawin ko ang lahat upang tayo'y magkasamang muli.
Hintayin mo ako....

Malapit na...

malapit na tayong magtagpo muli."









***

"Carlos ano ba ang paguusapan natin?"deretso kong sabi ng huminto kame sa likod ng eskwelahan kung saan kami dati lagi nagtatagpo ni carlos ng kami pa noon upang makaiwas sa mga babaeng lagi sumusunod or kumukulit sa kanya.

"Amanda nais kong lang magkabalikan tayo simula ng ika'y makipaghiwalay hindi lumipas ang araw na sobra akong nagsisi at nalulungkot.
nais ko noon pa humingi ng sorry hindi ko magawa dahil sobrang duwag ako at nahihiyang magpakita pa sayo.
Ngunit hindi ko na kaya pa Amanda,sobrang mahal kita kung pwede liligawan kita ulit gagawin ko Amanda"  mahaba at nagsusumamong sambit ni carlos
Naisin ko man ngunit tila kahapon lang nangyari at sariwa pa ang sugat na binigay niya saakin.

"Patawad carlos ngunit hindi nang magbabago na takot na kong sumubok pang muli,ayoko na sana maintindihan mo na hindi madali kalimutan ang lahat ngunit pinapatawad ko na kung ano man ang iyong ginawa.
Ngunit ang ibabalik yung 'tayo'? Imposibleng mangyari pa iyon." maayos at mahinahon kong sabi sa kanya masakit man ngunit buo na ang aking desisyon.

"Sige mauna na ko carlos marami pa ang gagawin"pagpapaalam ko tumalikod na ko at nakaanim na hakbang pa lamang ako ngunit naramdaman kong may yumakap saakin mula sa likod at amoy na yun ang di ko makakalimutan kung sino ang nagmamayari na yun.

"Carlos"Ng makabawi sa gulat pilit ko inaalis ang braso nyang nakakapit sa maliit kong beywang ngunit mas lalo nya hinigpitan at binaon ang mukha nya sa gilid ng leeg ko ramdam ko ang isang basa sa leeg ko at hindi ako tanga upang di ko matukoy kung ano iyun.

Umiiyak siya at ganun rin ako lihim ako umiiyak at naghahangulngul naman sa kalooban ko.

Masakit ngunit kailangan harapin ang sakit na ito pasasaan rin at mawawala rin ang bagayvna ito.

"A-amanda p-k-paki-usap ma-mag-magsimula ulit tayo" hirap man magsalita dahil sa pilit pininipigil nya ang mapahikbi ngunit patuloy naglalandas ang luha nya saaking leeg.

Carlos'...

Carlos'....wag mo ko pahirapin pa sa desisyon ko.
Ginagawa ko lang ang tama carlos.
Piping usal ko sa isip.









-WhiteprincessSAY

When They LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon