Chapter 1

550 63 6
                                    

Chapter 1




"Sa McDo nalang tayo."



"Hindi sa Jollibee nalang."



"Puro kaya tayo Jollibee tuwing Lunch, hindi ka man lang nagsawa?"



"HINDI! Dahil sa Jollibee, bida ang saya." pakanta kung sagot.





Nag tawanan naman sila habang napailing. "Adik ka talaga kay Jollibee, tell me, may secret affair ba kayo ng bubuyog na 'yun?"




Binatukan ko siya at nag pokerface. Kung anu-ano pinag iisip ng isang 'to.



"So.. sa Jollibee nalang talaga tayo at si Lexis señorita na naman ang masusunod." our Gay Friend, ang name niya ay Alvin pero dahil bakla nga siya, Viny ang tawag namin sa kanya.




Sumakay na kami sa kotse na pag mamay-ari ng aking best of friend na si Hyasmin.




Si Hyasmin ay naging kaibigan ko lang since first day of school noong First year highschool palang kami. Sa lahat ay siya ang mapag kakatiwalaan ko dahil close ko siya sa aming apat. Bestfriend nga e.




Hyasmin Ferrer buong pangalan niya at mag kasing age lang kaming lahat.






Nakapag pakilala na ba ako?




Syempre, hindi pa. Unahin daw ba ang barkada.




Ako si Lexis Zamora, 17 years young. Describe ko pa ba sarili ko? Sige pero kung ayaw niyo e'di wag. Well, wala naman makakapigil dahil ide-describe ko talaga sarili ko. Mabait ako, maganda rin daw, masungit at medyo isnobera. Hindi ako nakikipag usap sa taong hindi ko close o kilala. Sa buong buhay ko ay mga kaibigan lang ang nakakausap ako ng maayos.




Magulang ko? Hindi ko alam. Nakatira kasi ako sa bahay ng Lola ko at kasama namin doon si Tita, anak ni Lola.



May kinakatakutan ako, marami. At hindi ko nalang muna iyon sasabihin.



"O, nandito na tayo. Anong order mo kambal?" si Viny.




Kambal na tawag sa akin niyan dahil mag kasing ganda daw kami. Baliw 'yan.


"As usual, tinatanong pa ba iyan?" natatawang sambit ni Alyza. Kung close ko si bestfriend, ang close naman niyan si Bakla.



Pumasok na kami sa loob at si Alyza at Hyas na nag volunteer mag order kaya kami ang naiwan dito.



"Uy, girl. Alam mo may chika ako may new students daw."



"Eh, ano?" tanong ko.





"Marami sila. Puro mga lalaki nga, e. Emerged! Makakahanap ako ng new fafa."



Yuck. Kung sino man malandi sa aming apat ay si Viny 'yon.

"Share niya lang yan at baka mag ka-interes ka man lang sa lalaki, Lex." wika ni Hyas kaya naman inismiran ko siya sabay irap.

"Kadiri kayo e lalo na si Alviーaray!"



Hinigit ba naman ang buhok ko, ang sakit nun ah.



"Stop calling me in my name or else.. Bubunutin natin ang hair sa nose mo. Grr!"




"Anong kaguluhan ang nagaganap?" biglang sumulpot ang dalawa na may hawak na tray. "Sis, tinawag kasi ako ng magaling natin na Friend na Alvin. Yuck lang 'no." umakto siya'ng nasusuka.




Love Phobia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon