Chapter 3
"AAAAAAAAAAAH!"
"WAAAAAAAAAAH!"
Napatakit ako ng tenga ko dahil sabay ng pag sigaw ko si EJ. Bwisit na lalaking 'to! Natalo pa ako sa lakas ng tili, ah.
"Ma'am, Sir, nagulat po ba kayo?" tanong ng isang matanda.
"Ay! Hindi manong. Actually, kinilig pa nga ho kami dahil sa nagulat kami." Inis na sagot ko at kita ko naman ang pag kamot sa ulo niya.
"Ganun po ba? Ah, isasara na po kasi yung gate at nag check lang kami kung may mga studyante pa at buti hindi kayo na-lock-an kasi panigurado po na dito kayo mag papalipas ng gabi." Sabi niya.
Tumango nalang ako at nag lakad palabas.
"Manong, salamat po at nandyan kayo. Buti hindi po kami nasaraduhan. Salamat po ulit." Narinig kung sabi ni EJ at saka sumunod sa akin dito.
"Hintayin mo nalang ako dito Lexis, ako na kukuha ng gamit natin sa room."
Nakuha pa niya talaga akong bigyan ng ngiti. Kasalanan niya talaga ito, e. Ang malas ko talaga.
Isang minuto lang ang nakalipas ay andito na agad siya, ang bilis naman. Tinignan ko itsura niya at nag hahabol ng hininga. Loko kasi, patakbo pa ng mabilis. Nakakapag intay naman ako.
Pero, paki alam ko naman sa kanya? Psh.
"Oh!" Inabot ko sa kanya panyo ko at gusto ko sana bawiin ulit pero kinuha niya agad.
"Salamat. Arbor ko na 'to ha," sabi niya.
Hindi ko nalang siya inimik. Nakalabas na kami ng gate ay nag simula na ako mag lakad pauwi. Walking distance lang naman hanggang sa village namin.
"Oy, hahatid na kita. Baka mapahamak ka." Sigaw ni EJ. Hindi ko pa rin siya iniimik, tinamad ako mag salita ngayon.
Habang nag lalakad kami ay panay salita siya na kesyo sana hindi nalang siya nag ingay kanina o sumitsit. Tss.
Dapat talagang hindi nalang siya nag ingay.
Sana talaga hindi na siya nag ingay, e 'di siguro sabay kami umuwi sa kaklase namin.
"Uy! Bili muna tayo ng ice cream." Sasagot sana ako ng hinila niya agad sa may convenience store. The fudge! Bibili pa siya ng ice cream? Uwing- uwi na ako tapos siya?
GHAD!
"Ikaw nalang bumili, uuwi na ako." sabi ko at saka lalayo na sana ng nag salita siya. "Sige, bahala ka. Baka may mang rape sayo dyan sa kanto."
Tinatakot ba ako nito?
Pwes!
Natatakot ako.
Nakabusangot na lumapit ako sa kanya. Kainis naman. Gusto ko na makasama ang pinakamahal ko na kama. "Bilisan mo na bumili, mag iintay ako dito."
"Pumasok kana lang rin sa loob may upuan pa." Umiling ako at saka tinulak siya papasok sa loob, "Kapag hindi ka pa bumili iiwan kita dito." Sabi ko at agad naman siya'ng pumasok sa loob. Nag lakad ako patungo sa isang upuan at inintay siya.
May isang lalaki na lumapit sa akin at may itsura siya, medyo pogi lang.
"Mag isa ka lang miss?"
Bakit? May nakita ba siyang hindi ko nakikita?
Hindi ko siya sinagot at tumingin sa loob. "Ang sungit mo naman." Sabi niya.
I'm not talking to strangers.
"Snobera pa." dagdag niya.
Isa pa, masasabunutan ko 'to hanggang sa mag karoon siya ng panot sa ulo. Kainis! Hindi ba niya nahahalata na ayoko makipag usap sa kanya?
"Hey! Lexis, sino yan?" Tumingin ako sa lalaking lumapit sa amin, si EJ. Buti naman dumating pa ang kumag na 'to.
"Ang tagal mo."
"Sorry na. Wala kasi yung favorite flavor ko e." nakanguso na sagot niya. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at basta nalang hinila si EJ. Wala akong paki alam kung mag mukha akong bastos dun sa lalaki.
Hindi ko naman siya kilala kaya ayos lang maging bastos.
Medyo nakalayo na kami sa convenience store ay binitawan ko na ang kamay niya at nag lakad na ulit.
"Sino kausap mo kanina?"
Nag kibit balikat ako. Bakit ko sasagutin yung tanong niya kung hindi ko rin naman kilala? Psh. Sayang lang sa laway.
"Okay. Gusto mo ng ice cream?" Tanong niya at iwinagaygay ang isang plastic. Eh? Ba't andami ng ice cream niya?
"Sayo lahat yan?"
"Yup." Geez.
Childish.
Baka naman mag ka- diabetes ang isang 'to. "No, thanks." Sabi ko.
Ilang minuto lang ang nilakad namin ay nakarating na ako sa bahay ni Lola. Nilingon ko siya saka tipid na ngumiti.
"Thank you. Makakaalis kana."
Inaantay ko siya mag lakad paalis pero hindi siya naalis. "Oh? Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko.
Paano ba naman nakatingin lang siya sa bahay namin. Don't tell me poor lang ang isang 'to. Hindi sa pag mamayabang, sa village na 'to ay puro may mga malalaking pera lang ang nakakatira. In short, puro mayayaman lahat.
"Dyan ka nakatira?" Tanong niya at tumango nalang ako.
"Woah! Cool. Dito lang ako nakatira o! Katapat ng bahay niyo." Sabi niya at tinuro ang bahay na nasa tapat namin.
Napanganga ako na napatingin sa tapat ng bahay namin.
Freaking cow! Is he serious?
Oh, Ghad! Why o why?!
BINABASA MO ANG
Love Phobia
FanfictionShe's afraid of Love, Afraid of falling in love and getting hurt by the people she loves. She used to get hurt even when someone claims saying that they love her even she wouldn't believe them, ー Lexis Zamora. Will she never be change? Is the love...