Chapter 1

342 86 0
                                    

Play the music on the multimedia-->

Chapter One.

Nakakapesteng araw, pagpasok ko ba naman mukha ng hambog na yan ang bubungad sakin! Panira ng araw, kabwisit.

Btw- im Kayah Villafuerte. Maganda, Matalino, Popular. Sikat din ako dito sa school dahil volleyball player ako.

Suitors? Oo, madami ako nyan. Minsan, pag mukha namang disente at hindi bastos kinakausap ko kahit papano. Hindi naman ako ganun kahard, pero pag mga mayayabang na tao at halatang pacool? Ayoko sa kanila. I swear.

Hindi ko nga alam kung bakit ako napapayag ng Gaze na to na magpanggap na In a relationship kami, hindi kaya may pinainom sya sakin nung araw na tinanong nya ko? Kaya hindi na ko nakatanggi?

Aish, wala na kong magagawa. Tsaka ginusto ko din naman na pumayag dun eh, para mailakad nya ko kay Gian. Ang Ultimate crush ko.

Kaibigan nya iyon, at alam kong posibleng malakad nya nga ako dito.

Ang kapalit naman? Magpapanggap kaming magsyota sa harap ng Ex nyang si Hazel. Si Hazel, cheerleader ng school. Maganda din naman, mas maganda lang ako. Hahaha!

At nung tinanong ko sya kung bakit ako ang kinukulit nyang maging Fake girlfriend nya, ang sinasagot nya lagi ay..

'Sa iyo lang sya naiinsecure, mas madali natin syang mapapagselos'

Ewan ko ba dito sa Gaze na to, gwapong lalaki pero desperado. Tanggapin nalang kasi nyang wala na sila ni Hazel, pero hindi eh. Gagamitin nya pa talaga ako para mapagselos si Hazel at para marealize daw nito na mahal pa sya nito.

Psh, masyado nyang pinapacomplicated ang sitwasyon. Manligaw nalang kaya sya ulit diba? Kaya lang hindi eh, iba ang way nya para magkabalikan sila. Psh, napakapride kasi eh.

"Hindi manlang ba ako babatiin ng Goodmorning ng Girlfriend ko?"nakangising sabi nya kaya inis na napatingin ako sa kanya, sarap bangasan ng mukha.

"Girlfriend your face. Wala si Hazel dito, so don't act like one."inis na sabi ko dito.

Ngumisi na naman sya, pangasar talaga ang mukha ng lalaking to. Yung tipong pag tinignan mo sya, mababadtrip ka bigla.

"Sungit mo naman, nagpapractice lang ako."nakangising sabi nya. Inirapan ko naman sya.

"Bakit ka ba nakatabi sakin? dyan nakaupo ang bestfriend ko."sabi ko dito, inuupuan ba naman ang upuan ni Xyril. Si Xyril, ang bestfriend ko. Volleyball player din. Lagi syang late, kaya hindi na ko magtataka kung bakit wala pa sya hanggang ngayon.

"Bakit? Ako naman ang boyfriend mo."nakangising sabi nya.

Wala ba syang ibang gagawin kundi Magsmirk? Naiinis na ko ah, bwisit.

"Can you please shut up?"pissed off na sabi ko dito.

Tinaas naman nya ang dalawang kamay nya na parang sumusuko,

"Highblood naman nito. Oo na, aalis na. Basta don't forget the dinner."kindat nya at umalis na.

Inis na napabuga nalang ako sa hangin.Nakasagap kasi sya ng balita na magdidinner sa isang resto si Hazel at ang bago nyang kadate. Kaya naman itong walangyang to, susundan talaga at kunwari coincidence na nandun din kami magdidinner. Psh, magaacting na naman kami. Pretending to be nice couple. Nakakasuka.

--

"Magpapanggap na naman kayo ni Gaze no?"sabi ni Xyril sakin habang papalabas na kami ng campus. Uwian na. Pansin nya kasing may tinignan ako sa phone ko, nagtext kasi ang mokong.

"Oo, as usual."i said then shrugged, ano pa nga bang magagawa ko? A deal is a deal, at nakipagdeal na ko na three months kaming magpapanggap. Marunong naman akong tumupad sa pangako, at lahat ng sinasabi ko, tinutupad ko.

"Hays, hindi ka ba nafafall sa kanya? Gwapo si Gaze, tapos lagi kayong magkasama kahit bwisit ka sa kanya. Tapos nagaact as a couple pa kayo pag kaharap nyo si Hazel."sabi nya sakin.

"Ako? Mafafall sa kanya? Hell no. Never as in never. Hindi ko bokabularyo na mafall sa taong katulad nya, hinding hindi."sabi ko dito. Malapit na kami sa parking lot ng school.

"Bahala ka, wag kang magsasalita ng tapos. Hindi natin alam ang mangyayari."sabi nya sakin, hindi na ko sumagot hanggang sa matanaw ko na si Gaze na nakasandal sa kotse nya.

"Sige, Kayah. Nandun na ang sundo ko, bye. Ingat."sabi nya.

"Sige, bye. Ingat ka din."sabi ko at nagkahiwalay na kami.

"Saan na naman tayo pupunta?"Tanong ko. Linshak talaga, pagod na ko eh. Pero no choice ako.

"Dun tayo sa Resto kung san magdidinner si Hazel at yung G*gong kadate nya."sabi nya at pumasok na, napairap naman ako. Leche tong lalaking to, hindi manlang ako pinagbuksan ng pinto. Hindi manlang magpakagentleman.

Bwisit. Padabog na binuksan ko ang kotse nya at sumakay na ko, padabog ko din itong sinara.

Gulat na napatingin naman sya sakin,
"What the hell, Kayah? Sisirain mo ba tong sasakyan ko, kakabili lang nito at mahal to."
Sabi nya.

"Leche, tinatanong ko ba? Ang yabang mo."irap ko dito. Hindi na nya ko sinagot at pinaandar na ang sasakyan.

"Magpapanggap na naman tayo, kailangan mo ding maging sweet. Baka makahalata yun, wag ka ng sumimangot dyan."sabi nya sakin habang nagdadrive.

Hindi ko naman sya sinagot, at tumingin lang ako sa labas ng bintana.

Natahimik din kami ng ilang minuto, ng magsalita ako.

"Bakit ba hindi mo nalang sya ligawan? May paselos selos ka pang nalalaman."sabi ko dito.

"Mas maganda ng magselos sya, para maramdaman nya na may feelings pa talaga sya para sakin."sabi nya.

"Wow ha, hindi ka din mayabang e no? Malay mo, hindi ka na nya talaga gusto. Pinipilit mo lang ang sarili mo sa kanya."bitter na sabi ko.

"Psh, Wag kang maging bitter, hindi ka maganda."sabi nya sakin.

Inis na tinignan ko naman sya, "Bakit? Maganda lang ba may karapatang mabitter? Tsaka, maganda ako. Baka ikaw ang panget kaya hindi ka balikan ng Ex mo."irap ko dito, saglit na sinamaan nya lang ako ng tingin tapos ay tinutok na ang tingin sa daan.

"Buti pa si Grace Poe, tanggap nya na talo sya. Eh ikaw ba tanggap na hindi kayo ang para sa isa't isa?"sabi ko dito, pati ba naman si Grace Poe nadamay pa. Hahaha.

"Urur. Wag mo nga akong maganyan gayan."irap nya sakin.

"So gay."sabi ko dito, hindi na nya ko pinansin.

Kung mahal ka nya, Matagal ka na nyang binalikan.

Totoo naman diba? Kung totoong gusto sya ng tao, gagawa din ito ng paraan para magkabalikan sila. Wag naman syang magpakatanga.

Kaya ayokong naiinlove eh, Psh.

--

Godbless. ;)

Gaze Pajares on the Multimedia-->

- Butchai

You won, I lose. (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon