Chapter 8

141 14 7
                                    

Chapter 8.

=======================≠==≠===≠===

"Nakapagpractice na ba kayo?"sabi ni Xyril ng makalapit sya sakin. Nakaupo ako dito sa bench, tinabihan nya ko.

"Hindi. Paano kami makakapagpractice, eh busy sya kay Hazel?"sabi ko.

1 week ng tapos ang audition. Nakapasok naman kami. Sa isang buwan na ang program, wala pa kaming napapractice.

Psh, paano ba naman busy sya kay Hazel. Sasali sali sya dito, hindi naman pala nya kayang panindigan.

"Selos ka naman?"sabi nya, hindi ko sya pinansin. Ininom ko nalang ang aking Taro Shake. Ang sarap kaya.

"Sila na ba ulit ni Miss Cheerleader?"sabi ni Xyril.

"Ewan ko. Psh. Hindi din nagiisip iyong si Gaze eh. Hindi ba nya naisip na baka magtaka si Hazel na sila lagi ang magkasama at hindi ko sila pinipigilan? Diba nagpapanggap kaming magsyota?"sabi ko.

"Hayaan mo na sya. Hangga't hindi ka nya kailangan, hindi ka nya tatawagan. Mas maganda na nga yun eh, hindi mo sya masyadong nakakasama diba? Hindi ka lalong mahuhulog sa kanya. Kailangan mong pigilan yan, Kayah. Ikaw at ikaw lang din ang masasaktan sa huli."sabi nito.

Natigilan ako sa sinabi nya. Tama naman sya e, hindi ako tatawagan ni Gaze kung hindi nya ko kailangan.

At bawal na kong mahulog sa kanya,

Dahil hindi ako ang mahal nya.

==

"Are you asking me on a date?"sabi ko kay Gian. Nandito sya sa harap ko. Nakaupo ako sa bench. Wala kaming Klase. Vacant hours. Tapos si Xyril naman, Umuwi muna sa kanila. May excuse letter naman sya eh. Paano, may sakit ang gaga. Pumasok pa kanina.

"Well."he grin. "parang ganun na nga."sabi pa nya.

"Are you free?"tanong pa nya. I was going to answer his question when suddenly someone shouted.

"Hey!"sabi nito at tumapik pa sa balikat ko. Tinignan ko ang gumawa nun. Nagulat ako ng makita ko si Gaze.

"What are you doing here?"sabi ko dito. Kumunot ang noo nya ng tignan nya kaming dalawa ni Gian, At nawala ang ngiti nya sa labi nya.

"Sorry. May pinaguusapan ba kayo? Did i disturb you two?"sabi nya.

"Uhm. Hindi naman. Inaaya ko lang makipagdate si Kayah."sabi ni Gian dito. Kailangan sinasabi, Gian? Sa harap pa mismo ni Gaze? Pero bakit ba ko nagaalala? Eh wala namang kami ni Gaze diba?

"Ah. Sorry ha. May sasabihin lang kasi ako kay Kayah. Pero mamaya nalang."bumalik ang ngiti sa labi nya. Parang may maganda syang balita.

"Sige, Alis na ko."sabi ni Gaze at umalis na. Tinignan ko nalang sya habang lumalakad sya palayo. Palayo sakin.

Parang ganito kami eh. Lumalayo sya sakin, dahil pupuntahan nya ang mahal nya. Wala na kong nagawa, dahil kahit anong pagpigil ko hindi ako ang pipiliin nya.

Humuhugot na ba ko?

Sorry, masakit lang kasi talaga dito *turo sa dibdib*

"Kayah, anong sagot mo?"napalingon ako kay Gian. Nakita kong nakangiti sya habang nakatingin sakin. Kung dati nya siguro ako inayang makipagdate, baka hinimatay ako. Pero iba na kasi ngayon e. Madami ng nagbago.

"Okay."sabi ko. Wala namang masama kung ibabaling ko ang feelings ko sa kanya diba? Gaya ng dati. Para hindi na ko masasaktan.

Bakit kasi kailangan pang maging complicated ng lahat? Bakit hindi nalang tayo maging masaya? Bakit hindi nalang mangyari na pag mahal ko sya, automatic na mahal din nya ko. Kung ganun lang sana, edi sana wala ng nasasaktan.

Napangiti naman sya sa sinabi ko. "Thanks, Kayah. Bukas ha? Susunduin kita sa bahay nyo."nakangiting sabi nya.

Saturday kasi bukas e. Pero teka.. susunduin nya daw ako?

"Alam mo bahay namin?"takang sabi ko. Village kami nakatira.

"Oo naman, at dun din ang bahay namin sa Village na yun."nakangiting sabi nya. I didn't know that. Well, kahit naman gusto ko sya mula noon pa hindi ako nagabalang iistalk sya. Ayos na ko na nakikita ko sya sa school.

"Okay. Ikaw na bahala."sabi ko.

==

"Hey! Kain tayo. Libre ko."ngiting ngiti na sabi ni Gaze sakin. Mukhang masaya ang loko.

"Bakit naman?"Wala namang okasyon.

"Masaya lang kasi ako e." Halata naman sayo e, sya pa din ba ang dahilan? Sya pa din ba ang dahilan ng bawat pagngiti at pagtawa mo?

Nasasaktan ako. Ano na naman kaya ang ibabalita nyang ikasasakit ng puso ko at ikaiiyak ng mga mata ko?

"Hey, Tulala ka?"napatingin ako kay Gaze ng magsalita ulit sya.

Natauhan naman ako.
"A-ah, May sinasabi ka?"

Dahil sa sinabi ko, Nagpout sya. Please don't do that.

"Sabi ko na nga ba at hindi ka nakikinig. Sabi ko, Pwede ka ba? Ihahatid naman kita sa inyo bago mag 8:00pm eh."sabi nya sakin. Uwian na namin at 5 pm palang ngayon.

"Okay lang naman."sabi ko dito at ngumiti ng kaunti.

Ano ba, Kayah? Dapat iniiwasan mo na sya. Dapat nagkikita nalang kayo pag magpapanggap kayo.

"Kasama ba si Hazel?"sabi ko. Baka mamaya, magpapanggap na naman kami.

"No."ngumiti sya. "It's just you and me."sabi pa nya.

Tinago ko ang mukha ko sa sinabi nya. Alam kong namula ako sa sinabi nya. Kayah, ano ba? Tigilan mo na to! Hindi ito tama. Masasaktan ka lang.

"Tara na. San mo gusto kumain?"sabi nya pagpasok namin sa kotse nya.

"Kahit ano." Kahit inihaw lang o samalamig, ayos na ko. Basta ikaw ang kasama ko.

Okay. Ang corny ko. Ang tanong, Gusto nya din ba kong makasama? Malamang hindi! Gumising ka na, Kayah. Nasa reality tayo, at sa reality na to hindi sya magkakagusto sayo.

"Okay then! Kakain tayo sa masarap."ngiting ngiti pa sya. Parang ang saya nya ngayon. May nangyari kaya?

Hindi ko na nga muna iisipin iyon.

==

"Masarap ba?"nakangiting sabi nya habang kumakain kami. Bakit ba kanina pa to ngiti ng ngiti? Lalo akong nahuhulog e.

Kumakain na kami sa isang Restaurant. Madaming tao. Masarap kasi e.

"Oo. Masarap naman."ngumiti pa ko. "Wait lang, Diba tayo ang representative ng room natin sa program next month?"sabi ko. Hindi pa kasi kami nakakapagpractice eh.

"Huh? Ah-hindi pa ba nasasabi sayo?"sabi nya sakin na nagpakunot ng noo ko.

"Ano yun?"

"Hindi na tuloy ang program, nagkaproblema daw."sabi nya.

Napatango naman ako. Sus, nageffort pa kong magpakita ng talent ko non. Hindi pala tuloy. Nasayang lang ang effort ko. Well, Ganun naman lagi.

"Kayah, May sasabihin ako sayo."seryosong sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano yun?"tanong ko habang ngumunguya.

"Itigil na natin ang pagpapanggap natin,"sabi nya sakin. Kumunot ang noo ko.

Bakit?

"Kasi napaliwanag ko na ang lahat kay Hazel. Ang pagpapanggap natin. Ayos na. Mahal pa din daw nya ko! At guess what, Kami na ulit!"masayang sabi nya. Natigilan naman ako sa sinabi nya.

Dapat ba kong ngumiti at magpanggap na masaya para hindi sya makahalata?

Did you hear that?

It was my fragile heart getting completely smashed into tiny little pieces.

==

Godbless.

- Butchai

You won, I lose. (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon