CHAPTER II

16 0 0
                                    

A/N: sana magustuhan niyo... and patawad nalang sa mga typo and grammars.. enjoy!! :)


Mae's POV

Pag gising ko ay naligo agad ako, kahit antok na antok pa ako, di kasi ako nakatulog kagabe kaiisip kung ano ang tinatago nila saakin, pero naisip ko rin na kalimutan nalang yun kasi, sabi naman ni dad malalaman ko naman daw pagdating ng tamang panahon kaya ito puyat na puyat, para akong zombie naglalakad papuntang banyo. oh crap! I hate Monday's, nang matapos ko nang maligo at mag bihis, ay bumaba na ako, pag kababa ko palang eh nakita ko na silang lahat sa mesa, ako nalang ang kulang, himala ata at naunahan pa ako ni ate kris at grace, papunta na ako sa upuan ko ng biglang tawagin ako ni ate kris.

"ah mae, dito ka nalang maupo, tabi tayo" nakangiti niyang sabi saakin, o-k-- anyare? Tinignan ko sila mom, dad, kuya and grace pero lahat sila nakangiti lang saakin, di na ako nag tagal pa at umupo na agad ako sa tabi niya, mahirap na baka magalit nanaman siya saakin .

Nang tapos na kaming kumain ay bigla nanaman akong kinausap ni ate kris "mae, sakin kana sumabay ah" nakangiti niyang sabi with matching taas-baba kilay pa, tsk! ano ba tong nangyayari sa kapatid ko? Di ako sanay "hey! Ano di ka pa ba sasakay? Malelate na tayo" nag madali agad akong sumakay.

Habang nasa byahe kami eh kinausap nanaman ako ni ate "ah m-mae, a-no" pautal-utal niyang sabi na parang kinakabahan na ewan "argghhhh!!!! Ano ba to? Ah m-mae, a-no gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa lahat ng nagawa namin ni grace sayo, sorry kung hindi ako naging mabuting ate para sa yo" seriously? Si ate ba talaga to? Parang gusto kung maiyak at lumundag dahil sa sinabi niya, kahit na medyo awkward ay yinakap ko siya, wala na akong pakealam kung magalit man siya, ngayon lang naman to, pero ang mas ikinagulat ko ay hinigpitan niya ang yakap niya at umiiyak siya, teka umiiyak si ate kris? Bumitaw ako sa pag kakayakap namin at tinanong siya.

"t-teka, a-ate umiiyak ka ba? Bakit?" pinunasan niya agad ang luha niya "ah eto ba? Wala tears of joy lang to, dahil sa dami ng ginawa naming hindi maganda sayo, eh pinatawad mo pa rin ako"

"hoy! Hoy! Ate kris, anong namin? Eh ikaw lang naman ang nag papahirap kay ate mae ah, tsaka sinasabayan ko lang ang trip mo, dahil baka magalit Karin saakin, at isa pa tumigil na nga kayo sa kadramahan niyo andito na tayo sa school, at nag hihintay na ang mga fans mo sa labas" sabay tingin kay ate kris, at pagkatapos ay saakin naman siya tumingin "at ikaw naman ate mae bumaba ka na rin, nag hihintay na rin ang library sa yo" bago paman makapag salita si ate kris ay lumabas agad si grace ng kotse at tumakbo pero bago yun ay may pahabol pa siyang sinabi "bye bye mga ate, kita nalang tayo mamaya sa bahay, dun niyo nalang ako batukan wag dito nakakahiya" and after nun tumakbo nanaman siya, at pagkatapos nun ang sabay naming pagtawa ni ate kris.

"oh pano ba yan una na ako sa yo ah, bye sis" at lumabas na rin siya sa kotse, naiwan akong mag isa na nakangiti, haizt! Ang sarap pala ng ganto no, yung nakakasundo mo ang mga kapatid mong babae, "ate" ang sarap pala ng feeling na tawagin kang ate ng kapatid mo, sana di na matapos to.

LUNCH BREAK

Nasa cafeteria ako at magisa nanamang kumakain, pero di nag tagal ay may tumabi saakin, si ate kris at ang mga kaibigan niya, pinakilala niya ako sa mga kaibigan niya, mababait naman sila, pero di parin talaga ako sanay na may kasabay akong kumain dito sa caf.

"mae sabay tayong umuwi mamaya ah, at isa pa my dadaanan pa tayo" sabi ni ate kris, at um-oo nalang ako, nahihiya kasi talaga ako sa presence ng barkada niya, ang saya nilang tignan, naiinggit ako *pout*, nagulat na lang ako ng biglang sumigaw ang isa sa kaibigan ni ate kris which is di ko kilala.

"kkyyyaaaahhhhhh!!!!! " aish! Sakit sa tenga "ano ba bat ka nasigaw?" tanong ni ate kris na naiirita sa boses ng kaibigan niya.

"kkkkyyyyaaaahhhhhh!!!!! KRIS!! ANG KYOT!! NG KAPATID MONG MAG POUT!!!" ok? Ano daw ? ako cute? San banda? Tinignan naman nila ako at sinuri ang mukha ko, my gosh! ano ba to my dumi ba ako sa mukha? After nilang suriin ang mukha ko, bigla nalang ngumiti ang mga kaibigan ni ate, at tinignan nila si ate na parang you-know-what-to-do-look, at si ate naman eh halos mapunit na ang bibig sa lapad nang tawa ganito oh ^__________________________________________^ ganyan ang tawa niya, nang sa wakas ay nag ring na ang bell hudyat ng babalik na sa normal ang tahimik kung buhay.

Virtual AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon