Chapter 3

21 0 1
                                    

Kris POV

Andito ako ngayon sa kwarto ni Mae, nakaupo ako sa kama niya habang hinihintay siyang mag bihis, di ko akalaing darating ang araw na malalayo siya saamin, dahil lang sa isang kasunduan na yun. Tsk!! sinisisi ko ngayon ang sarili ko kasi naging miserable and buhay niya ng dahil saakin, kung alam ko lang na kukunin saamin si Mae ng ganito ka aga, sana ay naparamdam ko sa kanya na mahal ko siya, oo alam ko naging selfish ako, kasi naman nasakanya na lahat ng atensyong kailangan din namin ni grace, si mom, dad, at kuya, parang si mae lang ang laging nakikita, mahal ko si mae pero nangingibabaw ang inggit ko sa kanya, kaya parati ko siyang inaaway.

Nung gabing kinausap ako ni kuya, parang gumuho ang mundo ko nang marinig ang mga sinabi niya, marami ang gusto kung gawin, gusto kung baguhin ang lahat, gusto kong pasayahin si Mae, at lalong lalo na gusto ko siyang ilayo sa lalaking yun, pero alam kong malabong mangyari yun.

Flashback

Andito ako ngayon sa harap ni kuya habang hinihintay ko ano ang sasabihin niya saakin, tss!! Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagka inis, ewan ko pero ngayon ko lang nakita si kuyang ganito, nag aalala ako sa kanya, "kris mayroon akong sasabihin sayo, tungkol to kay mae, pero sana hindi mo to sabihin sa kanya, hintayin mong sila dad at mom ang magsabi" di ko alam pero imbis na magalit ako dahil si mae nanaman, pero ito kinakabahan ako, ewan ko kung bakit parang myroon nag sasabi saakin na hindi maganda ang maririnig ko. Nakatingin lang ako kay kuya at hinihintay kung ano pa ang sasabihin niya, narinig ko ang pag buntong hininga niya at nakita ko rin ang pagtulo nang mga luha niya.

"k-kris si mae, mawawala na siya saatin, hindi na natin siya makakasama, kukunin na siya ng taong yun, ng lalaking yun" mangiyak ngiyak niyang sabi, nanlambot ako sa sinabi ni kuya, naguguluhan ako, sinong lalaki? Bakit mawawala si mae? Yan ang mga tanong sa isip ko na hindi ko matanong kay kuya, ewan ko kung bakt pero naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha sa pisngi ko, tinignan ko si kuya, umiiyak na siya, di ko namalayan na umiiyak na din pala ako.

Nung ok na kami ni kuya ay kwenento niya sakin ang lahat, simula ng ipanganak si Mae hanggang sa humantong sa isang kasunduan.

END OF FLASHBACK

At nung gabi ding yun, ipinangako ko sa sarili ko na babaguhin ko ang lahat. Pababa na kami ni mae ngayon at papunta sa dining, lahat sila nakatingin samin ni Mae, kitang kita sa mukha nila ang pagka gulat, alam kung ganun ang magiging reaksyon nila, ako rin naman nagulat sa bago niyang ayos, di nakapagtatakang kapatid ko talaga siya.

Habang papalapit kami nakita ko si kuya na nag thumbs up saakin, si dad at grace na nakangiti, at si mom na di mapigilang di mapaluha, alam kasi nila na hindi kami nag kakasundo ni mae, kaya ganun nalang sila kasaya na magkasundo na kami except kay grace kasi kasama ko siya sa kalokohang ginagawa ko.

Umupo na kami ni mae sa bakanteng upuan, nakita ko naman siya na parang naiilang sa kanyang sout. Tsk! di ba niya alam na ang ganda ganda niya ngayon? Pinabayaan ko nalang siya at tahimik kaming kumain.

Nang matapos kaming kumain ay hinablot ko agad si mae and grace, mahirap na baka mag bago pa ang isip nitong si mae at mag palit ng damit.

"sige mom, dad, kuya! Alis na po kami!" paalam ko sakanila.

"ano ba ate, dahan dahan naman, baka mabali kamay ko niyan, sige ka" pag rereklamo ni grace. Tsk! kahit kalian talaga ang daming arte nitong babaeng to. Mabuti pa tong si mae, di nag rereklamo, siguro di parin siya sanay.

Andito na kami sa school, at hanggang ngayon hindi pa rin bumababa si mae, kaya no choice kami ni grace at sinamahan muna namin siya dito sa loob, alam namin na hihiya siya, lalo na ang daming studyante sa labas, tsk!! ano pa nga ba ang bago? Halos araw araw ganito eh! Ang daming nag hihintay saaamin ni grace.

Virtual AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon