Chapter 5

21 0 0
                                    

Mae's POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nakilala ko yung Jazz na yun, pagkatapos nung sa cafeteria ay di na siya nagparamdam ulit, hindi sa namimiss ko siya, pero simula nung nakilala ko siya parang may mga matang palaging nag mamasid saakin. Nung una ay pinabayaan ko lang ito pero di nag tagal ay kinakabahan na ako.

Papunta ako ngayon sa library ewan ko kung bakit wala sila kate ngayon ,medyo nasanay narin kasi ako na kasama ko sila.

Habang naglalakad ako, naramdaman ko nanaman na may mga matang nakatingin saakin, binilisan ko nalang ang lakad ko, kung bakit kasi wala manlang studyante dito ngayon sa dinadaanan ko.

tuloy tuloy lang ako sa pag lakad nang parang may naramdaman akong papalapit saaking mabilis na bagay, ewan ko pero sinasabi nang utak ko na yumuko ako, di ko na alam ang nangyari dahil yung katawan ko narin ang kusang yumuko,. Tss!! Anong nangyari? At nung pagkaharap ko nakita ko ang isang matulis na bagay na nakatusok sa may pintuan.

Dahil sa pag tataka ko, at pagkatakot narin ay umalis na lang ako, at di na pumunta pa nang library.

"oh Mae ok ka lang ba?" tanong saakin ni ate Kris, di ko namalayan na nakasalubong kop ala siya.

"ah oo ate, ok lang ako, punta lang ako sa caf ah"

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni ate at umalis na agad, di parin talaga ako makapaniwala sa nangyari kanina, alam kung may maling nangyayari saakin, matagal ko nang napapasin, at natatakot narin ako sa sarili ko.

Nitong nakaraang araw ay unti unti kong nararamdaman ang pag babago sa katawan ko, parang may sarili silang pag iisip, na kahit hindi ko gustong gawin ay kusa siyang gumagalaw, katulad nalang nung nangyari kanina, isa lang yun sa mga weirdong nagaganap sa akin.

"di mo pa rin ba na iintindihan na kakaiba ka? hindi ka normal?" nabigla ako sa biglang pag sulpot ni kuya Jazz.

"anong ginagawa mo dito?at anong ibig mong sabihin na hindi ako normal?" imbis na sagutin ang tanung ko ay nginitian niya lang ako.

"may alam ka ba sa nangyayari saakin ngayon?" tanong ko sakanya, di naman ako bobo para di yun mahalata.

"malalaman mo rin sa tamang panahon" tsk! lola ni dora ikaw ba yan?

Nagkibit balikat nalang ako at dumiretso sa room ko, pag ka pasok na pag kapasok ko sa room ay umupo agad ako at umidlip ng konti, gusto ko munang kalimutan ang nangyari saakin kanina.

Maya maya ay nakaramdam ako na my kumakalabit saakin, tsk!! naka tulog pala ako, tinignan ko kung sino ang kumalabit saakin, si Tim pala "bakit?" tanong ko sakanya.

"tawag ka ni maam" paglingon ko sa harap nandun si maam na parang nag aalala.

"miss Evangelista ok ka lang ba? May sakit ka ba?" nag aalala niyang tanong saakin.

"ok lang po ako maam, medyo napuyat lang" sabay kusot ng mata ko, nginitian naman niya ako, at nag patuloy sa kung ano man ang sasabihin niya.

"Alam niyo naman na every year ay palaging nag cocompete tong School na to sa ibang school, pero nitong nakaraang mga taon ay pumapangalawa o worst ay pumapangatlo nalang tayo, alam niyo naman na palaging nasa TOP ang school natin nung dito pa nag aaral si Jazz at yung kambal niya, so napag usapan namin ng mga co teachers ko pati narin ang may-ari ng school na to na agahan ang pag tre-train sa mga studyanteng gustong sumali, meron tayong 3 kategorya, ito ay ang Palakasan, Tagisan ng Talino, at Talento." Mahabang paliwanag ni maam.

"Maam kailan po gaganapin ang pag sasanay sa mga gustong lumahok?" tanong ng isa kong kaklase

"sa lunes na gaganapin ang pag sasanay sa mga gustong lumahok, pero hindi ka basta basta makakasali, sasailalim muna kayo sa try out, at ang mag tratry out sa inyo ay walang iba kung hindi si Jazz Magno, siya rin ang mag tretrain sa lahat ng mga pumasa"

Virtual AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon